Chapter 6 - New enemy

747 29 0
                                    


Buong buhay ko, hindi ko pa naranasang parusahan ng nanay ko. Dati, mabait ako sa klase at palagi akong pinupuri ng mga teacher. Naiinggit ang ibang mga bata sakin dahil kinagigiliwan ako ng lahat.

Noong grade five ako, first time ko naranasang mag-top 1 sa klase. Alam kong hindi kapani-paniwala. Magaling naman ako sa ibang subject ngunit bobo sa math. Hanggang sa nag-aral ako rito sa korea ay nag ma-maintain padin ang good grades ko. Pwera lang talaga sa math.

Lahat ng achievement na aking nakamit noong ako ay bata pa, parang nabalewala.

Ang dating top 1 student noong grade five, nagkukuskos na ng inodoro ngayon.

"Kuskusin niyo 'yan ng maigi! "

Hirap na hirap na nga ako sa unang inodoro na nilililinis, nakikidagdag pa sa problema 'tong si ma'am.

Todo kuskos ako sa inodoro na parang nakadepende ang kapalaran ng buhay ko rito. Balewala na sakin kung anong maging hitsura ko, ang importante ay matatapos ko rin ito kaagad.

Hindi lang naman ako nag-iisa rito dahil kasama ko sina Xiam, Jake, Mark at Justin. Tig-iisa kaming cubicle na nililinisan.

Sa kabilang building naglilinis sina TJ, charles at Irish.

Himala ngang sumunod sila sa parusang hinataw ni ma'am. Akala ko tatanggi sila at tatakas.

"Iyan ang napapala sa palaging late! Matuto naman kayong mag-adjust, hindi na kayo kindergarten. Pa'no nalang kung nagta-trabaho na kayo, edi palagi kayong late? Matatanggal kayo niyan! "

Napabuntong-hininga nalang ako. Imbes na manahimik si ma'am, panay ang satsat niya. Nakatayo siya sa pintuan ng CR habang nakapameywang. Ewan ko kung ano ang ginagawa niya dyan. Nakalimutan siguro niyang may klase pa siya.

"Ikaw Cheon, babae ka pa naman at anak ng isang celebrity! Sa susunod, ipapatawag ko mama mo! "

Bwesit. Huwag ang mommy ko!

Napapikit ako sa inis. Sa oras na malalaman ni mommy na palagi akong late ay madidismaya siya sakin. And I don't want that to happen!

Magtatalak na sana si ma'am nang may lumapit sa kanyang teacher rin. Nag-usap sila sandali bago umalis.

Napahinga ako ng maluwag. Buti naman at umalis na si ma'am. Ang sakit sa tenga marinig ang boses niya.

"Hoy hudas, paki-abot nga ng Zonrox!"

Natigil ako sa pagkuskos nang marinig si Xiam, nasa kabilang cubicle katabi lang sa'kin.

Iaabot ko na sana ang Zonrox nang maalala ko ang ibinunyag ni Denise tungkol kay Xiam.

Nakatitig lang ako sa kanya at parang lumulutang ang isipan ko. Why did he abandon the girl? Bakit binuntis niya ito ngunit hindi pinagutan?

"Alam 'kong nakaka-starstruck ang kapogian ko pero iabot mo sa'kin ang Zonrox. " nagbalik ako sa reyalidad nang magsalita siya.

"May muta ka pa sa kaliwang mata kaya kita tinitigan. " ganti ko at nilagay sa sahig ang Zonrox. He get's flustered and start's rubbing his eyes.

Pinipigilan kong matawa habang pabalik sa nililinisan kong cubicle.

"Wala naman ah! " umalingawngaw ang boses ni kumag.

Tapos na ako sa inidoro, sunod kong nilisan ang dingding na naging freedom wall na sa dami ng vandal. May freedom wall naman rito sa school namin ngunit hindi ko gets kung bakit kailangan pa nila isulat sa dingding ng cubicle.

Hate Is The New LoveWhere stories live. Discover now