EPILOGUE

5.2K 103 4
                                    

"Happy ka ba, Kimi?"

"Juskoh, Bingles! Dpat pa bang magduda kung happy itong kaibigan natin? Lagi ngang tulala sa sobrang kaligayahan," ani Mimi.

Kimi dreamily sighed. Talagang masaya siya. At alam niyang halata sa mukha niya ang nag-uumapaw na kaligayahan sa puso niya. Dalawang buwan pa lang silang kasal ni Sloane. And he proved to be the best husband in the whole wide world.

At tinupad na nito ang pangakong bibigyan siya nito ng maraming anak. Honeymoon baby ang dinadala niya. 

"Nasaan nga pala si Phannie?" Kaina pa niya napapansing wala ito. Naroroon silang magkakaibigan sa rest house na binili ng asawa ni AJ para sa kaibigan nila. Overlooking mula roon ang Taal Lake.

"Laging MIA ang bruha," sabi ni Jae.

"Worried na nga ako sa babaeng iyon, eh. Something fishy is going on. Nanghiram sa akin ng pera. Kailangang-kailangan daw niya," sabi pa ni AJ.

"Nanghiram din sayo? Nanghiram din sa akin. May importante raw siyang bibilhin," sabi naman ni Jam.

"Alin? Ipinangutang niya sa inyo ang mga binili niyang branded na gamit?" manghang wika ni Jae.

"Bumili siya ng branded na gamit?" halos sabay-sabay na tanong nila. Si Phannie na saksakan ng kuripot?

Tumangi si Jae. "Nagpasama siya sa akin sa pagluwas. Sa mall kami pumunta. Nagpa- total makeover din siya sa salon."

"Ano kaya ang drama ng babaeng iyon?"

Hindi siya kumibo. Alam niyang kausap nito si Makis noong araw ng kasal nila ni Sloane. Ayaw niyang magduda pero hula niya ay may kinalaman ang pinsan ng asawa niya sa mga misteryosong ginagawa ni Phannie. 

At iyon ang aalamin niya.

*** THE END ***

Ang Ambisyosang Nagmahal: Kimi by CAMILLAحيث تعيش القصص. اكتشف الآن