Chapter Nine - 2

3.1K 84 1
                                    

"Excuse me," sabi ni Sloane habang nagmamaneho ito. Nilingon pa nito si Kimi na nakaupo sa tabi nito sa driver's seat. Papunta na sila sa isang restaurant.

"Sige lang," sabi niya. Kanina pa siya may naririnig na tumutunog sa loob ng kotse nito. Naiistorbo ang pagkukwento niya rito ng kung "anik-anik" lang naman na "chorva".

Hindi niya maitago ang nararamdamang saya rito. Ang balak niyang pagpapakipot kanina ay hindi na niya napanindigan. Napuno ng antisipasyon ang dibdib niya.

"Where are you, Sloane? Kanina pa kita tinatawagan."

Pamilyar ang boses na iyon sa tainga niya. Sigurado siyang si Makis iyon, ang pinsan nito. Naka-loudspeaker pala ang car phone ni Sloane.

"Importante ba yan, Mak? I'm—" sumulyap ito sa kanya, pagkatapos ay ngumiti nang sexy, "—busy."

"Nasabi mo na ba kay Kimi ang plano mong ipakausap siya sa daddy mo?"

Sinulyapan siya nito. Nanlalapad ang mga tainga niya dahil narinig niya ang pangalan niya. Wala siyang balak na itago kay Sloane ang curiosity niya tungkol sa sinasabi ni Makis na plano nito sa kanya.

"Makis..."

"Hindi mo na ako in-update pagkatapos niyong magbakasyon ni Kimi sa Boracay. Nabanggit ko na kay Tito na naplantsa mo na ang problema sa pamilya ni Engineer Lopez. And that Kimi will talk to him to prove that we have nothing to worry about. Na siniguro mo nang hindi magagamit ng mga detractors ng Solar Power sina Kimi para sirain ang kompanya."

Napatingin siya kay Sloane. Halatang tensiyonado ito.

"Napapayag mo na si Kimi na kausapin ang daddy mo, Sloane?"

"Hindi pa, Mak," Sloane grunted.

Nanlumo si Kimi. Para siyang isang lobong na-deflate. Iyon ang eksaktong pakiramdam niya. Kinumpirma lang ni Sloane ang lahat ng sinabi ni Makis na may iba itong agemda sa pagsama sa kanya sa Boracay. Hindi totoong gusto lang nitong tuparin ang pangako sa kanya ni Jasper.

"What's taking you so long, Sloane? Di ba, atat na atat ka nang bumalik sa America? Napag-usapan na nating si Kimi ang ticket mo para payagan ka ni Tito Friz na umuwi na."

Ang sayang nararamdaman niya kanina ay napalitan ng sakit. May agenda pala si Sloane sa kanya sa simula pa lang.

"Kung nahihirapan kang kumbinsihin si Kimi, ipakita mo na sa kanya ang suicide letter na ipinadala ng kapatid niya sa kasamahan non sa planta. Para ma-realize niya na kung tutuusin, malaki ang utang-na-loob nila sayo. I'm sure, kapag napatunayan mong nag-suicide talaga ang kapatid niya kaya walang obligasyon ang kompanya sa pamilya nila, she will gladly return you the favor. Mapapabilis ang uwi mo sa States."

May pinindot si Sloane kaya nawala ang bosesni Makis.

"Anong sulat ang sinasabi ng kausap mo?" Manghang tanong niya sa binata.

Inihinto nito ang kotse sa gilid ng daan. Binuksan nito ang glove compartment. Isang yellow paper ang iniabot nito sa kanya.

Nanginginig ang mga kamay niya nang buksan iyon. Nakilala agad niya ang handwriting ni Jasper.

Lorenz,
     Habang binabasa mo ang sulat na ito, sigurado akong wala na ako. Na-realize ko na kahit kailan, hindi mo talaga ako magagawang mahalin. And I can't live with that. Hindi ko matatanggap iyon.
     Mahal na mahal kita, Lorenz. Ang tagal kong kinimkim ang nararamdaman ko para sayo. Akala ko, kontento lang akong nakakasama kita. Pero nang umeksena na ang girlfriend mo, hindi ko pala kayang nakikita kang masaya sa kanya. Araw-araw, parusa sa akin ang katotohanang hindi mo ako magagawang mahalin gaya ng pagmamahal mo sa kanya.
     Bakit kasi hindi ka pumapatol sa isang tulad ko?
     I dexcided to end all of my sufferings, lalo pa't ngayon ay parang diring-diri ka na sa akin. Hindi ko kaya ang pag-iwas na ginagawa mo. Hindi ko sinasadyang mahalin ka.
                                                                             Patawad,
                                                                              Jasper

Ang Ambisyosang Nagmahal: Kimi by CAMILLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon