Chapter 1 - A New Beginning

7.6K 89 14
                                    

Chapter 1

A New Beginning

The door slowly opened revealing almost all of my friends and my family standing in front of their seats and my parents waiting for me halfway down the aisle. Si Matt naman, nakita ko na nakasmile saakin while I was slowly making my entrance.

Kahit ilang beses na ako nakapaglakad sa aisle ng iba’t-ibang simbahan, iba parin talaga this time kasi, sabi nga nila, this is the real deal.

Nakakaloka man aminin pero naiiyak parin ako. Hahaha.

Isipin niyo yun, ilang beses na akong naglakad sa aisle pero nakakiyak parin? Haha. Nakakaloka talaga. :))

Parang nagflashback nanaman saakin yung mga pinagdaanan namin ng lalaking papakasalan ko ngayon, at isipin ko palang, sobrang saya ko na kasi kahit gaano kahirap yung mga pinagdaanan namin, kami parin sa huli.

“This is really your big day, Anak. Please forgive your mother and I in pushing you to Enzo.” Sabi ni Dad habang tumigil ako maglakad sa gitna ng aisle to kiss them both sa cheeks.

I just gave Dad a sweet smile and told him: “Dad, okay lang yun. At least nandito ka ngayon.”

Pagkatingin ko sa mata ni Dad, napansin ko na may luha na bumuo sa mata niya. Hindi ko na din mapigilan na umiyak. Hinug ko ng mahigpit si Dad, tapos si Mom.

Lalo akong napaiyak nung nakita ko si Matteo sa harap ng altar na naghihintay saakin. At parehas pa kami na naiiyak habang ang laki ng mga ngiti namin. Para kaming mga ewan na umiiyak habang nakangiti ng malaki.

Ito siguro ang epekto pag marami na kayong pinagdaanan, and finally, ikakasal na ulit kayo at alam mo na talaga magtatagal na talaga ‘tong marriage na to.

Feeling ko tuloy sirang-sira na make up ko kakaiyak ko. Haha. Pero the hell I care diba? Ikakasal na ulit ako sa taong pinakamamahal ko eh! Wala na akong pakialam sa make up ko!

Naglakad na kami ng parents ko papunta sa kung nasaan si Matteo. Nasa likod niya yung dalawang best man na si Alfred at si Enzo. Ang dalawang taong naging importanteng parte din sa buhay namin ni Matt.  

Kung wala kasi siguro si Alfred sa buhay namin ni Matt, in the first place, hindi kami makakasal dati sa Tagaytay at hindi kami magkikita ulit after ilang years. Si Enzo naman, kung hindi niya siguro ako ginuide sa buhay ko sa America, siguro ang gulo na ng buhay ko ngayon at kung hindi siya nagparaya, walang kasalang nagaganap ngayon.

Tuloy lang yung lakad namin hanggang sa makaharap ko na si Matteo.

Lalo akong napaiyak nung nakita ko na may tumulong luha galing sa mata niya. Nakipagshake hands siya kay Dad at beso naman kay Mom. He looked at me at parang tumigil yung buong mundo at kaming dalawa nalang yung gumagalaw.

Words can’t express how I love this person so much.

One Week Romance - BOOK 2Onde histórias criam vida. Descubra agora