Chapter 1- First Day

2K 40 15
                                    

Dahil sa isang unexpected na pagtatagpo, nag-iba ang landas ng aking tatahakin.

Isang landas na kahit anak ni satanas walang ideya sa kung anong meron ang nandun. Ni hindi nga ito sumagi sa isipan ko.

Taong naging parte sa nakaraan mo o ang taong magiging parte sa kasalukuyan mo?

Final exam namin ngayon kaya maiihi na yata ako sa kaba. Kasalukuyang science ang sinasagutan ko. Letse nga dahil hindi pa ako nakapagdala ng sci-cal! Hindi naman kasi ako sinabihan ng mga gonggong kong ka-klase. Pati sila hindi rin nagdala. Kailangan pa naman ito sa test.

At heto ako ngayon, nakaawang ang bibig habang pinagmamasdan ang test paper kong walang laman. I mean, nag study ako pero hindi talaga ako ininform na kailangang magdala ng sci-cal.

Buntong-hininga.

Ang malas nga naman ng buhay ko.

Bakit pa kasi nagiging math na ang science? Shuta talaga.

Ang dami ko na ngang problema nakikidagdag pa tong si science. Hindi ko nga siya binibigyan ng problema eh!

Bahala na 'to! Sa essay nalang ako babawi. Walang pagdalawang isip at pinasa ko ang aking test paper kahit puro mali ang sagot ko. Bumalik ako sa aking upuan habang hinihintay na matapos ang kalahating oras na natitira.

Dahil napaka-boring, nakaidlip ako bigla.

***

Nasa bahay kami ni mama nang dumating si papa na hinihingal. Kapwa kami napalingon kay tatay.

"Bakit ka hinihingal tay? " tanong ko sa kanya."Wala lang to nak,pakisabe nalang sa ate mo na aalis lang ako saglit." hinihingal niyang sagot at dali-daling pumasok sa kwarto nila ni mama na katabi lang ng living room.

Hindi ko alam kung anong ginawa niya roon. Matapos ang isang minuto, nagmadali siyang pumunta sa kusina at nag-usap sila ni mama. Sinubukan 'kong makinig subalit hindi ko naiintindihan ang pinag-uusapan nila.


Maya-maya, bigla akong nakarinig ng paghikbi. I stood up and silently walk towards the kitchen. Sumilip ako para matignan kung anong nangyayare.

Lumukot ang aking noo nang makita kong humihikbi si mama samantalang nakatitig sa kawalan ang pawisang si papa.

Bakit kaya umiiyak si mama? Sinong umaway sa kanya?

"Daddy, mommy, nag-aaway ba kayo?" nag-aalala kong tanong. Gulat silang napatingin sakin. Kapwa sila nagkakatitigan, kaagad ngumiti si mama at nag-iwas ng tingin si papa.

"Ah, hindi nak. Pang matanda lang ang pinag-uusapan namin. Umakyat ka sa kwarto mo. " mom said despite the tears pouring down her cheeks. She's trying to look cheerful.

May luhang tumulo sa mga mata ni papa. Agad naman niya itong pinunasan.

"Mabuti pa nak,pumunta ka muna sa kwarto mo." aakma na sana akong aakyat sa hagdanan pero may narinig akong pangalan namin ni ate kaya napahinto ako.

Hate Is The New LoveWhere stories live. Discover now