Chapter 30 pt.2 - Escape

426 17 0
                                    

Third Person POV

Tulong-tulong na itinali nina Xiam at Jake ang ngayong walang malay na si Bob sa isang upuan. Sinigurado nilang hinding-hindi ito makakatakas. Matapos ay nilagyan ito ng busal ang bibig. Babalikan nila iyan mamaya 'pag nahanap si Cheon. Kapwa kinakabahan ang dalawa para sa kalagayan ng dalaga. Hinihiling na sana'y walang nangyareng masama rito.

"We have to find Cheon now. " tugon ni Xiam na ikinatango ng kasama.

Madaming tanong ang naglalaro sa isipan ni Jake. Sa sobrang pagkalito niya ay pinili na lamang ng binata manahimik. 

Napamura si Xiam sa inis nang madatnang lock ang buong pintuan papalabas ng abandonadong paaralan. Hindi niya makita ang puting van dahil naka-park ito, malayo sa kinalalagyan nila. Masyado ring madilim sa labas, isa lang ang flashlight na dala-dala.

"Cheon's life could be in danger at this moment. Mamaya na muna natin puntahan sina Icey. " wika ni Xiam at tumakbo patungo sa fire exit. Sumunod kaagad si Jake, mas nadagdagan ang katanungan sa isipan.

"Sina Icey? Bakit nandito sila? W-why are they here? " tanong ni Jake habang tinatahak nila ang daanan patungo sa abandonadong garahe di-kalayuan. "T-tsaka may narinig din akong sinabe mo na 'script' kanina lang. Tol ano ba kasing nangyayare?! " hindi niya maiwasang mainis dahil hindi siya nito sinasagot.

"I will explain it to you later. After this, explain ko lahat-lahat. " lingon ni Xiam sa kaibigan. 

Huminto sa pagtakbo si Jake, "Explain it to me now! Bakit nandito ang minions ng damuhong nagtulak kay Cheon sa bangin ha? And what's with the script?! Dude, you better tell me right now what's going on. " pagmamatigas nito kaya napabuntong-hininga ang huli.

Marahas na hinawakan ni Xiam ang balikat ni Jake habang seryosong nakatitig sa mga mata nito. "Listen to me, if you want to see Cheon safe then you better shut your ass up and help me find her, alright?! We're in the middle of the woods, no one can hear nor can see us so we have to lower our pride, unite and save her. " giit nito. Napatango na lamang si Jake. Iba talaga 'pag seryoso ang kaibigan niya.

"Xiam hello?! Naririnig mo ba ako? Pasensya----"

Napahinto ang binata nang marinig ang boses ni Icey sa kabilang linya. "Oo Icey naririnig kita! Saan ba kayo, ba't walang sumasagot sakin kanina?! Hello? Listen, kinidnap na naman si Cheon ng mga minions at papunta kami ngayon upang iligtas siya. H-hello? Are you still there? " nanginginig ang mga kamay niya, malalim ang hiningang pinapakawalan. 

"Papunta na kami dyan! There's an asshole kanina, binutasan ang gulong ng van namin. For fuck's sake nakatakas pa. But don't worry, we're almost there. "

Walang inaksayangan ng oras ang dalawa at kaagad tumakbo patungo sa abandonadong garahe.

****** 
Cheon's POV

Nanginginig ang buo kong katawan nang makita ang napakatalim na kutsilyong hawak-hawak ng isang taong hindi ko kilala. I mean, this person is wearing mask. Yung tipong mask na walang makikita sa mukha. Hindi ko alam kung nasaan ako, I'm scared as fuck. Walang bintana rito kaya wala akong ideya kung nasa Korea pa ba ako o ano. 

Nakatali ang mga paa at kamay ko ngunit napakahigpit ng pagkakatali kaya kahit anong pagpupumiglas ay walang epek. 

Sabi ko na nga ba, may mangyayaring masama ngayong gabi. Why did I even let myself do this idea. Ba't pumayag ba ako pumayag sa absurd na ideya ni Icey?! Ayaw ko pang mamatay!

"Gising na pala si Cinderella. Tagal mo naman magising, nainip ako kakahintay. " ani ng naka-mask na tao. Base sa boses niya, tunog babae. Ngunit hindi naman mahaba ang buhok niya. Perhaps a tomboy? 

Hate Is The New LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin