Chapter 37

316 1 1
                                    

Bianca's POV

"Buti naman at umuwi ka din." Hug sa akin ni tita. "Namiss ka namin."

"Madami akong gift panigurado!" Talon ng bunsong anak nina tita.

"Gift ulit? Kakauwi lang ng tita mo." Iling na lang ni tito.

Kumain na kami kasi tanghali na din.

"Hindi mo ba sinabi kay Brent na uuwi ka?" Tanong ni tita habang kumakain kami.

"Hindi pa tita. Gusto ko siyang isurprise." Ngiti ko.

I really want to surprise him para masaya. Bukas pupunta ako sa condo niya at magstay dun ulit.


Gabi na noong may narinig akong malalakas na pag-ubo. Bumaba ako at nakita si Harold, bunso nina tita, na naghihirap sa pag-ubo.

Lumapit ako at tinulungan sila. May sakit pala si Harold. Tubercolosis. Hindi naman na sobrang bata si Harold, magte-ten na siya next month.

"Bakit hindi niyo sinabi sa akin tita? Madami akong kaibigan na doctor sa New York." Halos hindi ako makapaniwalang sabi.

I mean, bakit hindi nila sasabihin sa akin na may sakit si Harold na ganito?! Para man lang makatulong ako.

"Ayaw ka naming istorbohin. May trabaho ka at sariling buhay." Sabi ni tita.

Kumalma ako at sinabing tutulong sa pagpapagamot ni Harold. Idadala ko siya sa New York kasi walang silbi ang halos tatlong buwan niyang pagpapagamit dito sa Pilipinas.


Natulog na kami ulit pero binantayan ko sandali si Harold bago matulog. Pagkagising ko, umalis na ako agad kasi magpapasama pa ako kay Brent para ayusin ang mga kakailanganin ni Harold sa pagsama sa akin sa New York.

Dumiretso na ako sa condo ni Brent without eating my breakfast. I rode the elevator up and stopped in front of his door.

Nilabas ko ang key card na pair ng key card niya dito sa condo niya at sinwipe yun pero ayaw magbukas ng pinto.

Weird.

Tinawagan ko na lang si Brent, alam kong nasa loob pa siya kasi masyado pang maaga para pumunta siya sa trabaho.

"Mmm," kakagising niyang ungol.

"Brent, nasa harap ako ng unit mo, ayaw nung pinto mabuksan." Nakapout na sabi ko.

"Okay, wait, bubuksan ko na." Sabi niya.

Wala pang isang minuto ay bumukas na ang pinto. Ang gulo ng mga gamit sa unit niya. Parang may ibang naging tao dito.

"Nagpalit ka ba ng key card?" Tanong ko bago umupo sa couch. Napansin kong may mga can ng beer sa gilid gilid kaya pinulot ko iyon at tinapon.

"Ah, yes. A robber got in last night and I have to change my code. And he made this mess." Sabi ni Brent.

Nag-alala ako. Lumapit ako sa kanya. "Did you got hurt?"

"No. Thank you for worrying my queen." Halik niya sa noo ko.

"Sige na maligo ka na. Sasamahan mo pa akong magbreakfast at ayusin yung mga kakailanganing forms ni Harold."

"Yes my queen. Upo ka muna. You must have been tired driving." At pinaupo niya ako sa couch. He went to take a bath as I watch TV.

Pagkabihis niya, umalis na kami. Pagkapasok sa kotse, I fixed his hair and his shirt. Nagmamadali ata eh.

He started the car and we drove off. Kasama ko siyang inayos ang mga papeles na gagamitin ni Harold sa stay niya sa New York.

My 7 Secret HusbandsWhere stories live. Discover now