Chapter 19 - Jealous

467 22 0
                                    

Mag-isa akong kumakain sa aking tambayan rito sa open field. Hindi gaanong mainit ang panahon tas ang sariwa rin ng hangin. Pinagmamasdan ko mula sa malayo sina Denise at iba pang kasamahan, kasalukuyang nag pa-practice sa upcoming christmas party namin. Yep, they're going to perform.

Taray nga kasi si Denise ang leader nila. Sobrang strict ni gaga habang nag i-instruct. Nakataas palagi ang kilay, tinitignang maigi kung sino sa kanila ang magkamali ng galaw. Meron ngang isang miyembro na nakikipagbiruan tapos pinikot niya sa tenga. 

Yung iba niyang ka-miyembro, nakabusangot ang mukha. 

"I told you to smile, why don't you smile? " rinig kong tanong ni Denise sa kanila. 

Mahina nalang ako napatawa. When it comes to dancing, she's very scary. Nung tinuruan nga niya akong sumayaw, malapit pa niya akong bugbugin sa kadahilanang hindi ko kayang gumiling-giling. Ayun, nag mental breakdown ako pagkatapos.

Anyways, mag-isa na naman ako. Nakakalungkot. Pinapalibutan pa talaga ko ng mga mag-jowa rito. Nagsusubuan pa ng lunch nila. 

I doubt aabot hanggang valentines day ang mga 'yan.

After I finish eating, nakinig na lamang ako ng music. Currently, I found myself listening to IU's songs a lot.

"So are you happy now, finally happy now yeah. Mweo geudaeroya na da ireobeorin geot gata. " I mumbled, singing along with the song. 

Payapa na sana akong nakikinig ng kanta nang biglang dumating si Icey, but she's not with her minions.

Is she gonna bully me again? Kala ko ba okay na kami?

"Hey, cheon. " i turn off my phone nang tinawag niya ako.

Tumabi si Icey sakin na parang close kaming dalawa. I just let her sit beside me. "Bakit? "

"Ngayon lang tayo nagkita muli after the you discharged from the hospital. How's your ass now? " tanong niya. Napakunot ang noo ko sabay hawak sa pwet.

"M-my ass? B-bakit....anong meron sa pwet k----"

She rolled her eyes, "Ibig sabihin ko sa 'ass' ay 'sarili' mo stupid! " 

Tinawag pa akong stupid. Sana sinabe nalang niyang 'how are you?' kaysa sa 'how's your ass now?' kala ko tuloy pwet ko tinutukoy niya. 

"Kinda feel better now although kumikirot pa din ng kunti ang mga sugat. Nakakatampo nga kasi sa tuwing sinasabihan ko si mama na masakit ang katawan ko, she always told me na lagyan ko lang raw ng vicks. " napabuntong-hinga ako. Iba talaga 'pag asian mom. 

"Ano namang balita ng mga pulis? May suspect na ba kung sinong gumawa nun sa'yo? " tanong niya pa. Para tuloy kaming nasa tonight with boy abunda.

Tinignan ko sina Denise sa malayo, kasalukuyang binubugbog ang dalawang lalaki na kanina pa nagpapasaway sa kanya. "Pakiramdam ko nga wala silang pakialam sa case ko. They're not even trying their best. " 

"Diba sabi mo noon na may ideya ka kung sinong nagpakalat ng issue? I feel like iisa lang sila sa taong nag-kidnap sakin. " buti nalang naalala ko. But when I asked her the last time, hindi niya sinabe skain dahil nag-eenjoy pa raw siya. 

Tumingin si Icey sakin, "Oh. Did I told you that? " mukhang na-surpresa siya sa sinabe ko.

"Nakalimutan mo na? Of course you said that to me. " kailangan na niya ng memo plus gold. Makakalimutin eh.

Sumandal siya sa puno at napaisip ng malalim. "Yeah, I remember now. Pero pasensya ka na, I was just lying to you at that time. " 

Paasa 'tong si Icey, akala ko alam talaga niya. If she has an idea and it came out right, then problem solve! Wala nang bwesit sa pamumuhay ko. Malalaman ko na kung sino si Pinkdroplet.

Hate Is The New LoveWhere stories live. Discover now