CHAPTER FOUR - 2

7.3K 143 9
                                    

NAWALA yata ang lahat ng lakas ng loob ni Kimi nang nakaharap niya nang personal ang presidente ng Solar Power. Mali pala siya ng akala na matanda na ang makakaharap niya.

Sloane Caldwell. Iyon ang pangalang nakalilok sa brass plate na nakapatong sa ibabaw ng mesa nito. Bata pa ito; nasa early thirties lang siguro. Kahit nakaupo ito sa swivel chair, hindi maikakailang malaking lalaki ito. May hawig nga ito kay Tom Cruise, gaya ng sinabi ni Jasper. Suplado ang dating. Mula pa kanina ay magkalapat na ang mga labi nito. Pero kahit suplado ito, malakas pa rin ang dating nito sa kanya.

Umayos ka nga, Kimberly! Hindi siya si Tom Cruise.

"What do you want to discuss with me?"

Narinig niya ang boses nito pero hindi niya naintindihan ang sinabi nito. Mukha na siyang engot habang nakatyitig dito. Kulang na lang ay tumulo ang laway niya sa pagkatulala rito.

Pilit niuang binalikan sa isip ang lahat ng napag-usapan nilang magkakaibigan. Nag-brainstorming sila bago ang takdang paghaharap nila ng Sloane Caldwelk na ito. Memoryado na niya kung ano ang mga sasabihin dito. Inensayo nila iyon kanina ni Phannie habang sakay sila ng bus papunta sa opisina.

Pero nakaharap lang niya ang lalaking ito, biglang naglaho ang lahat ng iyo sa isip niya.

"Miss Lopez, I don't have time to waste," tila naiinis na untag sa kanya nito.

Napatingin siya sa mukha nito. Biglang nawala ang agiw niya sa utak. "Tungkol sa kapatid ko ang ipinunta ko rito," simula niya. Hiagilap niyasa isip ang lahat ng demands na pinlano niyang sabihin dito.

"Nakausap mo na ang representative ng insurance company. They are not paying for suicide cases."

"Hindi ako naniniwalang nagpakamatay si Jasper. Wala siyang dahilan para gawin iyon. Hindi ako naniniwala sa resulta ng imbestigasyon na ginawa nila."

Matagal na pinagmasdan siya nito. "Ano'ng gusto mong mangyari ngayon?" tanong nito.

"Si Jasper ang breadwinner sa pamilya namin. Malaking tulong sa pamilya namin ang makukuha sana namin sa insurace para maituloy namin ang buhay namin."

"The insurance company is not paying. Mahigpit sila sa mga pagpapatupad ng mga policies nila. At hindi hawak ng Solar Power ang desisyong iyon."

"Wala bang balak ang Solar Power na bayaran ang mga naulila ni Jasper?" tanong niya.

Natigilan ito. "You want us to pay you?"

Tumango siya. "Nangyari ang aksidente ni Jasper habang nagtatrabaho siya sa loob ng planta ninyo. Pananagutan ng kompanya ang nangyari sa kanya."

"I beg to disagree, Miss Lopez." Masyado itong matipod magsalita, ngunit ramdam niyabsa kakaunting sinasabi nito ang pagmamatigas.

"May mga hihingin akong demands, Mr. Caldwell."

Himalukipkip iyo, hinintay ang kung anumang sasabihin niya.

Gustong maghina ng loob niya sa nakikiyangbkaseryosohan nito. Pero naroon na rin lang siya, wala nang atrasan pa iyon. "Una, bayaran n'yo ang parents namin. Ibigay n'yo sa kanila ang dapat na matanggap nila bilang naulila ni Jasper. Pangalawa, pag-aralin n'yo kami ng mga kapatid ko. Pangatlo, huwag n'yong sabihin sa parents namin ang pinalalabas n'yong ngpakamatay si Jasper."

Napamaang ito. "Are you crazy?"

Nawala ang tensyon niya. Nagtaas siya ng kilay. Nawala ang hiyang nararamdaman niya dahil sa pagtawag nito sa kanya ng luka-luka. Mukha ba siyang may sayad?

"Nagpakamatay ang kapatid mo, Miss Lopez. Kami pa nga ang naperwisyo dahil sa masamang epekto ng ginawa niya sa image ng kompanya. Our detractors are having a feast day because of what your brother did."

Ang Ambisyosang Nagmahal: Kimi by CAMILLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon