Thriller!

5.8K 116 1
                                    

Bianca's POV

Simple lang ang buhay ko at buhay ng pamilya ko noon. Hanggang may mangyaring ayoko na balikan.

Nakatira ako noon sa isang apartment na malapit lang sa school namin. Mabuti na lang at may naitabing pera sina Mama at Papa bago sila mawala. Sapat naman na ang perang iyon para makapagtapos ako eh. Pero syempre kailangan ko pading magtrabaho para may maipambayad ako ng apartment at may maipambili ako ng pagkain ko.

Lahat yun nagbago noong nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Paghigh class talaga ang kwartong iyon. Ang lawak at lahat ng gamit eh puro mamahalin. Nagulat ako kasi bakit ako nagising dito eh natulog ako sa bahay.

Nakadroga ba ako?

Nagparty ba ako sa sobrang lonely ko?

May sira na ba ako?

"Good morning, babe." Bigla kong narinig. Nagulat ako at napatalon.

Napansin kong may damit pa din ako. Hay buti naman!

Yung boses galing sa likod ko. Kinakabahan akong iniikot ang ulo ko. Mamaya drug lord na pala ang kumakausap sa akin. Pero ba't niya ako tatawaging babe?!

Sana panaginip lang toh.

Humarap na ako at nakakita ng isang napakagwapong lalaki, para siyang galing sa lahi ng pinakagwapo sa history. Para siyang angel pero para ding bad boy. Nakakakilig. Pero kinontrol ko ang sarili ko. Napansin ko ding nakatwalya lang siya. Napatakip ako ng mata ko.

"Sino ka?" Tanong ko.

"Asawa mo." Sabi niya at lumapit pa. Nararamdaman ko na ang init at bango ng hininga niya.

Asawa?! May mental disorder ba ako?!

____________________________________________________________________________

Thanks for reading! Saranghae! ^^

My 7 Secret HusbandsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon