Chapter Six - 3

6.1K 122 2
                                    

"ANO'NG ginagawa ng Calswell na yon sa bahay ninyo?"

Iyon ang isinalubong sa kanya ni Bingles. Pagkaalis ni Sloane, tumuloy si Kimi sa bahay ni Phannie. Alam niyang doon nagtitipon ang mga kaibigan nila. Hindi siya nagkamali dahil para ngang may conference doon.

"Ibinigay niya ang bayad sa insurance ni Jasper." Sumalampak siya ng upo sa tabi ni Bingles.

"Galing iyon sa Solar Power," sabi ni Phannie.

Tumango siya. "Tinupad niya ang lahat ng hiningi kong demands."

"Ano'ng catch?" tanong ni Mimi.

Iisa talaga ang takbo ng utak nilang magkakaibigan. Iyon mismo ang gusto niyang itanong kay Sloane kanina. Hindi lang niya alam kung paano mag-uumpisa. Bighla kasi siyang inatake ng hiya. Nagulat siya na personal pa itong nagtungo sa kanila gayong sigurado siyang marami naman itong pwedeng utusan para gawin iyon.

"Kuwidaw ka riyan, Kimi. Mauutak ang mga katulad ng Sloane na yan. Imposibleng walang kapalit ang lahat ng pabor na ibinibigay niya sa inyo," sabi ni Bingles.

"Sinabi na naman niyang kapalit ng lahat ng ito ang hindi na namin paglapit pa sa media para ibulgar ang nangyari kay Jasper. Iyon lang siguro yon."

"Tumigil na nga kayo sa mga negative thoughts ninyo," saway sa kanila ni Chiela. "Bakit hindi natin isiping bukal sa loob ng Sloane Caldwell na iyon ang ginagawa niyang pagtulong kina Kimi?"

Wala nang kumibo sa iba pa niyang kaibigan.

Iyon din sana ang gusto niyang isipin. Pero kahit paano niya pilitin ang kanyang sarili, sumisingit talaga ang pagdududa niya. Hindi bale sana kung hindi niya nakilala ang masungit at supladong Sloane, baka sakaling makumbinsi niya ang kanyang sarili.

"Kung anuman ang hidden agenda ni Sloane, handa ka naman kung sakali, di ba, Kimi?" tanong sa kanya ni Phannie.

"Oo naman."

"Suportahan taka," sabi ni Bingles.

"Me, too," sabi ni Mimi.

"Me, three," biro naman ni Jae.

"Ano't ano man ang mangyari, sigurto naman ay pwede tayong humingi ng tulong kina AJ at Jam. Siguro naman, hindi tatanggi ang dalawang doña na yon," nakangiting wika ni Chiela.

"Oo naman. Ang mga yon pa?" sabi ni Jae.

Napangiti si Kimi. Pero ang ngiting iyon ay napalitan ng pagkunot ng noo nang mapansing tumahimik bigla si Phannie. Tila bigla itong nahulog sa malalim na pag-iisip.

Nawi-weird-an na talaga siya rito lately.
——————————
——————————
Thanks for reading!

Vote and Comment.

IG&Twitter: @aphrophire

Ang Ambisyosang Nagmahal: Kimi by CAMILLAWhere stories live. Discover now