CHAPTER ONE - 1

23.7K 335 12
                                    

"Kumusta ang OJT mo?" tanong ni Kimi sa kapatid na si Jasper.

"Ayos lang, Ate. Nag-e-enjoy ako," sagot nito.

"Magpakitang-gilas ka naman, 'no? Para kapag naka-graduate ka, i-hire ka ng kompanya."

"Iyon nga mismo ang ginagawa ko, Ate. Wala akong late sa pagpasok. Kompleto ang attendance ko kaya wala silang masisilip na butas para hindi ako i-hire. Pero siyempre, kailangan ko pa ring maipasa ang board exam ko."

"Mabuti naman kung ganoon. Ibabalita ko 'yan kina Nanay pag-uwi ko mamaya. 'Yong board exam, kayang-kaya mo 'yon. May cum laude bang babagsak pa sa board exam?"

Day off niya sa trabaho. Namamasukan siyang katulong sa isang mayamang pamilya sa Forbes Park. Tumuloy siya sa dorm ng kapatid niya sa Intramuros bago siya umuwi sa kanila sa Lipa City. Dalawang oras lang ang biyahe sa bus kaya okay lang na magbabad siya sa dorm.

Iginagapang ni Kimi at ng kanilang mga magulang ang pag-aaral ni Jasper. Graduating ito sa kursong Chemical Engineering sa Mapua Institute of Technology. Academic scholar ito, pero syempre ay marami pa ring gastusin sa school.

Halos literal na gumapang na silang mag-anak, mapagtapos lamang ito. Bukod sa pagiging housemaid, kung anu-ano pamg raket ang pinapasok niya. Pinakamatandang raket niya ang pagpapahulog ng kung anu-ano sa mga kapitbahay nila sa Lipa. Bago siya umuwi roon, namimili siya ng mga paninda sa Divisoria. Mura ang mga paninda roon kaya mas malaki ang tinutubo niya.

Ang kanyang mga magulang ay parehong katiwal sa isang flower farm sa Tagaytay. Gaya niya, bihira ding umuwi ang mga ito sa bahay nila. Nagtitinda ang mga ito ng mga bulaklak at prutas sa gilid ng daan sa Tagaytay kapag day off ng mga ito.

Siya ang panganay, pero nagbigay siya para si Jasper ang makapag-aral. Mas matalino at mas masipag kasi ito mag-aral kaysa sa kanya. Kapag ito ang unang nakatapos, mas malaki ang pag-asang mahango agad sila mula sa kahirapan.

Pagka-graduate niya ng high school, namasukan na siya upang makaipon para sa pagkokolehiyo ni Jasper. Nang ito naman ang makatapos pagkalipas ng isamg taon, ang naipon niyang pera ang ginamit para makapag-enroll ito sa Mapua.

"Salamat, Ate."

Ngumisi siya rito. "Anong salamat? Inilista ko lahat ng nagastos ko sa 'yo. Kapag makapagtrabaho ka na, simulan mo na akong bayaran para naman makapagbakasyon ako sa Boracay. Matagal nang nakahanda ang two-piece ko."

"Reregaluhan pa kita ng all expense-paid trip, Ate. Promise 'yan."

Tuluyan na siyang natawa. "Hindi ka pa nakaka-graduate, nag-iilusyon na agad tayo. Hindi pa man napipisa ang itlog, binibilang na agad natin ang sisiw. Baka mabugok, bro."

"Basta 'pag nakapagtrabaho ako, babawi ako sa inyo nina Nanay, Ate. 'Tapos, ikaw naman ang pag-aaralin ko."

Kasunduan nila na kapag nagkatrabaho na ito ay siya naman ang mag-aaral. Ang plano niya ay mag-working student para huwag itong mahirapan nang todo kapag nag-aaral na siya. Hindi siya kasintalino nito, average lang ang utak niya, pero maabilidad siya.

"Baka mag-asawa ka agad pagka-graduate mo, Jasper. Lagot ka sa akin." Naalarma siya nang makitang lumungkot ang mukha nito. Lumapit siya rito. "'Oy, bakit? May girlfriend ka na ba? Nabuntis mo ba? Pinipilit kang magpakasal?" semi-panicky ang urirat niya. Itinaya nilang mag-anak ang halos lahat para kay Jasper, huwag naman sana agaf itong mag-asawa.

"Nababaliw ka na. Kung anu-ano'ng iniisip mo," natatawang sagot nito. "Wala akong girlfriend. At wala akong balak mag-girlfriend."

"Huwag mo sanang isipin pinipigilan ko ang kaligayahan mo. Ang sa akin lang naman, baka mapasubo nang maaga. Alalahanin mong ikaw lang ang inaasahan naming maghango sa pamilya natin sa karukhaan. Naks!" Nginitian na niya ito upang pagaanin ang bumibigat na mood sa pagitan nila.

"Hindi ko nakakalimuta 'yon kahit isang saglit, Ate."

Saka lang siya nakahinga nang maluwag. Kahit minsan ay hindi pa ito nagsinungaling sa kanya kaya naniniwala siya rito. "Hindi bale, kapag big-time ka na, kahit ilang girlfriend ay pwede ka nang kumuha. Kahit pa mag-asawa ka na, wala nang pipigil sa 'yo."

"Masyado kag praning. Matagal pa 'yon," sagot nito. Itinaas nito ang hawak na libro. "Tatapusi ko lag itong binabasa ko, 'tapos, ihahatid na kita sa Buendia."

Ganoon ang routine nila tuwing pumupunta siya sa dorm nito. Marami siyang bitbit na paninda kaya inihahatid siya nito sa bus terminal sa Buendia. Iyon na ang pinaka-bonding nilang magkapatid. Para hindi ito maabala sa pag-aaral, hindi na nila ito masyadong pinapauwi sa Batangas. Palagi nilang sinasabi rito na babawi na lang sila kapag engineer na ito.

Nangingiting pinanood niya ito sa pagbabasa ng libro. Kaunting panahon na lang, aanihin na nila ang bunga ng kanilang pinaghirapan. Ang pagtatapos ni Jasper ang produkto ng faily effort nila.

Sa uri ng trabaho nilang mag-anak, sino ang mag-aakalang makakaya nilang pagtapusin ng pag-aaral si Jasper? Sa Mapua pa. Napangiti siya, proud na proud sa kapatid.

——————————
——————————
Vote and Comment!

Thank you for reading.

~AphroPhire

Ang Ambisyosang Nagmahal: Kimi by CAMILLADove le storie prendono vita. Scoprilo ora