14 - Ginoong Richard

5.7K 470 64
                                    


♪♪Ako'y ibigin mo lalaking matapang. Ang baril ko'y pito, ang sundang ko'y siyam. Ang lalakarin ko'y parte ng dinulang. Isang pinggang pansit ang aking kalaban♪♪

(Leron-leron Sinta – a Filipino folk song. Ngayon ko lang nalaman, iba pala lyrics na alam ko, hahaha!)

A/N: Huli man daw at magaling, huli pa rin ang update. Sorry na po.


Sinipat ni Richard ang halos 1-inch thick printout ng bidding specs at documents na babasahin niya para mareview ang drawings na na-share sa kanila ni Eric ng design team sa common network drive.

First time niyang magreview ng road work proposal.

Ang proposed project ay National Highway sa bandang dulo ng Aurora province at magdudugtong patungo sa Isabela province. May 100km ang haba kaya malaki-laki ang investment. Ang ilang bilyong pisong pondo ay grant na manggagaling sa isang fund galing sa association ng mga bansa sa Europe.

(A/N: Huwag pong seryosohin ang project details, super secret po ito)

Kung wala siyang ibang assignments at tina-trabahong pag-ipunan, kayang-kaya 'to. Puwedeng tapusin ng dalawa hanggang tatlong araw na overtime.

Kaya lang, ang resulta naman, gustuhin man niyang sumama kanina kay Eric sa school nila Maine para sa meeting kasama ang architect, hindi puwede. Siya ang toka sa mga drawings bago ipasa kay Eric para sa review ng computations ng design. Tapos sabay nilang titingnan ang cost estimates.

Sayang hindi niya nakita si ms. Maine. Pangalawang araw na. Biyernes na ngayon. No sightings mula nung magkita sila last Wednesday.

Tiningnan niya ang phone, kahit bali-baligtarin niya, wala pa rin siyang message na natatanggap galing sa kanya. Hinanap niya sa gallery ang isang picture.

'Akala mo , Ms. Maine, ikaw lang ang may stolen picture? Ako rin.'

(photo credit: IYAM blogcon)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(photo credit: IYAM blogcon)

'Ms. Maine, sinave mo ba yung number ko o masyadong naging presko ang dating ko sa 'yo?'

Paano nga kung di siya magmessage? Ano na next move ko? O huwag na lang muna?

Sa isang banda, mabuti na rin siguro 'to at mukhang lumalalim na ang interes niya.

Wala namang kaduda-duda na may gusto siya. Ang tanong, handa na ba siya? Wala sa plano pero dumating eh. Pipigilan ba niya?

(A/N: Gusto mo Tisoy, kami sumagot? Madali kaming kausap.)

-----------------

Halos 7pm na, kokonti na lang ang tao sa opisina. Galing si Richard ng pantry para kumuha ng kape nang mapansin niyang may bagong message sa phone niya at hindi niya kilala ang number. Ito na kaya?

There Was You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon