Chapter 17 - Rain

503 22 1
                                    


Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko ang aking ate.

Ilang taon na ba kami nagkahiwalay? Maybe five or six years? Perhaps, seven? Hindi ako magaling sa math eh, pasensya na.

To be honest, nagtatampo ako sa kanya dati dahil iniwan lang niya ako basta-basta. Ngunit ngayon ay binalewala ko nalang iyon, I don't want to live my life na may galit sa kahit na sino.

"D-dalaga ka na...." mangiyak-ngiyak na tinignan ako ni ate mula ulo hanggang paa.

Sa katunayan ay mas nagulat pa nga ako sa transformation niya.

"Hindi ka na rin dugyutin. " wika ko, may namumuong luha din sa mga mata. Awkward mag-iyakan sa harapan nina mama at kuya kaya dinadaan ko nalang sa biro ang ma-drama naming pagtatagpo.

Natawa siya sa sinabe ko, "Hindi ka pa rin nagbago. "

Naupo muna kami sa sofa, katabi ko sina mama at kuya. Kaharap ko naman sina ate at ang kasama niyang lalaki.

"Paano mo pala ako nahanap ate? " tanong ko sa kanya.

She elegantly wipe her tears using a tissue, "Matagal na kaya kitang hinanap. Tumira ako sa china for the past few years kaya hindi ko alam na isa ka na palang anak ng sikat na actress. May koreana akong nakilala tapos sinabe niya sakin ang nabalitaan niya about sa'yo. Then I found that you are actually my sister."

Masasabi kong bigatin si ate sa China. For sure sobrang busy niya, ngunit nakahanap pa rin ng oras upang puntahan talaga ako rito. That means, she truly care and love me.

"Ano nga pala ang trabaho mo ngayon ate? " medyo naiilang pa ako tawagin siyang ate dahil ilang taon rin nawalay kami sa isa't-isa tsaka ang nag-iisa kong step-sibling ay lalaki naman kaya kuya ang nakasanayan ko.

"Currently, international model at nakapagtayo ng resort. " sagot niya na ikinalula ng aking mga mata.

Wow, dati tumutulo pa laway niya tsaka pinupunas sa manggas ng t-shirt ko tapos ngayon ay isa nang business woman at model!

Ate ko na talaga 'to?!

Mukhang alam nina mama at kuya ang background ni ate marahil ikinuwento sa kanila habang wala pa ako.

"Anong grade ka na pala? " tanong ni ate.

"Senior high, grade twelve. " pagkasabi ko nun, napagtanto kong malaki na talaga ako. Pero ang height ay nanatiling maliit.

Napasulyap ako sa kasama ni ate na kanina pa tahimik. Pangiti-ngiti lang ito habang nakikinig sa mga chika ni mama at ate.

Nang makahanap ng tiyempo ay tinanong ko si ate, "Boyfriend mo? " turo ko sa lalaking kasama niya.

Nagkatinginan silang dalawa pagkuwa'y natawa.

Ngunit ang ikinagulat ko ay naging malambot ang ikinikilos ng lalaki!

"Oh no, he's not my boyfriend. Bestfriend ko, si Kun. " pakilala ni ate habang natatawa.

Pati sina mama at kuya ay natawa rin, "Hindi mo pala 'yan boyfriend?! All this time, inakala namin eh. " gulat na pahayag ni mama.

Napailing-iling si ate.

"No mother dear, bestfriend lang talaga kami ever since. Diba, sissy? " pareho kami ni kuya na natameme ako sa tono ng kanyang pananalita ni Kun.

"Madalas talaga kami mapagkakamalang magkasintahan. Pero itong si Kun, boylet rin ang hanap-hanap. " sabi ni ate sabay tingin kay Kun na ngayon ay komportable nang umupo na parang babae.

Kung titignan, mukha talagang tunay na lalaki si Kun. Sayang naman, gwapo sana siya. Mas pogi pa yata keysa sa mga boys sa school namin.

Matangos ang ilong, bilog ang mga mata, makapal ang kilay tsaka heart-shaped ang labi. Chinese yata siya ngunit mukhang k-pop idol.

Hate Is The New LoveWhere stories live. Discover now