Chapter Seven - 2

6.5K 127 8
                                    

Hindi mapuknat ang pgkakangiti ni Kimi habang pinagmamasdan ang malinis na dagat sa harap niya. Totoo ang sinabi ng marami na talagang isang paraiso ang Boracay. Hindi pa rin siya makapaniwalang naroroon siya sa paraisong iyon.

Dumakot siya ng buhangin at pinagmasdan iyon sa kanyang palad. Parang asukal sa kaputian at kapinuhan ang buhangin ng baybayin ng Boracay.

"What are you doing?"

Nandito na ang mamang ipinaglihi yata sa sama ng loob. Nilingon niya si Sloane. To be fair, kung hindi dahil sa mamang masungit na ito, hindi siya makakarating sa paraisong iyon.

"Wala ka nang topak?" tanong niya rito.

Lalong kumunot ang noo nito. Hindi nito sinagot ang tanong niya. Umupo lang ito sa tabi niya. "What's with the sand?" Ininguso nito ang buhangin sa palad niya.

"Ang puti ng buhangin dito, naaliw ako. Mag-uuwi ako nitosa Batangas."

"Mag-uuwi ka ng buhangin sa inyo?"

Tumango siya. Joke lang iyon, pero dahil nakita niyang tila naaliw ito, ikinokonsidera niyang totohanin na iyon. "Wala akong pambili ng pasalubong, kaya ito na lang ang iuuwi ko para sa mga manghihingi ng souvenir."

"You're really crazy." Pumalatak ito.

Wala naman siyang na-detect na sarkasmo sa boses nito nang sabihin iyon kaya hindi na niya iyuon pinuna. Para pa ngang aliw na aliw ito sa ideya niya.

"Wala ka na ngang topak," komento niya. Nilingon niya ito nang hindi ito kumibo. "Ibig bang sabihin, hindi talaga ako pwedeng lumapit kahit sinong artistang makikita natin dito?"

"I just don't see the point of you running after them and trearing them like they're some kind of god. Tao rin lang ang mga yon. Kung talagang hinahangaan mo sila, you can admire them from afar."

"Nahihiya ka na baka may makakita sayo rito na may kasama kang jologs na kagaya ko." Iyon ang hula niya kung bakit ayaw nitong naghahabol siya sa mga celebrity.

"Ayoki lang pintasan ka ng ibang bakasyunista rito."

Na-feel niya ang concern nito para sa kanya. Naisip niyang may punto nga ito. Obvious sigurong first time niyang magbakasyon doon dahil atat pa siyang humabol sa mga artista. Sa mga datihan nang bakasyunista, sanay na ang mga itong makasalubong ng celebrity roon.

Dapat nga siguro niyang ikonsidera na si Sloane ang kasama niya roon. Sosyal ito, kaya dapat magpakasosyal din siya.

"Pero bahala ka na nga kung ano'ng gusto mong gawin. Just don't asko me to be your photographer. I have a reputation to protect."

Napahagalpak siya ng tawa. Halatang napahiya yalaga iyo sa ipinagawa niya sa restaurant kanina. Hindi na lang siguro ito nakatanggi dahil kasubuan na.

"Ngayon na-realize mo na nakakatawa ang hitsura ko kanina."

"Siguradong hindi mo na ako makakalimutan habang-buhay, Sloane Caldwell."

"I agree."

Pabiglang nikingon niya ito. Masyadong seryoso ang tono ng boses nito. Nagtama ang mga mata nila. Gusto miyang itanong dito kung ano pa kaya ang ibang dahilan at sumang-ayon ito na hindi na siya nito makakalimutan habang-buhay, pero hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob. Gusto niyang ipreserba ang pag-asang sumibol sa puso niya.

Ibinalik niya ang mga mata niya sa dagat. Kailangan niya ng diversion para maputol ang titigan nila ng binata. Gwapo pa naman nito. Mas gwapo pa ito kaysa kay Sam Milby, mas yummy-licious... kaya siguro nagmamaktol ito na nagpaka-groupie siya kay Sam samantalang ang gwapo-gwapo nito, ang sexy-sexy.

"Mag-Jet Ski tayo," yaya niya rito. Gusto niyang maranasan iyon. Tumayo na siya bago pa ito sumagot.

"Are you sure you want to trt it?" tanong nito, pagkatapos ay tumayo na rin.

Tumango siya.
——————————
——————————
Thanks for reading!

Vote and Comment.

IG&Twitter: @aphrophire

Ang Ambisyosang Nagmahal: Kimi by CAMILLAWhere stories live. Discover now