Chapter Six - 4

6.3K 130 9
                                    

"SEMBREAK n'yo na, di ba?"

Tumango lang si Kimi sa tanong ni Sloane. Hindi pa siya nakaka-recover sa shock kaninang mapagbuksan ito ng pinto. Bigla itong sumulpot sa boardinghouse niya sa huling araw ng klase niya. Ang akala niya ay huling pagkikita na nila noong pumunta ito sa kanila sa Lipa City. Naibigay na nito ang lahat ng demands niya kaya wala na itong dahilan para makipagkita pa sa kanya.

"Saan ka magbabakasyon ngayong sembreak?" tanong sa kanya nito.

"Sa Batangas lang," tugon niya. Pagpaplanuhan nila ng pamilya niya kung ani ang gagawin sa perang ibinigay nito sa kanila. Iyon ang balak niyang gawin sa buong semestral break.

"Ayaw mo bang pumunta sa Boracay?" tanong nito.

Kumunot ang noo niya. Nakangiti ito nang tingnan niya ito. Tila may alam ito na hindi niya dapat malaman. "Kahit gusto ko, hindi rin ako makakapunta."

"Bakit?"

"Wala akong panggastos," sagot niya.

Bigla niyang naalala sina Jam at Aj. Minsan ay nagte-text ang mga ito sa kanya upang tanungin siya kung ano ang gusto niyang pasalubong mula sa travel ng mga ito. Minsan ay nagpupunta ang mga ito sa Boracay at kung saan-saan pang bakasyunan sa bansa. Ilang beses na ring nakapag-abroad ang mga ito. Sa Europe pa nga nag-honeymoon si Jam. Ilang beses nilang pinangarap nina Phannie, Mimi, Jae at Chiela ang mga ganoong bakasyon.

"Paano kung may manlilibre sa iyon ng bakasyon doon?"

"Sino naman ang baliw na manlilibre sa akin sa Bora?"

"Ako."

Maang na tiningnan niya ito. "Huwag mo akong bibiruin ng ganyan, Mr. Caldwell. Baka mapasubo ka bighla."

"Sinong nagsabing nagbibiro ako?" May inilabas ito mula sa bulsa ng dala nitong backpack.

Shit! Bakit nga may dalang backpack ang mestisong siyokoy na ito?

May iniabot ito sa kanya. Tiningnan lang niya ang hawaknito. "Ano yan?" Kinakabahansiya. Ganoon katindi ang epekto sa kanya ng mga pinagsasabi nito.

"Ticket natin papuntang Boracay."

"Bakit mo naman ako isasama sa Boracay?" maang na tanong niya.

Tiningnan muna siya nito bago ito sumagot. "Someone told me na isa sa mga pangakong hindi natupad ng kapatid mo ay ang pagbakasyunin ka sa Boracay. All expenses paid." Ngumiti ito.

"At tutuparin mo ang promise na iyon ni Jasper?"

"Oo."

"Bakit?"

"Diba, sabi mo, dapat, tuparin ng Solar Power ang mga pangako ni Jasper sa inyo since he's no longer around to fulfill them?" Ngiting-ngiti pa rin ito. "Eto na ang Bora trip mo. Mag-empakeka na."

"Inaasahan nina Tatay na uuwi ako sa Lipa ngayon," pagdadahilan niya. Hindi yata carry ng powers niya na makasama ito sa Boracay!

"Huwag mo silang alalahanin, ipinagpaalam na kita sa kanila."

"Pumayag si Tatay?" hindi makapaniwalang sambit niya.

Tumango ito. "Dali na. Baka biglang magbago ang isip ko, sayang ang nagastos ko sa pagpapa-book ng ticket at accomodation. Sisingilin ko yon sa yo, sige."

"Tek, mag-eempakena ako!" Tumalikod na siya. Ayaw niyang mag-isip dahil baka magbago pa ang desisyon niya. Bahala na kung ano ang mangyayari sa biglaan niyang desisyon. Saka na siya mag-iisip. Saka na siya magsisisi.

Pero ano ang pagsisisihan niya kung sasama man siya kay Sloane? Makakapagbakasyon siya nang libre, ang gwapo pa ng escort niya. Saan pa siya?

Sa wakas, makakapagsuot na rin siya ng two-piece.

Naalala niya si Jasper. Kung hindi ito namatay, walang Sloane na magbibigay sa kanya ng libreng bakasyon ngayon. Pinalis niya ang nararamdamang lungkot.

Unti-unti na niyang pinag-aaralang tanggapin ang lahat. Walang mangyayari kung patuloy siyang magdadalamhati. Baka hindi pa makaakyat sa langit ang kaluluwa ng kapatid niya kung palagi niya itong aalalahanin.

Gusto niyang isipin na may dahilan kung bakit nangyari ang lahat.
——————————
——————————
Tanks for reading!

Vote and Comment.

IG&Twitter: @aphrophire

Ang Ambisyosang Nagmahal: Kimi by CAMILLAWhere stories live. Discover now