Chapter Nine - 1

5.9K 134 30
                                    

"May bisita tayo, Kimi."

"Sino—"

Nakulong na sa lalamunan niya ang tanong na iyon. Nagkatitigan na sila ng bisitang tinutukoy ng kanyang ama.

Parang may hanging biglang pumasok sa puso niya nang magtama ang mga mata nila ni Sloane. Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang huli silang magkita. Mula sa domestic airport, ipinahatid na lang siya nito sa bahay nila sa Batangas.

Noon pa lang ay pinutol na niya ang pag-asang magkikita pa sila uli nito. Naglagay na ito ng distansiya sa pagitan nila nang hindi siya nito ihatid nang personal sa kanila. Umaasa siguro itong makukuha niya ang mensaheng gusto nitong iparating sa kanya.

Hindi naman ito nabigo dahil na-gets naman niya ito. Pero ang tanggapin at kumbimsihin ang sariling kalimutan na lang ang anumang namagitan sa kanila ay ibang istorya na. Kahit gaano niya ipilit, umaasa pa rin ang puso niyang may pag-asa pa silang dalawa. Himdi niya alam kung saan galing ang pag-asa niyang iyon gayong wala naman itong binibigay na hint na posibleng maging sila.

Isa siyang bulag na ambisyosa.

"How are you?" Tanong nito.

Sinulyapan niya ang kanyang ama bilang babala ritong huwag itong magkakamaling magbanggit ng kahit anong magpapahamak sa kanilang dalawa.

Noong umuwi siya, nahirapan siyang magkunwaring masaya ang naging bakasyon niya kasama si Sloane sa Boracay. Nahirapan pa siyang magsinungaling na may iba pa silang kasama roon. Ayaw niyang ma-bad shot na naman ito sa pamilya niya.

"Maiwan ko muna kayo, Sloane. Naglilista kami ni Misis ng mga kulang pa sa ibebenta namin sa nakuha naming pwesto." Tinapik pa nito si Sloane sa balikat. "Baka magawi ka sa Tagaytay, pasyalan mo kami sa tindahan namin doon."

"Sige ho."

Tumaas ang isang kilay niya. Bakit nito pinapaasa ang kanyang ama na magpapakita pa ito sa kanila?

Gaga ka, Kimi. Ikaw lang yata ang umaasa!

"Naligaw ka yata," sabi niya sa binata nang pumasok na sa kwarto ang kanyang ama.

"Mangungumusta lang."

Lalong tumaas ang kilay niya. "Ang layo ng ibiniyahe mo para mangamusta. Nag-text ka na lang sana." Inatake siya ng guilt dahil nakita niyang napahiya ito. Napakawalang-utang na loob nga naman niya na bumiyahe ito ng malayo, pagkatapos ay babastusin lang niya ito.

Bumuntong -hininga siya. Defense mechanism lang naman niya iyon. Kung susundin niya ang talagang gusto niyang pagsalubong dito, yakap at halik ang ibibigay niya rito.

"Okay naman kami," aniya sa magalang nang tinig. "Nakahanap na kami ng pwesto sa Tagaytay. Sa isang araw, magbubukas na ang tindahan. Mga bulaklak, prutas at kung anik-anik pa ang ibebenta eoon ni Nanay."

"Anik-anik?" Mukha ngang wala itong ideya kung ano ang ibig niyang sabihin. Para na namang ipinamukha nito ang malaking kaibahan nilang dalawa.

"Anu-ano" ang ibig sabihin ng 'anik-anik'," paliwanag niya.

Tumango-tango ito. "Anik-anik", ulit nito, amused na amused. "Puro ka chorva."

"Huh?" Kung cartoon character lang siya, tiyak niyang lumuwa na ang mga mata niya. Tama ba ang pagkaintindi niya sa sinabi nito? "Ano'ng sinabi mo? 'Chorva'?"

Ngumisi ito. "Nabasa ko sa isang blog ang tungkol sa 'chorva'. May explanation doon kung ano yon."

Iiling-iling siya, tutop ang dibdib. "Juskoh, pasensiya na... pero kinabahan ako bigla sayo," aniya na pigil ang paghagikgik. Naalala niya nang huli siyang ma-shock nang ganoon. Iyon ay noong marinig niya si Jasper na magsalita ng 'lafang'. Ipinilig niya ang ulo. Hindi pa rin siya nakakabawi. "Anyway, nakapangumusta ka na, pwede ka na sigurong umalis. Baka naabala na ang hectic schedule mo sa Maynila."

Hindi nito pinansin ang sinabi niya. "Pwede ba kitang imbitahang kumain sa labas?"

Umangat ang kilay niya. "Bakit?" Tanong niya.

Nagkibit-balikat ito. "Do I have to give you a reason?"

"Syempre naman!" Rumipeke na ang bibig niya. "Dalawang linggo kang walang paramdam pagkatapos nating manggaling sa Boracay, tapos darating ka dito nang walang pasintabi at magyayaya kang kumain sa labas? Masyado ka yatang sinuswerte kung inaakala mong basta na lang ako sasama sayo nang wala kang paliwanag."

"Gusto mong magpaliwanag ako kung bakit ako hindi nagparamdam sayo sa loob ng dalawang linggo?"

Natigilan siya. Iyon nga yata ang ibig niyang sabihin.

"I'm a royal jerk, Kimi. Iyon lang ang maibibigay kong paliwanag."

Ipinasya niyang ibalato na lang iyon dito. Tutal naman, amg hirap ng ginawa nitong pag-amin na isa itong royal jerk. "Hintayin mo ako rito. Magbibihis lang ako." Tumayo na siya at pumasok sa kwarto. Nang nasa loob na siya, saka niya pinakawalan ang tili na walang tunog.

At napatunayan niya, ang hirap palang gawin iyon.

Walang paglagyan ang kaligayahan niya. Kahit pa ayaw niyang umasa, hindi niya mapigilan ang kanyang sarili. Hindi mag-aaksaya ng oras si Sloane sa pagpunta roon kung ayaw nitong makita siya.

Ang haba-haba talaga ng hair mo, Kimberly. Waging-wagi ang beauty mo.
——————————
——————————
Thank you for reading!

Vote and Comment

Social Medias:
Twitter - @aphrophire
IG - @aphrophire

Ang Ambisyosang Nagmahal: Kimi by CAMILLAWhere stories live. Discover now