Chapter 35 - The Night Before Chaos

354 15 0
                                    

Cheon's POV

Napadaing ako sa sakit ng inimulat ang mga mata. Grabe, tatlong araw na ang nakalipas simula nung ma-aksidente ako ngunit hanggang ngayon sobrang kirot pa rin ng sugat at balikat ko. I couldn't move properly. My poor left arm is doing all of the tasks alone.This freaking sucks. 

Sana sinasagasaan din si Aya para quits kami. Ang unfair kasi eh!

"Goodmorning sis kamusta tulog mo? Tara breakfast tayo sa baba, ikaw nalang kulang. Maghilamos ka muna bago bumaba kasi may muta ka pa. " napatingin ako sa pintuan kung saan nakadungaw ang ate ko. Laki ng ngiti ah. Palibhasa madaming poging bisita kagabi.

Nag thumbs up ako sa kanya at umalis naman siya. "Hurry up sis, uubusin ni bakla ang adobong niluto ko kagabi. " pahabol niya kaya dali-dali akong napabangon at nagtungo sa banyo.

Bwesit na baklang 'yun, kahapon inubos din niya chukie ko tas ngayon puntirya na naman niya adobo ng ate ko?! 

By the way, andito ako ngayon sa resort ni ate. My mom told me that I'll be staying here for couple of days or even weeks, depende sa kanya. Dahil kasi ito sa stalker ni Xiam. Syempre ayaw kong malayo kay Xiam lalo na't may kasalanan pa ako sa kanya ngunit siya na rin mismo ang nagsabe sakin na sundin si mama kaya wala akong choice. On the brighter side, makakapagpahinga ako ng maayos dito dahil malayo-layo sa mataong syudad ng Seoul. 

Isa pa, pinayagan ako ni mama umattend ng prom. Ang nakakainis nga lang, may magbabantay sakin sa bawat kilos ko. Mom was traumatized.

Itinali ko ang buhok tsaka chineck ang messages. Unang bumungad sakin ang pangalan ni mokong.

7:18 AM

Mokong <3
Nakatulog ka ba ng maayos? Did you take your medicine?

You
Idk why you still care for me despite what I'd done to you

Mokong <3
Stop it cheon. Masyado pang maaga para sa pag d-drama

You
Totoo naman ah

Mokong <3
Can we step aside that problem for a moment and let me
do my job as your boyfriend? Pag-usapan natin 'yan pag maayos
na kalagayan mo. As of now, your safety is my priority so please
huwag munang mag drama

You
Okay po. Sorry din po.

Mokong <3
Eat breakfast now. Don't forget to take your medicine and rest.

You
Ang daming tuldok ah

Mokong <3
Ewan ko sa'yo hudas

You
Kakain na nga po. Eto na po. Bye muna

*****

It's awkward for me how we're talking like nothing bad happened. Sobra akong na g-guilty dahil sa kabila ng nagawa kong kasalanan sa kanya, mas inuuna pa rin niya ang kalagayan ko. I don't deserve him. 'Di talaga.

I head towards outside where I found my ate and her crew munching their breakfast on a long table. This part of the resort is the beach kaya masarap tambayan lalo na sa gabi. Dito nga kami nag-kwentuhan nina ate at Kun hanggang alas tres ng madaling araw. Puting-puti ang buhangin na maihahalintulad sa Boracay. Ang lamig pa rin ng panahon dahil winter season so I have to wear layer of clothes. Ang awkward tuloy tignan dahil balot na balot ang katawan namin tas nasa beach kami.

"Gising na ang prinsesa! " sigaw ni Kun nang dumating ako. Taray ni bakla, tinabihan ang gwapong waiter.

Sirado muna resort ni ate ngayon dahil tag-lamig. Kaya heto sila, nag e-enjoy. Nakiki-join lang din ako. Dagdag sakit sa ulo ganun.

Hate Is The New LoveWhere stories live. Discover now