CHAPTER TEN - 2

3.9K 87 2
                                    

"Kimi, may bisita ka."

"Mang-iistorbo na naman ang mga bruha," sabi niya. Sigurado siyang ang mga kaibigan lang niya iyon. Hindi na siya nag-abalang tumayo sa kinauupuan niya. Wala siyang pasok kaya naroroon siya sa pwesto nila sa Tagaytay. Maayos naman ang takbo ng kanilang maliit na negosyo. So far, so good. Nang marinig niya ang yabag, saka lang siya nag-angat ng mukha.

Para lang matulala dahil si Sloane ang nakita niyang pumasok.

"I wanted to buy the most beautiful flower here," sabi nito.

Customer ito kaya kailangan niya itong pakiharapan. Tumayo siya.

"Ilang dosena ang bibilhin mo?" Nilampasan niya ito.

Hinawakan siya nito sa braso. Para siyang napaso sa init ng palad nito. Nang tingnan niya ito, parang nangingislap ang mga mata nito. "I'm sorry if I've been a jerk---"

"Nakapag-sorry ka na noong huli tayong magkita," agap niya. "Ilang dosena ang bibilhin mong roses?"

"Ikaw ang pinakamagandang bulaklak na nandito."

Tahasang pambobola iyon, pero ang gagang puso niya, kinilig nang sobra sa sinabi nito. Lumutang ang pag-asa sa dibdib niya, pero kuwidaw pa rin siya . "Tigikan mo nga ako, Sloane. Ano ba talaga'ng ginagawa mo rito? Di ba bumalik ka na sa Amerika? Bakit nandito ka na naman?"

"Will you marry me, Kimi?"

Napapikit siya nang mariin. Maiiyak siya na hindi niya maipaliwanag. "Sinabi ko na sayo, huwag mo akong pinagloloko, Sloane," bumuntong-hiningang sabi niya.

Hinalikan siya nito. Nalunod ang puso niya dahil sa halik na iyon.

"Life was not the same when I got back to the States. And it took me a while before I realize why." Hinalikan nito ang buong mukha niya. "You were not there, Kimi. That's why I came back here. Gusto kong pakasalan ka."

"At akala mo'y papayag ako nang basta ganoon lang? Pagkatapos ng lahat ng sama ng loob na ibinigay mo sa akin?" pagpapakipot niya.

"You love me... or do you?" Biglang na-deflate ang bloated self-confidence nito.

"Sinong may sabi sayo?"

"You gave yourself to me in Boracay..."

Natitilihang luminga siya sa paligid. Kasama niyang nagbabantay ang mga magulang niya roon.

"Kapag hindi ka pumayag na magpakasal sakin, I'll tell your parents that we already made love."

"Sasabihin mo nga?" maang na tanong niya.

Tumango ito. "I'm that desperate to have you."

"Bakit biglang nagbago ang isip mo? Ikinahihiya mo ako noon sa Boracay---"

"Hindi kita ikinahiya. Ayoko lang na pintasan ka ng ibang tao dahil siguradong ako ang makakalaban nila."

"Ayaw mo akong pakasalan noon."

"Says who? I was just confused. Naalilito ako kung bakit ibang-iba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko, pero gustong-gusto kita. You made me laugh. Parang ang gaan ng lahat sayo," sagot nito. "Saka ikaw ang nagsabing hindi kita kailangang panagutan. Akala ko, bale-wala lang sayo ang lahat."

"Virgin ako noon. Paano mo naisip na bale-wala sa akin yon?" Maiiyak na siya nang tuluyan.

"I told you, I was confused."

"Kailan mo naman na-realize na gusto mo pala ako?"

"Noong pumunta ako sa inyo sa Batangas after spending two weeks of doing nothing because I couldn't get you out of my head. Balak kong sabihin sayo na baka pwede nating i-try na kilalanin pa nang husto ang isa't isa. And see where it might lead us. Gusto kong iatama noon ang lahat. To start on the right track. " Sumimangot ito. "But Makis ruined my paln. That jerk."

"Bakit hindi mo pa sinabi sa akin noon para hindi na sana ako nagdusa."

"Bigla kasi akong na-insecure. NAisip ko, baka nga hindi mo naman ako gusto. Kasi, kung gusto mo ako, dapat, naghabol ka na noong may mangyari sa ating dalawa. But instead, you acted like nothing happened. Parang bale-wala lang sayo lahat," hindi niya ma-imagine na nai-insecure din pala ang isang katulad nito. Pero sigurado nga ay marami pa siyang dapat na matutuhan tungkol dito.

"Dalagang Pilipina ako. BAkit ine-expect mo na maghahabol ako sayo?" nakasimangot na sabi niya.

"I went back to States. Nagkaayos na rin kami ng daddy ko at ng stepmother ko. Sila ang nagsabi sa akin na natagpuan ko na ang kaligayahan ko rito sa Pilipinas, pero bakit daw pinakawalan ko pa? That's why I'm here. To ask you to marry me and be happy with me for the rest of our lives."

Parang may batong humarang sa lalamunan niya.

"Marry me, Kimi. Please."

"Y-yes, I will marry you, Sloane. Basta ipangako mong hindi mo na ako paiiyakin uli..."

"I promise you that... and more." Itinapat nito ang mga labi nito sa tainga niya. "Tutuparin ko ang kagustuhan mong magkaroon ng maraming anak. We will fill our house with lots of little Kimis and little Sloanes. How about that?"

"Kailan ang kasal natin?"

"Mamanhikan ka muna, Sloane."

Natawa silang dalawa. Nasa labas ang ama niya na siyang nagsalita. Malamang ay kanina pa nakikinig ang mga ito.

"My father is coming here before our wedding. Do you really want to marry me, Kimi?"

Tumango siya. "Nasaan ang singsing ko?" tanong niya.

Inilabas nito ang hinahanap niyang sing sing. Gamunggo ang laki ng bato niyon.

"I love you, Kimi," sabi ni Sloane habang isinusuot ang singsing sa daliri niya.

"Sa lahat ng sinabi mo, yan ang pinakagusto kong marinig," nakangiting sabi niya.

"Well, hindi mo ba sasagutin ang sinabi ko? I just told you 'I love you'."

Inilapit niya ang bibig sa tainga nito. Buong pusong ibinulong niya ang kanyang sagot. "Mahal na mahal kita, Sloane."

They sealed it ith a kiss. Hindi nila pinansin ang sunod-sunod na pagtikhim ng kanyang ama na kulang sa pansin.

------------------------

------------------------

Thanks for reading!!!

Hope you love this story. God bless to all my readers!!! <3

Love, AphroPhire

Ang Ambisyosang Nagmahal: Kimi by CAMILLAWhere stories live. Discover now