Chapter Seven - 1

6.1K 110 2
                                    

HINABOL ni Kimi ng tingin ang magkaparehang dumaan sa tapat nila ni Sloane. Pagkakuha ng binata ng cottage para sa kanilang dalawa, niyaya agad niya itong gumala. Feel na feel niyang rumampa sa baybayin ng Boracay.

"Sina Sam at Anne ba yon?" tanong niya kay Sloane.

Tiningnan nito ang tinitingnan niya. "I don't have any odea who they are."

"Mga artista yon," paliwanag niya. "Sikat."

Nagkibit-balikat ito. Halatang hindi ito apektado kung sino mang Poncio Pilato ang tinutukoy niya.

"Kiber na kiber ka, ah. Astig ka talaga!" Pumalatak siya. Sayang. Hindi ako nakapagdala ng papel at ball pen para nakapagpa-autograph ako.

Tama nga ang mga kwentong naririnig niya. Maraming artistang nag-a-unwind sa Boracay. Talagang sosyal ka na, Kimi. Imagine, mga sikat na artista na ang nakakasalubong mo ngayon. Nakaramdam siya ng pagmamalaki. Ikukwento niya sa mga kaibigan niya na nakita niya roon si Sam Milby. Siguradong maiinggit ang mga ito sa kanya. Crush ito ng buong barkada nila kahit noong kapapasok pa lang nito sa "bahay ni Kuya."

"Hindi ka pa ba nagugutom?" tanong sa kanya ni Sloane.

Noong lang niya naramdamang kumakalam na ang sikmura niya. "Gutom na pala ako."

"Let's eat then."

Nauna itong naglakad. Sumunod siya rito. Hindi niya alam kung bakit parang pakiramdam niya ay nagbago ang mood nito nang makarating sila roon. Sa dorm, parang excited ito sa pangungumbinsi sa kanya na sumama siya sa Bora. Pero mula pa kaninang dumating sila, parang bigla itong natahimik.

Hinabol niya ito. "Nakarating ka na ba rito?" tanong niya nang makaagapay siya sa paglalakad nito.

"A couple of times," sagot nito.

Kaya naman pala parang bored ka na, sa loob-loob niya.

Pumasok sila sa isang restaurant. Pagbumgad pa lng nila sa pintuan, nakita niyang nakaupo rin sa isang mesa sina Sam at Anne. Bumuhos muli ang excitement sa dibdib niya. Bumaling siya kay Sloane na noon ay papunta na sa isang mesa.

"Dala mo ba yong cellphone mong may camera?" Nakita niya ang high-end cellphone nito kaninang nasa domestic airport sila. Marami itong tinatawagan habang naghihintay sila ng kanilang flight.

Nagtatakang tumangi ito.

"Pahiram naman."

"May tatawagan ka?" tanomg nito habang inilalabas mula sa casing niyon ang cellphone. Iniabot nito iyon sa kanya.

Sa halip na sumagot, hinila niya ito palapit sa mesa mesang inookupa nina Sam at Anne.

"Excuse me," pasintabi niya sa nag-uusap na celebrities.

"Yes?" nakangiting tanong sa kanya ni Anne.

"Pwedeng magpa-picture?" tanong niya.

"Sure."

Tumayo siya sa likuran ng mga ito. Bumaling siya kay Sloane na halatang nailang sa ginawa niya. Hindi maipinta ang mukha nito. "Kunan mo naman kami, Sloane," pakiusap niya. Niyuko niya ang dalawang artista. "Pwedeng paakbay?"

Sabay na tumango ang mga ito, nakapaskil pa rin ang ngiti sa mga labi.

"Count of three," sabi ni Sloane. Nagsimula itong magbilang bago sila kinunan. Aktong tatalikod na ito nang tawagin niya ito. Bakas ang iritasyon sa mukha nito nang pumihit paharap.

Hindi niya ito pinansin. Ang importante, makapagpa-picture siya kasama si Sam para may souvenir siya na totoong nakita niya ito sa Boracay.

"Isa pa," request uli niya kay Sam. "Pwede bang tayong dalawa naman?"

"Sure." Tumayo pa ito at umakbay sa kanya.

