Chapter 32 - Traitor

462 20 0
                                    

4:23 PM

You
Busy ka ba? Pwede ba kitang bisitahin dyan? May chuckie ako rito hehe alam kong
gusto mo. 

4:49 PM

Mokong <3
Teka ako nalang pupunta dyan.

Mokong <3
Are you on the way here??

You
Ba't naman di pwedeee? Miss ko na bumisita sa condo mo

Mokong <3
It's because everything here is messy. 

Papunta na ako dyan. Wait for me outside

******

Matiyaga akong naghihintay kay mokong, excited dahil sa wakas makaka-bonding ko na rin siya. Nagdala pa nga ako ng limang chuckie eh para share kami tas in the end, ako lang din pala ang uubos. Anyways mag-isa ako sa park na nasa tapat ng villa namin, nakaupo sa swing habang hinihintay siya. Buti nga walang mga bata ngayon dito dahil ayaw kong may kaagaw sa swing. 

Maya't-maya pa, dumating na sa wakas si Xiam. Nagtaka ako dahil hindi siya nakasakay sa motor o kutse. 

"Hudaaasss I'm heree! " excited na sigaw ni mokong at kumaway pa na parang bata galing sa school. Tumatakbo siya patungo sa direksyon ko.

Napatayo naman ako at sinalubong siya. Aakmang yayakapin ko sana siya ngunit iniharang niya ang palad sa mukha ko. "I'm covered in sweat. " he said. Napailing ako. "Ano naman ngayon kung pawisan ka? " I still hug him nonetheless. Sa tangkad niya, hanggang dibdib lang ang nayayakap ko.

Infairness, hindi amoy paksiw. Ba't ganun? Kapag ako pawisan nangangamoy silver swan tas itong lalaking 'to, fresh na fresh pa rin. Ang daya.

"You miss me? " tanong niya habang nakayakap pa rin ako. Alam kong nakangisi siya.

"Sa sobrang miss ko sa'yo gusto kitang ilibing ng buhay. " biro ko in a serious tone. "Dude simba tayo next Sunday ha? Remember your promise yesterday. " paalala ko at bumitaw mula sa pagkakayakap.

"Ngi pareho tayong masusunog nyan. " ngiwi niya but I know he's still going with me. 

Kaagad nagliwanag ang mukha ni Xiam nang makita ang limang chuckie na inilapag ko sa upuan ng swing. He grab one at tinungga ito na parang alak. Umupo siya sa kabila. "Dude this is the best drink ever, thanks for this. Nakapagpahinga rin ako sa wakas. " pasimpleng nag-unat siya ng paa na para bang nilakbay niya ang Pacific Ocean at Sahara Desert.. 

"Bakit? Ano bang ginawa mo? " tanong ko na ikinatigil niya.

Lalo akong nagtaka nang nag-iwas siya ng tingin. "T-tinapos ko lang yung argumentative essay."

Aba ang bait naman. Himala ata. Ano kayang nakain neto?

"So . . . " napatingin ako sa kulay kahel na kalangitan. "Ano nga pala ginagawa mo for the past two weeks? You've been busy a lot. Ni hindi ka na sumasabay sakin o sa mga alagad mo umuwi. Daig mo pa ang nerd sa kabaitan mo ngayon. " nakakapanibago kasi dahil ang aga niyang umuuwi tas kapag niyaya sa lakad, aayaw. 'Di lang 'yan, natutulog din siya ng 9pm. Like seriously, there are still teenagers out there who sleeps early? 

Napansin ko rin na medyo lumalim ang eyebags niya and he looks paler than usual. I thought he sleeps early now? 

Inubos muna niya ang chuckie bago ako sagutin, "Wala lang naman. Para maiba ganun. " 

"Siya nga pala, pumasok na ba sa klase ang tatlong minions? " pag-iiba niya ng usapan.

"Nope. Still nowhere to be found. 'Di ko alam kung buhay pa ang tatlong 'yun. " inubos ko na lamang ang chuckie at nagkuha ulit ng isa. 

Hate Is The New LoveWhere stories live. Discover now