Chapter 25 - Ranaway with Xiam

445 24 2
                                    

"Guys, hurry up! Malapit nang magsimula ang event! "

"Teka lang matatapon yung kape ko! "

"Ba't ka ba nag ka-kape? 6pm pa nga! "

Hinihingal akong tumatakbo. Para kaming nasa karerahan, nag-uunahang makapunta sa finish line. Today is the main event of december which is Christmas party. Sobrang special ng araw na 'to dahil hindi taon-taon merong ganito. Our batch just got lucky that our school decided to throw a party before the long awaited 2 weeks vacation.

Nagtungo kami sa likuran ng building kung saan magaganap ang party. Madaming naka-park na mga sasakyan sa labas. Muntik pa akong mabangga sa isang motor. 

"Hintay Kayla, hindi naman tatakbo ang building. Ba't ka ba sobrang nagmaamdali?! " nagsitalsikan ang kape ni Bella sa sahig. Naka suot ng heels si gaga kaya mas lalong nahihirapang makahabol.

"Kailangan pa natin puntahan sina Denise sa backstage! We have to cheer them up. " sagot naman ni Kayla, binalikan si Bella at kinuha ang kape nito upang hindi mahirapan sa pagtakbo.

Papasok na sana ako sa loob nang may mahagilap ang aking mga mata. 

I saw Angel standing alone. She's wearing hoodie as always. 

What is she doing here?

"Cheon? " Kayla called my name.

"Ah---mauna muna kayo sa loob. May kailangan akong balikan. " I told them. 

Bella rolled her eyes and look at me suspiciously, "Just make sure hindi lalaki 'yang babalikan mo. Sumunod ka kaagad ha! " sabi nila pagkatapos ay tuluyang pumasok.

Nilapitan ko si Angel. Nagulat nang makita ako. 

"What are you doing here Angel? " nakangiti 'kong tanong. Curious kasi ako. Ang pwede lamang makapasok ay yung merong ticket. Yep, may pinamigay na ticket. Hindi naman party ng mga artista ito kaya nagtataka rin ako kung bakit may pa-ticket.

Angel flashed her bright smile, "May hinihintay lang ako rito. That person has my ticket kaya . . . "

I slowly nod. May nag-imbita sa kanya? 

Si Xiam kaya?

I hope it's not him.

"S-sige, magkita nalang tayo sa loob. I have to go now. " I bid goobye to her at pumasok sa loob.

I showed my ticket to the security guard. He nod and let me in. Upon entering the venue, loud party music is blasting throughout the entire place. It's so loud that I could feel the vibration coming from the sound. I think everyone is here. Ang mga pwedeng makadalo sa party ay senior high school and college students. Kahit ganun ay sobrang dami pa rin ng tao dahil maraming nag-imbinta. 

Binigay ko kay kuya ang extrang ticket because I know how much he loves party. Plus, he get a chance to have fun with us. 

A lot of girls are wearing kinda bit revealing clothes kahit bawal. Nakalimutan siguro nilang christmas party 'to at hindi bar.

Tumuntong na sa stage yung dalawang emcee kaya dali-dali akong nagtungo sa backstage. The event will start in 20 minutes.

Hinawi ko ang malaking kurtina at tumambad sa aking harapan ang mga performers. Merong dancers, singers at mga soloist. I scan around the huge room, not even ten seconds, nahanap ko kaagad ang bruhilda girls.

"Nandito na rin sa wakas si madam. " salubong sakin ni Bella. Siya ang naka-upo sa upuan na dapat sana si Denise yung uupo.

"Goodluck mga bruha! " sabay yakap ko kina Denise, Edz at Andrea. 

Hate Is The New LoveWhere stories live. Discover now