CHAPTER TWO - 1

8.5K 145 3
                                    

"BAKIT napasugod ka?" nagtatakang tanong ni Kimi nang mapagbuksan niya si Jasper ng pinto.

Ang sabi nito ay kasama nitong gumi-gimmick sa Malate ang mga katrabaho nito. Nasa parteng Batangas din ang planta ng Solar Power pero nasa Maynila raw ito para sa isang conference. Nagulat na lang siya nang mabasa ang text message nito na nasa labas daw ito ng boarding house niya.

"Wala lang. Tagal na kasi nating hindi nagkikita," sagot nito.

"Juskoh, Jasper. Ang ganda ng timing mong mag-emote. Talagamg madaling-araw mo napiling sumugod dito, ha," naiiling na sabi niya. Sumunod siya rito sa loob.

"Alam ko namang nagpupuyat ka sa pagre-review. Huwag kang mag-alala, hindi kita iistorbohin sa pag-aaral. Makikitulog lang ako. Saka nagdala lang ako ng lafang para sa 'yo," sabi nito.

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Lafang?

Nagtamang-hinala siya bigla. Diyata't bruhilda nga amg kapatid niya! Noon lang niya ito narinig na nagsalita ito ng ganoon. Pero hindi na lang niya iyon pinansin. Napako sa ginagawa nitong pagkakalas ng tali ng pizza box ang atensyon niya. Kumalam bigla ang sikmura niya. Pulos kape ang laman ng tiyan niya mula kanina.

"Gusto mo ng kape?"

"Ayoko. Pizza lang ako," sagot nito.

Lumabas uli siya para kumuha ng tubig mula sa ref. Pagbalik niya sa loob ng kwarto, inabutan niyang "lumalafang" na nga si Jasper. Humila na rin siya ng silya at sinimulang lantakan ang dala nito.

"Bakit nga pala bigla kang napasugod? May problema ba?" tanong niya pagkaubos ng dalawang slice ng pizza. Noon lang niya na-realize na gutom na gutom pala talaga siya.

"Naisipan ko lang dumaan. Tutal, nasa Maynila na lang din ako. Naisipan kong dalawin ka na rito." Inilibot nito ang mga mata sa kabuuan ng silid. "Ayaw mobang lumipat ng ibang dorm?"

Understandable ang reaksyon nitong iyon. Luma na kasi ang boardinghouse na iyon. Ang roommates niya ay mga daga at ipis na malayang naglilipana sa paligid. Siguradong may nakita ito sa alinman sa "roommate" niya kaya ganoon na lang ang pagngiwi nito.

"Ayos na sa akin ito. Mura na, malapit pa sa PNU. Tipid sa pamasahe," sagot niya. Halos kapitbahay lang niya ang pinapasukan niyang eskuwelahan. Kahit nale-late siya ng gising, hindi siya nahuhuli sa klase niya dahil malapit lang.

"Paano ka nakakatulog sa ganitong lugar?" Suminghut-singhot pa.

Natawa siya. "Ang sosyal mo na, ha. Para namang malaki ang kaibahan nito sa bahay nayin sa Lipa. Saka halos ganito rin ang dorm mo noon sa Inyramuros, ah. Nakalimutan mo na ba ang abang pinagdaanan mo?" nakataas-kilay na wika niya.

Tumawa rin ito. Pero napansin niyang kahit tumatawa ito, parang may lungkot pa rin sa mga mata nito. "Seriously, Ate Kimi, pwede ko namang dagdagan ang allowance mo para makalipat ka sa mas maayos na dorm," kapagkuwan ay sabi nito. "Tutal naman, mura ang tuition mo, bumawi ka na lang sa ibang bagay."

"Naku, hindi na. 'Buti sana kung ako lang ang pinagkakagastusan mo. Alam ko namang subsidized mo na rin pati ang gastusin sa bahay," sagot niya.

Mula nang bumalik siya sa pag-aaral ay tumigil na siya sa pamamasukan kaya wala na siyang regular na income. Ang "raket" na lang niyang pahulugan sa Lipa ang pinagkukunan niya ng income. Pati ang kanilang ina ay pinatigil na rin nito sa pamamasukan sa Tagaytay para maasikaso ang dalawa pang kapatid nila sa Lipa. Malaking porsyento ng sweldo nito amg inilalaan nito para sa kanilang mag-anak.

"Okay lang. Lagi naman akong OT sa planta, eh." Kumuha pa ito ng isang slice ng pizza.

Pinagmasdan niya ito. "Baka naman simasagad mo ang sarili mo sa trabaho, Jasper. Para ngang nangayayat ka kaysa noong huli tayong nagkita. Bawasan mo ang palaging overtime, tutal, nakakaraos naman tayo."

Ang Ambisyosang Nagmahal: Kimi by CAMILLAWhere stories live. Discover now