Chapter 28 part2

454 23 1
                                    

Papunta kami sa pwesto kung saan malayang makikita namin ang Christmas Tree. Medyo malayo-layo kami sa mga nagkukumpulang tao. Xiam is still holding my hand, he's also wearing the bear costume------that I don't know where on Earth did he got that. 

Nang makarating sa tinutukoy na pwesto, hinubad niya ang ulo ng costume. It reveal his smiling face. Pawisan ang noo dahil naiinitan sa loob but nonetheless, he looks very happy. 

"Charaaann, surprise! " tinaas niya pa ang dalawang kamay to add some effects.

Natawa ako ng bahagya, "You mean . . . . ikaw mismo ang surpresang tinutukoy mo sa chat? " ngayon ko lang napagtanto.

"You got it right hudas, ako nga ang surprise. Nagulat ka bang nandito ako? " inilagay muna niya sa sahig ang ulo ng costume at inayos ang nagulong buhok. 

"Sobra. After this, madami kang dapat ipaliwanag sakin. " napansin kong nagsisimula na silang mag countdown ng 10 seconds. 

"10, 9, 8, 7, 6, " sabay-sabay na sigaw ng mga tao. Parang new year lang.

"5, "

"4, "

"2, " sambit ni Xiam kaya napatingin sa kanya ang iba. May iba tuloy'ng nalito.

"3, "

"2, "

"1! " we shouted on the top of our lungs. Kasabay nun ang pag-ilaw ng malaking christmas tree. 

It was so massive, abot hanggang sa restaurant ni tita Eunhye ang ilaw nito. Magkano kaya bill nila? Sinong magbabayad? What if biglang sasabog ang mga ilaw at masusunog ang christmas tree? Ang dami ko namang tanong sa buhay.

Nakanganga ang bibig naming lahat. Nagsilabasan ang kanya-kanyang cellphone upang kunan ito ng picture o video. 

"Hudas, pumwesto ka dun! " napatanong ako kay Xiam nang bigla niyang inihubad ang costume at inilabas ang polaroid. 

"Teka saan 'yan galing? " taka kong tanong kahit naka-posing.

He tap the belly part of the costume, "Tinago ko rito. I bought it so that I can take pictures of you. "

"Ngumiti ka ng maganda hudas! " 

Na-rattle ako sandali nang aakmang kukunan niya ako ng picture. I immediately pose, the huge christmas tree behind me serve as the view. Umilaw ito bigla kaya aksidente akong napapikit. I didn't expect it to be that bright!

Lumabas sa camera ang polaroid, patawa-tawang tinignan ni Xiam ang picture ko.

"Ba't mo pinagtatawanan? Nakapikit ako dyan noh? Akin na nga 'yan! " hahablutin ko sana sa kamay ni gonggong ang picture ngunit mabilis na isinuksok niya ito sa pants niya. Oo, sa loob talaga ng pants.

"Sige, kunin mo. Eto oh, come here. Kunin mo mula kay junior. " panggagago niya sakin, inilapit pa talaga ang 'ano' niya. Napapatangin tuloy ang ilang tao. 

"Stop it mokong. Kadiri ka! " pabiro ko siyang tinulak. Humalakhak lang siya, walang pakialam.

"You look like a human here hudas. Don't worry. " ngisi niya. 

It's my turn to take his picture kaya inagaw ko ang instax mula sa mga kamay niya. I ordered him to pose while the christmas tree is behind him. May nahihiya pa siyang nalalaman, eh kung maka-posing parang lalaban sa Vogue.

"Wait, last na 'to! " he said tsaka isinuot ang bear costume.

Then bumalik siya sa pwesto. Nakangiting kinunan ko si mokong ng litrato. Naka-limang take siya samantalang dalawa lang yung sakin, nasa loob pa ng pants niya ang isa. 

Hate Is The New LoveWhere stories live. Discover now