Isiniksik niya ang sarili sa tagiliran nito. Todo-ngiti siya.

Paking syet! Ang bango ni Papa Sam!

Pagkatapos silang kunan ni Sloane ay tumalikod na ito.

"Thank you sa inyong dalawa, ha. Bagay na bagay talaga kayo," sabi niya.

"You're welcome," sagot sa kanya ni Anne.

Lalapit na sana siya kay Sloane nang bigla siyang may maalala. "Pwedeng magpa-autograph?"

"Sure..." sabi ni Anne na medyo tabingi na yata ang ngiti. Ganunpaman, napansin niyang napaka-accomodating nito. Maganda na ito, mabait pa.

Dumukwang siya para umabot ng table napkin. Bumaling siya sa waiter na naghihintay sa likuran nila. "Boss, pahiram naman ng ballpen."

Iniabot nito sa kanya ang hawak nitong ballpen. Ibinigay niya ang table napkin at ballpen kay Sam. Ang sumunod na pumirma ay si Anne.

"Last na lang," aniya. "Pwedeng pa-kiss?"

Tumango si Sam. Bumeso siya sa mga ito. Sinamahan pa niya iyon ng yakap. Naroroon na rin lang siya, sinamantala na niya ang pagkakataon.

Juskoh, ang babango talaga nila.

Pagkatapos magpasalamat ay sumunod na siya kay Sloane. Tuwang-tuwa siya habang binabasa ang isinulat ng mga ito sa table napkin.

"Who are they?" tanong ni Sloane.

"Sina Sam Milby at Anne Curtis. Mga artista. Sikat ang mga yon," sagot niya.

"Akala ko, hindi ka na matatapos sa pang-iistorbo mo sa kanila."

Nakakunot-noong tiningnan niya ito. Saka lang niya napansin na madilim pa rin ang mukha nito. "Bakit nagagalit ka?" nagtatakang tanong niya.

"Nakakahiya. You should have respected their privacy. Kaya nga sila pumupunta sa ganitong lugar, para magkaroon sila non. Hindi mo ba napansin, ikaw lang ang lumapit sa kanila para magpa-picture?"

Iginala niya ang !mga mata sa paligid ng restaurant. Pasimpleng tinitingnan nga lang ng ibang naroroon ang magkapareha. Ang iba, total dead-ma talaga.

"Baka nahihiya lang silang lumapit at magpa-picture."

"At ikaw lang ang hindi nahiya."

Sinimangutan niya ito. Bakit ba masyadong big deal dito ang ginawa niya? Krimen bang matatawag ang magpa-picture sa Bora kasama ang mga artista?

"Wala namang masama sa ginawa ko. Tinanong ko naman sila kung pwedeng magpa-picture, magpa-autograph at k-um-iss, pumayag naman sila."

"Wala lang silang choice dahil nandoon ka na."

"Ano bang problema mo sa ginawa ko?" Naiinis na talaga siya rito. Ipinamumukha nito sa kanya ang pagiging jologs niya.

"Idinamay mo pa ako sa kalokohan mo."

Bago pa siya makasagot, sinenyasan na nito ang waiter na lumapit. Ibinigay nito ang order nito. Um-order na rin siya pagkatapos nito.

Hindi ito nagsasalita habang hinihintay nila ang order nila. Tumahimik na lang din siya. Ang babaw ng ipinagsisintir nito.

Intindihin mo na lang ang bakulaw na yan, Kimi. Hindi yan jologs na kagaya mo. Tingnan mo nga, ni hindi kilala kung sino sina Sam at Anne.

Pero hindi niya nakumbinsi ang sariling unawain ito. Bakit pa siya isinama nito roon kung pagbabawalan din lang siyang gawin ang trip niya? Walang masama sa ginawa niya dahil hindi naman niya pinilit sina Sam at Anne na magpa-picture kasama siya. Hiningi naman muna niya ang permiso ng mga ito.

Nang dumating ang order nila, sa pagkain na lang niya ibnunton ang inis niya kay Sloane.

KJ!
——————————
——————————
Thanks for reading.

Vote anf Comment!

IG&Twitter: @aphrophire

Ang Ambisyosang Nagmahal: Kimi by CAMILLAजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें