Chapter Six - 2

6.2K 127 1
                                    

HINDI pa man nakakakuha ng sagot si Kimi sa tanong na bigla na lang bumulaga sa kanya, dumagsa pa ang mga mahaderang kaibigan niya sa bahay nila eksaktong pagkatapos nilang kumain ng hapunan. Alam na niya kung ano ang sadya ng mga ito. Wala man lang pakundangan sina Mimi, Phannie, at Bingles sa pagtitig kay Sloane. Kilala niya ang mga ito,alam niyang walang buting idudulot ang pagpunta ng mga ito roon.

"Ano ang sadya ng big boss ng Solar Power dito?"

Pinanadilatan niya si Mimi. Masyadong maliit ang bahay nila at masyadong malakas ang boses nito kaya sigurado siyang ipinaririnig talaga nito kay Sloane ang sinsabi nito. "Marizel Ledesma..." banta niya rito.

Ang kanyasng ama ang sumagot sa tanong ng kaibigan niya. "Inihatid ni Mr. Caldwell ang perang ibinayad ng insurance. Dala rin niya ang magandang balita na gagawin nilang scholar sina Kimi at ang mga kapatid niya hanggang sa makatapos sila ng kolehiyo."

"Ah..." sabay-sabay na sabi ng mga ito.

"Maiwan muna namin kayo rito. Bibili lang kami ng minatamis na macapuno sa tindahan ni Aling Onyang para may panghimagas tayo," sabi ng kanyang ina.

"Huwag na kayong mag-abala. Busog na busog na ako sa inihanda ninyong dinner," pigil ni Sloane sa kanyang ina.

"Naku, maliit na bagay lang 'yon. Pagbigyan mo na kami," sagot ng kanyang ama. "Tara na, Lily."

Nang bumaba ang kanyang mga magulang, hinarap ni Bingles si Sloane. ""Ano'ng pakiramdam mo na parang hero ang tingin sa'yo ng parents ni Jasper ngayon?" tanong nito.

"I feel good," sagot ng binata.

"Pasalamat ka, mabait ang pamilya ni Jasper. Kung ako ang natapat sa'yo, hindi kita uurungan."

"Bingles!" saway ni Kimi rito.

Hindi ito nagpaawat. "Bakit? Totoo naman ang sinabi ko, 'di ba? Hindi dapat masyadong mayabang ang lalaking ito na para bang ang laki ng nagawa nilang tulong sa inyo dahil sa pagbibigay ng scholarship at kung anu-ano pa. Sa laki ng perhuwisyong ibinigay ng pagiging pabaya ng planta nila, kulang pa iyon kung tutuusin. Dapat nga, lahat ng ipinangako ni Jasper sa inyo, tuparin nila."

Nahihiyang tumingin siya kay Sloane. Nasa mga mata nito ang pagtatanong. Nagpapasaklolong tumingin siya kay Phannie.

Nakuha naman nito ang pahiwatig niya. "Halika na, Bingles."

"Mamaya na. Nagkakasarapan pa ng pag-uusap, eh," nakaingos na sabini Bingles. Pero tumigil na ang pagrepike ng bibig nito dahil siguro sa nagbababalang tingin ni Phannie rito. "Hay, tara na nga, girls." Nauna na itong bumaba.

Bago sumunod si Mimi, humirit din ito. "Mabuti naman, nagbago ang isip mo, Mr. Caldwell. Kawawanaman ang kaibigan namin kung hihinto siya sa pag-aaral. Isipin mo namang pumasok pa 'yang katulong para lang mapag-aral si Jasper ng college. Tapos, sa isang iglap, nawala ang pag-asa nilang mag-anak sa buhay."

Gusto niyang sabunutan ang kanyang mga kaibigan. Oo nga at gusto niyang sumbatan si Sloane sa nangyari kay Jasper, pero bumawi na ito at ibinigay na ang demands nila. Sobra-sobra na rin iyon kung tutuusin.

"Sige. Mauna na kami sa'yo," paalam ni Phannie kay Sloane.

Tinanguan ito ng binata. "What are your friends talking about? Galit ba sila sa akin?" tanong nito nang mawala na ang mga kaibigan niya.

"Huwag mo nang pansinin ang mga 'yon," sabi na lang niya.

Matagalna katahimikan ang namagitan sa kanila. Parang malalim ang iniisip nito habang nakatitig sa sahig ng kanilang barongbarong.

"Totoo bang namasukan kangkatulong para makapag-aral si Engineer Lopez?" kapagkuwan ayntanong nito.

"Oo. Wala namang masama kung namasukan ako, di ba?" defensive na wika niya. "Nagkataon kasing mas matalino sa akin si Jasper. Naisip ko, mas malaki ang pag-asang maiahon ang pamilya namin kung siya ang makakapagtapos at makakapagtrabaho agad." Ngumiti siya ng mapakla. "Hindi naman ako nagkamali ng desisyon. Nang makatapos si Jasper, tinupad niya lahat ng napag-usapan namin. Pinag-aral niya ako at..." Nabasag pa rin ang boses niya kahit anong pigil niya.

"Ano ba ang mga ipinangako ng kapatid mo sa inyo nahindi pa natutupad, Kimi?"

Napatingin siya rito. Mukhang curious talaga ito. Nagulat siya na tinawag siya nito sa kanyang palayaw. At least, hindi na siya "Miss Lopez" ngayon. "Huwag na nating pag-usapan yan. Wala na rin namang paraan para matupad pa ang mga yon. Wala na si Jasper," sagot niya.tiningnan niya iti. "Salamat na rin, kasi hindi mo sinabi kina Nanay ang sinasabi ninyo na nagpakamatay ang kapatid ko. Baka hindi nila kayanin iyon kung sakali. Salamat din dahil may pansimula ang pamilya ko ngayon. At siguradong makakatapos ako ng pag-aaral. Hayaan mo, Mr. Caldwell, kapag naka-graduate na ako, pwede mo nang bawiin ang scholarship ng mga japatid ko. Ako na ang bahala sa kanila."

Para itong namamalikmata habang nakatitig sa kanya. Na-conscious tuloy siya. Mabuti na lang at timing ang pagdating ng mga magulang niya.

"O, saan na nagpunta ang mga kaibigan mo, Kimi? Ang dami pa naman ng binili naming macapuno."

"May pupuntahan pa raw sila, Tay. Dumaan lang talaga sila rito para makiusyoso. Alam nyo naman ang mga yon, puro tsismisa. Akina ho iyang macapuno para maihain na." Kinuha niya mula sa kanyang ina ang panghimagas na binili ng mga ito. Iniwasan niyang tingnan si Sloane. Palaisipan sa kanya ang mga ikinikilos nito. Para talagang ibang tao ito kaysa unang Sloane na nakilala niya.

Tamang-hinala talaga siya.
——————————
——————————
Thanks for reading!

Vote ang Comment.

IG&Twitter: @aphrophire

Ang Ambisyosang Nagmahal: Kimi by CAMILLAWhere stories live. Discover now