Chapter 2 - Jillian

50K 847 49
                                    

Ako nga pala si Aviona Yanina Ariella Cruz or Aya for short. Kung bakit ganyan ang pangalan ko, tanong niyo dun sa lukaret na author ng My Bestfriend is a Heartbreaker (Book 1).


Isang kong secretary sa isang kilalang architectural firm. In other words, utusan, muchacha at katulong ng boss ko na si Architect Kyle Villarosa. 


Oo, tama ka, siya nga ang nag-iisang kuya ni Belle.


Hindi nagkataon ang pagtatagpo namin ni Kyle dahil sinadya ko talaga na mag-apply dito sa company nila para makasama siya. Hindi po ako obsessed stalker, slight lang.


"Aya, hinahanap ka ni Sir Kyle," sabi ni Jillian habang nagkakape ako sa pantry. Libre kape at tinapay sa pantry namin kaya dito ko nag-aalmusal.


Ikaw ba ayaw mo ng free breakfast?


Si Jillian Mendoza ay isa sa mga ka-officemate ko na naging super friend ko. Kwela, pero maldita. Mabait, pero laitera. Matalino, pero mahadera. Maganda, pero maganda din ang hanap niya.

Isa si Jillian sa mga nakakaalam ng pagnanasa ko kay Sir Kyle.


"Namissed ba agad ako ni Sir Kyle? Grabe naman siya, magkasama lang kami buong gabi sa condo niya ah! Di pa ba siya nagsasawa sa akin?" tanong ko habang nagpapalaman ng butter sa pandesal.

"Ambisyosang palaka! Di ka kagandahan friend. Di ka papatulan nun. Siguro kung mag-aayos ka ng konti, may teeny weeny chance ka pero mas may chance pa rin ako kay Sir Kyle. Mas sexy at alluring ata ako sayo," sagot ni Jillian na umupo sa tabi ko.


May point si gaga. Maganda si Jillian at voluptuous ang katawan. Kaso, ang type niya ay girls at kadire ang tite para sa kanya.


"Panira ka ng trip no? Hoy, Jillian! Di ka din papatulan ni Kyle. Alam niyang kike ang hanap mo!"

"Aba, malay mo mag change ako ng preference. Try ko kaya mini skirt bukas? Tapos aakatin ko si Sir Kyle. Ano sa tingin mo?"

"Nakikita mo ba tong butter knife? Gusto isaksak ko to sa ngala-ngala mo?"

"Hoy babaeng baliw sa pag-ibig! Wala ako balak pumatol sa isang babaero na katulad ni Sir Kyle. Ikaw lang ang bulag na nagmamahal sa kanya kahit heartbreaker siya. Umakyat ka na at hinahanap ka ng prince charming mo," sabi ni Jillian sabay kuha ng pandesal ko.


Bulag nga ba ang pagmamahal ko kay Kyle Villarosa?

My Boss is a HeartbreakerWhere stories live. Discover now