Chapter 23 - Jake vs Xiam

436 20 1
                                    

Third Person POV

Gigil na gigil habang pinagmamasdan niya ang litrato kung saan magkasama sina Xiam at Cheon. Sa sobrang inis ay malapit pa niyang ibato sa dingding ang cellphone. 

"Nakakabwesit! Ba't magkasama na naman ang dalawang 'yan?! " sa imaheng tinitignan ay kumakain ng streetfood sina Xiam at Cheon. Mukhang masaya. 

Napapadyak siya sa inis sabay sigaw ng malakas. "What are they smiling for?! Why is my Xiam smiling at her like that? Bakit rin niya binilhan ng kung anu-ano ang babaeng 'yan? " bakas ang takot sa kanyang mukha. Takot na baka may namumuong relasyon sa pagitan ng dalawa.

Sa mga sumusunod na litrato ay mas lalo pa siyang nainis. Nadurog din ang puso. Sa tingin niya'y babawian siya ng buhay kapag muli pa itong titignan.

Madilim sa kwarto na tinutuluyan niya. Tambak din ng mga basura, last week pa itong naka-standby ngunit hindi man lang kayang itapon. Napakagulo ng buhok na animo'y sinabunutan ng aswang. Nagkalat ang mga gamit sa kung saan-saan, pati rin ang gamot.

Frustrated, napatayo siya. Mahigpit ang pagkakahawak sa cellphone, naka-zoom in ang nakangiting pagmumukha ni Cheon. Pagkuwa'y sumilay ang mala-demonyong ngiti niya, "Ilang beses na kitang binalaan, that you should stay away from my baby. Malapit pa kitang mapatay, maswerte ka at nagawa kang iligtas ni Xiam. Hindi pa ba iyon sapat upang layuan mo siya? Napakatigas talaga ng kukute mong malandi ka! " tuluyang ibinato sa dingding ang cellphone.

Dahil sa lakas ng pagkakabato, nagkalat sa sahig ang laman ng cellphone. Wasak. 

She stares blankly at the wall, palms clenched. Her eyes shaking in anger. "I'm going to make sure this time, you can't and never be able to approach him anymore. " 

Dahan-dahan siyang lumapit sa isang parte ng kanyang kwarto kung saan may nakaharang na malaking kurtina. 

She open it slowly. 

At tumambad ang napakadaming picture ni Xiam. Iba't-iba. Simula nung seventh grade highschooler pa lamang ito hanggang ngayon. Wala na ngang mapaglagyan ng iba pang litrato sa dami. 

There are other pictures na kasama ni Xiam ang pamilya nito, papunta sa iba't-ibang restaurant, ka-hang out ang mga barkada at marami pang iba. Almost every move that Xiam does is in there. 

Marahang hinaplos niya ang pinakamalaking picture ng binata kung saan nakangiti ito ng matamis. May bahid pa ng lipstick iyon, araw-araw kasing hinahalik-halikan. 

"Don't worry Xiam, you'll be mine again. " nakangiting wika niya. "Hahanap ako ng paraan upang masaya at malaya tayong magsasama. Magkakaroon tayo ng limang anak at titira tayo sa malayong lugar kung saan walang bwesit na higad katulad ni Cheon. "

On that day, she began to set up her new plan.

*****
Jake's POV

I'm currently making my way to the rooftop, eyes were looking straight ahead. 

Upon reaching at the top, pinihit ko ang doorkob ng pintuan. 

Kaagad sumalubong sakin ang sariwang hangin.

There, I saw a man standing. Nakatalikod sakin. Pinagmamasdan niya ang mga studyante sa ibaba. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kanya.

"Why are you here? " malamig niyang tanong. Nakatalikod pa rin. Na-sense kaagad ang presensya ko.

He didn't bother to look at me-----even glance. Hinayaan ko nalang. Basta't nandito ako dahil madami akong nais i-clarify sa kanya. Kasama na dun ang mga nangyare these past few weeks.

Hate Is The New LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt