Chapter 8 - Sleepover

586 26 3
                                    


All of us froze right where we standing. Si kuya, tulala. Si Kayla, hindi makapaniwala. Ako, naguguluhan. Ang pitong kumag, nagulat.

"H-hi? " awkward na bati ni Denise sa kuya ko.

Palipat-lipat ang tingin ko kay kuya at Kayla. There's an awkward atmosphere surrounding us kaya tinulak ko si kuya papasok upang hindi kami mag-mukhang statuwa rito.

"Anong ginagawa ng mga lalaking 'yan sa pamamahay natin? " tanong ko kay kuya habang nakatingin sa pitong kumag.

"Wassup hudas! " nakangising giit ni Xiam. He's back in usual self. Lakas ng loob niyang tawagin akong hudas sa harapan ng aking kuya.

But wait—never pa nabanggit ni kuya sakin na tropa niya ang mga kumag.
"Y-you guys knew each other? " naguguluhang tanong ni kuya.

"Yes, classmate sila. " si Bella ang sumagot. Nakakunot parin ang noo ko, okay lang sakin kung nandito sila pwera kay Xiam. Dapat despatyahin na ang lalaking 'yan.

Kuya awkwardly brush his hair, hindi niya rin alam kung ano ang gagawin. Kayla's prescence is not enough to make him awkward and nervous.

My step-brother met Kayla when we were just in grade nine. Syempre, nabihag ni Eva si Edan. When they started dating, bukambibig ni Kayla sa tuwing nagkukwentuhan kami ay ang kuya ko. They dated for almost two years, quite impressive.

Alam ko sa mga panahong 'yun na seryoso talaga si kuya kay Kayla. He change a lot when he met her, ang dating basagolero at walang pakialam sa buhay na kuya ko ay naging masipag sa pag-aaral at tinigil ang pagiging basagolero niya.

Si Kayla rin ang dahilan kung bakit na unleash ang tinatagong genius-side ni kuya.

Ngunit lahat ng masaya at matamis na relasyon ay may hangganan.

Kayla discovered that my kuya is cheating with her ex-bestfriend. Yep, Kayla's ex-bff. Sobrang nasaktan ang kaibigan ko, nagalit ako kay kuya at ilang buwan ko rin siyang hindi kinakausap. Hindi ko nga lubos matanggap na kayang gumawa ng katarantaduhan ang kuya ko.

Kayla has everything. You want looks? She's gorgeous and her tan skin is marvelous. You want talent? My girl can sing and dance. You want hour-glass body? Kayla's small waist and wide hips are perfect. Personality? Si Kayla ang isa sa mga pinaka-mabait sa barkada namin. Pagmamahal? Binigay niya lahat-lahat kay kuya. Nasa kanya na ang lahat but my dumb brother still cheats.

Lalaki talaga, hindi marunong makuntento.

"T-timpla muna ako ng juice. " paalam ni kuya, napapakamot pa siya sa ulo. Kumaripas ng takbo papuntang kusina, ramdam kong kinakabahan siya.

"Hi boys! " sabay na bati nina Bella at Denise.

Kumaway pabalik ang pitong kumag na may ngiti sa labi. Oh wait—they're only five. Wala si Irish at TJ. Saan kaya ang dalawang 'yun?

Sakop ng limang kumag ang isang mahabang sofa. Nang mapansin nilang gusto naming umupo ay tumayo silang lima upang paupoin kami.

"Ba't ang gentleman niyo ngayon? " sabi ko at kumuha ng cookies na nakahanda sa coffee table.

Nakakahiya mang paupoin ang mga bisita sa sahig ngunit dahil sina Xiam naman ang bisita namin ngayon, bakit ako mahihiya?

"Gentle naman talaga kami. Pati rin sa kama. " tarantadong sagot ni Xiam sabay apir kay Jake.

"Kayo lang mga tol, gusto ko kasi ng wild. Alam niyo na, born to be wild ako. " dagdag ni Mark. Nagsitawanan ang mga kumag.

Patawa-tawa rin sina Denise at Bella, akala mo naman talaga kasama rin sila sa usapan. "Pa'no kayo nagkakilala ng kuya ko? " singit ko. Kanina pa kasi ako curious.

Hate Is The New LoveWhere stories live. Discover now