CHAPTER ONE -2

10.1K 185 1
                                    

"HOY, BRU! Bakit bihira ka nang magpakita rito?"

Nilingon ni Kimi si Bingles. Naroon sila sa paborito nilang tambayang magkakabarkada—ang bahay ni Phannie. "Nagtitipid. Mahal na ang pamasahe ngayon. Sayang kung lagi akong uuwi. Graduating na si Jasper kaya maraming gastos."

"Paano 'yong paniningil mo sa mga suki mo rito? Baka maraming lumalampas sa bayad. Baka malugi ka sa pagtitipid mo sa pamasahe," sabi ni Phannie.

"Si Merlin ang pinasisingil ko," aniyang amg tinutukoy ay ang kanyang pangatlong kapatid.

"Baka naman nalalampasan siya. Alam mo naman ang mga tao sa ating beloved community..."

"Naku. Tingnan natin kung makalusot sila kau Merlin. Terorista 'yon," natatawang saghot niya. May pagkabutangera ang kapatid niyang si Merlin. Mataray ito kaya ito ang pinamamahala niya sa mga singilin niya.

"Sigurado bang makaka-graduate si Jasper?" sabad ni Mimi.

"Oo naman. Para namang hindi mo alam kumg gaano katalino ang utol ko. Sana nga, matanggap siya sa kompanyang pinag-o-OJT-han niya. Americam company raw iyon kaya maganda ang palakad. Mataasa ng starting pay, saka maganda amg mga benefits."

"Sigurado ba namang matutupad ni Jasper ang usapan n'yong ikaw naman ang mag-aaral kapag nakapagtrabaho na siya?" Umiral na naman ang pagka-pessimistic ni Bingles. Sanay na sila sa ugali nitong iyon.

"May isang salita iyon, 'no. Siguradong tutupad 'yon sa usapan namin. Dahil kung hindi, malalagot siya sa akin. Babangasan ko siya."

"Paano kapag nagka-boyfriend si Jasper?" singit ni Jamela.

"Anong nagka-boyfriend? Typo ka. Baka girlfriend amg ibig mong sabihin, Jam. Wrong send," pagtatama ni Chiela rito.

Nagtawanan ang iba pa nilang kaibigan. Nakasimangot na hinarap niya ang mga ito. Aware siya sa pagkukuwestiyon ng mga ito sa gender ni Jasper. Clueless si Chiela dahil hindi ito marunong mag-isip nang masama sa kapwa nito. "Aghel na nagkatawang-tao" ang bansag nila rito.

"Lalaki si Jasper. Himdi lang 'yon nagkaka-girlfriend dahil alam niya ang responsibilidad niya sa pamilya namin," pagtatanggol niya sa kanyang kapatid.

"Paano ka naman nakasigurong tunay ngang lalaki ang kapatid mo? Laging nasa Maynila si Jasper. Hindi mo naman nakikita ang mga extracurricular activities niya," tudyo ni Bingles.

"Kapatid niya ako. Kaya alam kong wala siyang extracurricular activities. Saka ano naman ang gagastusin niya sa extracurricular activities samantalang kapos na kapos pa nga ang baon niys sa school."

"Alam mo naman ang mga bading, madiskarte. Malay mo naman kung may raket pala si Jasper sa Maynila na hindi n'yo alam."

"Busy iyon sa pag-aaral. Wala 'yong panahon para rumaket. Saka hindi bading si Jasper." Sampigahin kaya niya isa-isa ang mga ito? Naiinis na siya. Malamya talagang kumilos si Jasper, pero hindi ito bading. Minsan na niya itong tinanong at nagpasubali ito kaya naniniwala na siya.

"Hoy, tigilan n'yo nga si Kimi. Minsan na nga lang makipag-bonding 'yan sa atin, inaalaska n'yo pa," saway ni Phannie sa iba nilang kaibigan.

Tumahimik na lang siya.

"Aba't...! Nagdadrama si Lola Upeng! Masyado ka namang pikon, Kimberly," sabi ni Bingles.

Hindi pa rin siya kumibo.

"Sorry na. Hindi na namin uungkatin ang tungkol kay Jasper, promise," sabi ni Mimi.

"Pero kung sakali mang bading nga si Jasper, wala namang masama, 'di ba?" hirit pa ni Bingles.

Tiningnan niya ito ng masama. Itinaas nito ang mga kamay at saka isinara ang imaginary zipper sa bibig nito. Pinakiramdaman niya ang sarili. Kumg bading man si Jasper, wala nga namang masama. Ayaw lang niyang maging issue iyon at baka makarating pa sa kapatid niya na pinagtsitsisisan ito ng mga kaibigan niya. Affected pa naman ito kapag may kumukwestiyon sa gender niya.

Noong high school ay may naging kaklase itong bully na tinawag itong bading. Tatlong araw na hindi ito pumasok dahil doon. Mabuti na lang at hindi bumaba ang standing nito sa klase at valedictorian pa rin nang magtapos. Pero hindi pinalampas ni Kimi ang kaklase nito. Nakatikim iyon ng pagkabalskatak ng bunganga niya.

Iyon ang rason kaya ayaw niyang pagdudahan ang kasarian ng kapatid niya. Mabuti nang maintindihan iyon ng mga taklesang kaibigan niya.
——————————
——————————
Vote and Comment!

Thank you for reading.

~AphroPhire

Ang Ambisyosang Nagmahal: Kimi by CAMILLADonde viven las historias. Descúbrelo ahora