CHAPTER FIVE - 1

7.3K 136 2
                                    

"KUMUSTA ang pakikipag-usap mo sa kapatid ni Engineer Lopez?"

Hindi muna sinagot ni Sloane ang tanomg ni Makis. Tatlong araw  na ang pangyayaring inuusisa nito. "Bakit ang tagal mong nawala?" sa halip ay balik-tanong niya rito.

"Nasa planta ako sa Batangas," nagkibit-balikat na sabi nito. "Ano'ng napag-usapan n'yo ni Kimi?"

Kumunot ang noo niya. "Kimi?"

"'Kimberly Lopez' ang tunay na pangalan ng kapatid ni Engineer Lopez. 'Kimi' ang tawag sa kanya n'ong kaibigan niyang pinigilan kong pumasok dito noong mag-usap kayo," paliwanag nito.

"Ah."

Umupo si Makis sa ibabaw ng mesa niya. Dinampot nito ang kanyang Cross fountain pen at nilaro iyon sa mga daliri nito. "Ano nga'ng napag-usapan n'yo? Masyado bang mahirap ang tanong ko at kanina mo pa ako hindi masagot?"

"Mahirap kausap ang babaeng 'yon. In denial siya sa totong nangyari sakapatid niya. Ang dami niyang hinihingi na gawin ng kompanya. At ang lakas ng loob na manakot na lalapit siya sa media kapag hindi natin ibinigay ang demands niya. Isusumbong daw niya ako kay Tulfo, whoever that is."

"Baka kuya niya," biro ni Makis. "Taga-media si Tulfo. Sumbungan ng bayan. Parang si Mike Enriquez. Anyway, ano ang mga demands niya?"

Sinabi niya rito ang mga kondisyon na ibinigay ng dalaga sa kanya.

"Ano'ng sabi mo?"

"Natural, tinanggihan ko. Sinabi ko sa kanya na nagpakamatay ang kapatid niya. And the insurance company is not paying . i'm sure she heard it a million times. She's just too stubborn to accept it."

"Alam mo ba ang magiging consequence ng direktang pagtanggi mo sa kanya?"

Nagkibit-balikat siya. Like the hell he cared.

"Di ba gusto mong bumalik sa Amerika?"

"You know very well that I do. I'm wasting my time here. Nasa San Fransisco ang buhay ko. I don't even know what I'm doing here in the first place. Ang sinabi sa akin ni Daddy, tingnan ko lang daw ang general operations ng mga planta kaya ako pumunta rito. The next thing I know, I am not allowed to go back home."

"Si Kimi ang sagot sa problema mo, Sloane. If you deal your cards right with her, your father might allow you to go home."

Natawa siya. How could that girl help him?

"Alam na alam mo kung paano pinahahalagahan ni Tito Friz ang image ng kompanya—"

He snorted. "He seemed to stop caring when he married Briana."

"Kung binabasa mo ang updates sa email mo tungkol sa current publicities about Solar Power, malalaman mong malaki ang epekto ng nangyari kay Engineer Lopez sa kompanya. The stocks are in their lowest. Bumabagsak ang market value ng stocks natin. And Tito Friz is very worried about it. Our competitors are having a grand time. They are blowing everything out of proportion. Gusto nilang imbestigahan ng Philippine government ang overall operation natin."

"Kahit mag-imbestiga ang kahit na sinong Poncio Pilato, wala silang makikitang butas. Solar Power is clean. Nagpakamatay si Engineer Lopez sa planta. His death has nothing to do with the safety of our plants."

"Ayaw nang paabuyin ni Tito Friz sa puntong iyon ang lahat. He wants us to come up with a quick solution. At naisip kong si Kimi ang solusyon."

Nakuha nito ang buong interes niya. Kahit pa duda siyang nasa kamay ng babaeng iyon ang kapalaran niya at ng kompanya, pinili niyang pakinggan ang sasabihin ng kanyang pinsan. "Paanong naging savior ang tingin mosa babaemg iyon? Gusto lang niyang huthutan ang kompanya."

"Kapag napatahimik natin si Kimi at ang buong pamilya niya, mamamatay ang usok na nilikha ng pagsu-suicide ni Engineee Lopez sa loob ng planta. Our detractors can wag their tongue as long as they like. Pero hanggangbnasa panig natin ang pamilya Lopez, wala silang magagawang masama sa atin. We can even have some publicity to show the gratitude of the Lopez family towards us for our help."

He should give Makis the credit. May punto ito. Makakatulong nga kung papanig sa kanila sina Kimi. "And how can that Kimi help me with my personal problem?"

"You can use her to bargain with Tito Friz. Sabihin mo kay Tito na kapag nakontrol mo na ang sitwasyon dito, payagan ka nang bumalik sa Amerika gaya ng gusto mo. Everybody happy."

It was a great plan. Pero nangangamba siya kung magagawa niyang makipagkasundo kay Kimi. Kakaiba ang babaeng iyon. Mahirap itong kausap dahil tipong may sariling paninindigan. Demanding. Bossy. Iyon ang impresyon niya rito sa unang pag-uusap nila. And he did not like the kind of woman that she was.

Ngunit pera lang ang habol nito. Kapag naibigay niya rito ang gusto nito, madali nang paikutin ito.

"I don't know if I can tolerate that Kimi..."

Makis chuckled. "Babae lang 'yon, Sloane. At para namang hindi kita kilala kung gaano ka kagaling pagdating sa chicks. Kayang-kaya mong hulihin ang kiliti ni Kimi."

"Kilala mo rin ako na wala akong tiyagang manuyo ng babae. Kung ayaw, ayaw. Ayokong mamilit. Lalong ayoko sa mga babaeng matigas ang ulo. Wala akong tiyagang mambola."

Sanay siya sa mga babae sa States. Liberal ang mga iyon. Walang pakipot. Sanay siya na tinginan lang, nagkakaintindihan na kung ano ang gusto nila. Everything was good until it lasted. Iyon amg panuntunang sinusunod niya. At alam iyon ng mga babaeng nagkakaroon ng kaugnayan sa kanya.

"Isipin mo na lang, si Kimi ang ticket mo para makabalik ka na sa inyo. Ikaw na rin ang nagsabing naghihintay na ang iniwan mong buhay roon." He leaned over and whispered. "Saka paano ang mga playmates mo sa Frisco? Baka mainip ang mga iyon sa paghihintay sa'yo at humanap ng iba."

"There'sa queue, Mak," nakangising sabi niya. It was the least of his worries. Kung playmates din lang, madaling solusyon iyon.

"Pag-isipan mo ring mabuti, Sloane. If you really want to go back home, si Kimi lang ang nakikita kong solusyon. You'll be hitting two birds with one stone. Na-solve mo na ang problema ng kompanya, maso-solve mo pa ang personal problem mo. Think about it. Saka anonaman ang ikakatakot mo kay Kimi? I can't believe you're turning sissy over a woman. Nasan ang nag-uumapaw na tiwala mo sa charm mo?"

"Iyonna nga ang ikinatatakot ko, Mak. Na sa sobrang charming ko, hindi na bumitaw pa ang babaeg 'yon sa akin. Baka lalog hindi ako makaalis pabalik sa US."

Tumawa ito nang malakas.

"Bakit hindi na lang ikaw ang humarap sababaeng 'yo,Makis? Deal with her. Tutal naman, parte ka ng kompanyang pinagbabantaan niyang sirain."

"I'm too busy, Sloane. Besides, package dealang hatid na solusyon ng babaeng iyon. It's your personal problem, so you deal with her."

"But—"

Tumayo na ito, nakataas ang isang kamay. "I offered you a solution. Naiinip ka narito sa Pilipinas, gusto mo nang bualik sa Amerika, Kimi is your ticket out."

Tumahimik na siya. Alam niyang hindi niya ito makukumbinsing tulungan siya sa babaeng iyon.

"Just a reminder, Sloane..." Nasa pinto na ito nang ihabol pa iyon. "Don't fall inlove with her."

Hindi siya nakapag-reactdahil mabilis na itong lumabas.

Napailing siya nang maiwan siyang mag-isa roon. Hindi niya alam kung bakit pinaalalahanan pa siya ni Makis na huwag mai-inlove sa babaeng iyon. It was absolutely unnecessary.

Sigurado siya sa sarili niyang hindi si Kimi ang tipo niyang babae.
——————————
——————————
Vote and Comment

Thanks for reading!

~AphroPhire

Ang Ambisyosang Nagmahal: Kimi by CAMILLAWhere stories live. Discover now