Chapter 33 - The Stalker's Real Identity

609 19 7
                                    

Cheon's POV

Iyak ako ng iyak habang nakahiga sa kama, naninikip ang dibdib. Ganito lang tanging ginawa ko for the past two days. I felt so disappointed and embarassed with myself. Gusto kong duraan ang sarili sa labis na pandidiri. Tangina, sising-sisi ako sa ginawa ko noong araw na 'yun. Kung pwede lang sana bumalik sa nakaraan.

I didn't show up to my classes for two days, nagpapanggap akong may lagnat. Hindi ko kaya. Hiyang-hiya ako. 

Gusto kong magpaliwanag kay Xiam sa buong nangyare ngunit alam kong ayaw niya muna akong makita sa ngayon. Which is I definitely do understand. 

Who would've thought I'll be the done who's going to cheat? C-can I just kill myself now? 

"I'm really sorry . . . " hikbi ako ng hikbi hangga't sa nanuyo ang aking lalamunan. Wala na yatang luhang natira sa mga mata ko kakaiyak. 

"Cheon? Little sis, pinapainom ka raw ni mommy ng gamot. Heto oh kunin mo. " 

Napatingin ako sa pintuan, si kuya pala. Akala talaga nila may lagnat ako. Actually preventing to be sick is convenient dahil nagagamit ko ito as an excuse kung bakit palaging namumula ang mga mata ko at sinisipon. 

"Pasok ka, 'di 'yan naka lock. " wika ko at narinig kong bumukas ang pintuan.

Nakatalukbong ako ng kumot para 'di niya makitang umiiyak ako. 

If malalaman nina kuya ang kagagohang ginawa ko, tiyak na manganganib ang aking buhay. Ewan ko kung tatanggapin pa ba niya bilang kapatid o hindi. 

"Nilagay ko rito malapit sa TV ang gamot ha. Huwag mo kalimutang inumin ito. Do not hesitate to call me if you need help, nasa gaming room lang ako. " tugon niya at um-oo ako. 

Bago siya makalabas sa kwarto ko, tinawag ko siya. "Kuya. "

"Bakit? "

"Magkapatid nga tayo. " wala sa sariling bulalas ko.

I heard him chuckle, "Ba't mo naman 'yan nasabe? "

"Kasi we both cheated our partners with their bestfriend. "  giit ng isipan ko. 

Instead of saying that, iba nalang ang sinabe ko. "W-wala. Sige bumalik ka na sa gaming room. " 

Napahinga ako ng malalim nang makalabas siya sa kwarto ko. Napatitig na lamang ang namumugto kong mga mata sa puting kisame. Sobrang dilim ng aking silid. It feels like the air became much colder than usual, parang sinasabayan ang nararamdaman ko. Nagkalat ang tissues at chichirya sa sahig. Even my dear foods can't help ease the pain. 

Tama na Cheon, walang magagawa ang pag-iyak mo.

Apologize to Xiam. You have to. 

He's in deep pain right now. Sinaktan mo siya. Kailangan mong humingi ng kapatawaran. 

******

"Heeyy gurrlll, miss ka nameeeenn. Welcome back! Ay ba't nakabusangot? "

Bumalik na ulit ako sa klase matapos ang tatlong araw na pagkukulong sa kwarto. Kabadong-kabado ako nang pumasok sa classroom, but Xiam and Jake isn't here yet. Instead, itong bruhilda girls ang sumalubong sakin. 

"Mas lumalim eyebags mo girl, epekto ba 'yan ng lagnat? " tanong ni Denise. Pinapalibutan nila ako sa upuan ko. My bestfriends don't know the terrible thing I did yet. Magiging magkaibigan pa ba kami 'pag nalaman nila ang ginawa ko? I don't want to know, natatakot ako.

"Hindi. Epekto 'to ng panloloko. "  my mind said.

Edz move her face closer to mine at kinilatis ang mukha ko, "Anong iniiyakan mo? " seryosong tanong niya. Onanay is really good at this. Magaling siya magdudugtong-dugtong ng mga possibilities.

Hate Is The New LoveWhere stories live. Discover now