Chapter 10 - Outcome

517 20 4
                                    

"Anong nangyare? W-why the hell are you crying?!"

Hindi ko mawaari kung tunay siyang nag-aalala at walang alam sa kumakalat na issue o sadyang magaling lang siya umacting.

Kusa akong tumayo kahit nanghihina ang aking tuhod. May iilang taong dumadaan ang napapatingin sa'ming dalawa. Mukha kaming mag-jowa na magbe-break.

"Pakyu ka talaga Xiam. Pakyu sagad! Ang galing mong magpakalat ng issue na hindi naman totoo. " sigaw ko habang umaatras, baka masapak ko pa ang pagmumukha niya. 

Kumunot ang noo ni Xiam, panandaliang hindi nakapagsalita, trying to remember something.
"What?! Wala akong pinagkalat na issue, hindi ako babae noh! " he deny.

Okay, alam kong medyo malabo ring siya ang kumalat sa issue. He's a dick but not like a super-mega dick. 

"Teka nga, ano ba kasing issue 'yan? " he looks clueless, kung nagpapanggap lang siyang hindi niya alam then I'll clap my hands because he's damn good at acting.

Pinunasan ko ang aking pisnge at mga mata, naamoy ko parin ang milkshake sa aking katawan.
"Cindy told me earlier na sabik sabik raw akong ikama mo." I almost said in a whisper, sapat lang marinig niya. 

Natameme si Xiam sandali, hindi makapaniwala. "Seryoso ka ba?" hindi ko matukoy kung nandidiri si kumag o hindi. Pero nakakadiri naman talaga ang issue na kumakalat. Sa lahat-lahat ng issue na pwedeng maisip ng nagpakalat, bakit 'yan pa? Pwede namang ipagkalat niyang itatapon ko sa Ilog Pasig si Xiam.

"Mukha ba akong nagbibiro?" nanlilisik ang aking mga mata. 

Before he said something, I grab his hand at tinangay papunta sa lugar na walang makakarinig sa pag-uusapan naming dalawa. Diretso ang aking lakad habang hawak-hawak ang kanyang kamay. Inaamin kong nakakahiya itong ginagawa ko but the hell I care!

Nakahanap ako ng pwesto na walang tao. Mabilis na binitawan ko ang kanyang malaking kamay. Nang tumingin ako sa kanyang mukha ay naka-ngisi na si kumag. Mukhang wala siyang pakialam sa kumakalat na issue tungkol sakin. Hek, sanay na yata si gago.

"Huwag ka ngang pangisi-ngisi diyan, hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa issue nayan! What if malaman nina mommy at kuya? Tsaka malaman ng media? Edi magka-issue rin si mommy at maaapektuhan ang career niya? And worst, baka itakwil niya ako dahil nasira ang repu-"

"Jesus Christ, calm down lady!"

Bumaba aking tingin sa dalawa niyang kamay na nakahawak sa magkabila kong braso. "How am I supposed to calm down?! Palibhasa, sanay kana sa issue na'yan kaya wala kang pakialam tsaka iyan rin naman ang gusto mo diba? Ang masira ang buhay ko! " hestrikal kong giit. 

He slowly let go of my arms, hindi nakapagsalita. Mabilis parin ang aking paghinga, unti-unti kong na-realize kung ano ang lumabas sa aking bibig. 

Umiwas siya ng tingin, he moistened his lips. "Mahilig lang ako mang-asar at hindi manira ng buhay. Alam ko ang iyong nararamdaman, trust me. Hindi porket sanay na ako sa mga ganyan na issue ay wala na akong pakialam. Of course, I feel frustrated and annoyed. " he said while not looking at me. 

I feel super guilty damn.

"I-im sorry okay? Paranoid lang talaga ako. " I don't know how to comfort a person kaya hindi ko alam kung dapat ko bang hawakan ang kamay niya at lumuhod sa kanyang harapan o manatiling nakatayo sa pwesto na parang timang.

He look at me. "Apology accepted!" he said in a joyous tone. Bilis mag palit ng mood ah.

"Let me ask you something. " 

"Sure."

"May ideya ka ba kung sino ang nagpakalat ng issue?" 

Nag-isip si kumag. "Sa dami ng babae rito sa School, I certainly don't have any idea. " 

Hate Is The New LoveWhere stories live. Discover now