Chapter 34 - Through The Rain

580 18 2
                                    

"Please please please, I hope she'll wake up soon. "

Dahan-dahan kong iginalaw ang mga daliri nang marinig ang isang napakapamilyar na boses. Inimulat ko ang mga mata at kaagad namang sumalubong ang nakakasilaw na liwanag.

A-am I in heaven now?

Teka, deserve ko ba mapunta sa heaven?

"S-she's awake. Oh God, thank you! Thank you! Anak ko, salamat at gising ka na. " may biglang yumakap sakin kaya tinignan ko kung sino ito.

"Mom . . . " I almost said in a whisper, tuyong-tuyo kasi ang lalamunan ko. 

Unang bumungad sakin ang nag-aalalang mukha ni mama. Iyak siya ng iyak habang nakayakap sakin. Kaya hindi ko rin mapigilang maluha.

"Mom I thought I couldn't make it. " iyak ko habang nakayakap ng mahigpit sa kanya. Akala ko talaga walang dadating upang itakbo ako sa hospital. Akala ko talaga iyon na ang katapusan ko. 

Sobrang nakakatakot. 

Iba talaga 'pag naranasan mo mismo ang near death experience. Ngayong alam ko nang hindi biro ang mamatay. I'll never gonna ask God again to take me with him when time gets rough.

Ngunit sino kaya ang nagdala sakin sa hospital? 

My poor mom caresses my back gently, "Mommy's here. Tahan na. You're fine now, you're alright. " sa simpleng salita na iyon, kaagad nawala ang takot at lungkot sa puso ko. 

Maya't-maya pa, dumating ang isang matandang doctor at kaagad inenspeksyon ang kalagayan ko. Lumabas saglit sa kwarto si mama. Thank God, I'm fine. Ang sakit nga lang ng ulo at balikat ko. Nakabenda pa nga ito. Ayon sa doctor, na-dislocate raw ang balikat ko and it would take 12 to 16 weeks to completely recover. Kailangan kong mag-ingat upang mapadali ang paghilom nito at mumunting sugat na tinamo. Tangina bugbog sarado ang katawan ko for the whole year.

On recollection, I sprained my ankle. Now, I dislocated my shoulder and hurt my head. Buti hindi nagka-amnesia. Death is really teasing me a lot this year. 

Umalis na ang doctor at kaagad pumasok si mama. This time, kasama na niya sina kuya at buong barkada ko.

"CHEEEOOONN AKALA NAMIN MAMAMATAY KA HUHUHUHU! "

"NAG WORK ANG ORASYON KOO WAAHH! "

"I knew you're gonna survive. Ma s-stress kasi si papa G sa'yo sa langit kaya di ka muna kinuha. " pang-aasar ni kuya. Bwesit tong isang 'to.

Lahat sila sabay-sabay na yumakap sakin na parang kakagising ko lang galing coma. Even my dear bro embraces me tightly which is kinda awkward dahil hindi naman kami sweet sa isa't-isa. Nag-iyakan ang mga tukmol, sina Denise at Edz pa nga nagdala ng kandila. Inakala ba talaga nilang mamamatay ako?! 

"A-arayyy! Huwag niyong dagdagan ang pasa ko. " daing ko dahil yung kawawang balikat ko nadadaganan ng mga tukmol na 'to kaya napabitaw sila sakin.

"Hehe sorry. "

"Who----who did this to you. " iyak ni Edz. 

"Tell us! I will rip the tongue of whoever ran over you. " handa nang sumugod si Denise sa laban. 

Napangiti ako, as in malawak na ngiti. I'm grateful these people are concerned for me. Ang sarap lang sa pakiramdam. 

On the other hand, naalala ko ang taong bumangga sakin. After a couple of months, pinkdroplet's identity has now finally revealed.

I never suspected her. Not even once. Sobrang unexpected. 

Sinong mag-aakalang si Aya pala ang stalker ni Xiam. She's the culprit behind everything. Not only once, but she did multiple attempts to murder me. 

Hate Is The New LoveWhere stories live. Discover now