Chapter Eight - 5

4.3K 106 18
                                    

"KIMI..."

"Huwag nating pag-usapan iyon, please," saway ni Kimi kay Sloane. Halata ang pagkailang nito sa kanya. Mula pa kaninang magising siya na wala ito sa tabi niya, nahulaan na niyang ganoon ang magiging scenario sa pagitan nila.

Sinundo na siya nito sa cottage niya dahil pabalik na sila sa Manila. Pero aminin mong umasa ka na mali ang hula mo, Kimberly!

"Hindi ka ba magde-demand na pakasalan kita?"

Nakaawang ang mga labi na timimgnan niya ito. Takot ang nakita niyang nakarehistro sa mukha nito. Pati sa boses nito ay halata rin iyon. Kaya kahit gusto niyang pakasalan siya nito, umiling siya.

Maaaring sa maikling panahon ay mahal na niya ito. Hindi siya sigurado. Ngunit nasisiguro niyang malapit na sa pag-ibig ang damdamin niya rito. Ibinigay na niya ang sarili rito.

"Hindi na ako menor de edad, Sloane. Wala kang kailangang panagutan sa akin."

Matagal siyang pinagmasdan nito. Parang may gusto itong sabihin, pero nagdadalawang-isip ito. Ayaw niyang ma-pressure ito kaya niyaya na niya itong umalis.

"Umuwi na tayo," aniyang dinampot na ang bag sa ibabaw ng kama. Pagkatapos ay nilampasan na niya ito sa pintuan.

"Kimi..." Hinawakan siya nito sa braso.

Pilit niyang nilangkapan ng iritasyon ang boses para pagtakpan ang nararamdamang pagkapahiya. "Narinig mo naman siguro ang sinabi ko. Wala kang kailangang panagutan kaya huwag kang umarte ng ganyan. Pareho nating ginusto ang nangyari kagabi. Kaya huwag ka nang ma-guilty."

Niluwagan nito ang pagkakahawak sa braso niya. Sinamantala niya iyon. Mabilis siyang naglakad palayo rito.

Totoong naiinis na siya rito. Pero hindi pa ein natalo ang damdaming iyon sa pagkapahiyang naramdaman niya. Nasasaktan siya na masyadong halata ang takot ni Sloane na i-trap niya itong pakasalan siya.

Natakpan tuloy niyon ang kaligayahang naramdaman niya nang nagdaang gabi.

——————————
——————————

Thanks for reading!

Vote & Comment

~AphroPhire

Ang Ambisyosang Nagmahal: Kimi by CAMILLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon