Chapter 14 - Mr. Pakialamero

29.8K 597 6
                                    

Flashback 2.0

"Hoy! Bitawan mo ko! Ano ba!" sigaw ko habang nakayakap siya sa akin.

Over ako sa pagpalag na parang isang hito na nahuli sa loob ng net. Sipa doon sipa dito pero di niya ako binitawan.

"Papakawalan lang kita kapag pinangako mo sa akin na di ka na magpapakamatay, as in ever!" sigaw niya sa akin.

"Pakialamerong palaka! Buhay ko to! Bitawan mo ko!"

Pero di pa rin niya ko binitawan at binuhat ako sa balikat niya na parang isang tumpok ng gulay papunta sa kotse niya. Sobrang strong pala ni Mr. Pakialamero at effortless niya kong nabuhat.

"Hoy, ibaba mo ko! San mo ko dadalin? Kikidnapin mo ba ko?"

Di pa rin siya kumibo. Binaba niya ko dahan dahan malapit sa kotse niya, pero nakakulong ako sa mga braso niya as if alam niya na may balak ako tumakas.

"Alam ko iniisip mo, Miss Rakista. Hindi mo ko mauunahan at hindi ka makakawala hanggang hindi mo pinapangako sa akin na papahalagahan mo buhay mo," mahina niyang sabi. Sobrang lapit ng mga labi niya at feeling ko, hahalikan na niya ko anytime.

"May halaga pa ba buhay ko? My dad died few weeks ago. My mom, di ko na makausap sa sobrang depression. My boyfriend broke up with me and runaway with my best friend. You don't know how much pain I am feeling right now!" sigaw ko sa kanya.

Di na napigilan ng luha ko na bumagsak. Isang maalaala moment sa harap ng isang stranger.

"Yes you're right. I don't even have the slightest idea what you're going through right now and I'm sorry. Bago ka magpadalos dalos, isipin mo ang mom mo. She will be devastated pag nalaman niya nagsuicide ka. I'm sure your mom loves you. You just have to understand that she's grieving because of your dad's death. Your mom needs you."

Napatango na lang ako sa sudden realization. I'm so selfish. Nasaktan ako pero mas nasaktan si mommy at kailangan niya ko.

"About your boyfriend, isang kiking inang kupal yun kung niloko ka niya. Madaming lalake diyan. Hindi ka mauubusan. Maganda ka. Bawasan mo lang yung Gothic make-up mo."

Napatango lang ulit ako. Bakit ko nga ba pag aaksayahan ng oras ang ex ko?

Gabi na, walang masyado dumadaan sa fly over. Hindi umalis ang lalakeng pakialamero sa tabi ko hanggang di ako tapos sa kakaiyak. Tinulungan niya ko kahit di niya ko kilala. Utang na loob ko ang buhay ko sa laiterong lalaking to.

"Matulog ka pag-uwi mo. Yakapin mo ang mommy mo pagkagising mo at sabihin mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal," sabi niya habang pinapahid ang luha ko.

"Salamat ah? Di ba sabi mo pwede kita maging boyfriend or katulong? Does the offer still stands?" pabirong tanong ko sa kanya nang mahimasmasan na ko sa kadramahan ko.

"Boyfriend pwede kaso may expiration date ang relationship ko sa mga girls. Ayokong masaktan lang kita."

"Eh di katulong na lang?" tanong ko habang nakangiti. Ang pogi talaga ni Mr. Pakialamero.

"Sumosobra ka na ah? Kakikilala nga lang natin, nakasandal ka na agad sakin. Pati shirt ko binasa mo ng luha mo."

"Hoy, gwapong pakialamero. Precious tears ko. Pwede mo ipa-auction shirt mo. Pero seryoso, salamat talaga. Ano nga pala name mo?"

"Kyle. Ikaw?"

"Aviona. Thanks Kyle. Utang ko buhay ko sayo. Promise, sayo ko lang bibigay virginity ko."

"Haha. Baliw ka talaga pero sige aasahan ko yan. Sisingilin kita kapag malaki ka na. Sa ngayon, mag-aral ka munang bata ka."

Umalis lang siya nang nakasigurado na hindi ako magpapakamatay. Kaso hindi ko nakuha ang buong name or phone number man lang.

My Boss is a HeartbreakerWhere stories live. Discover now