Chapter 33 - Wiwi

26.6K 530 10
                                    

"So, siya pala ang the original heartbreaker. Ang pogi nga. Di ko masisisi si Belle kung ma-inlove siya kay Ross," sabi ko kay Kyle pagsakay namin sa sasakyan.

"Bakit type mo din si Ross? Di kayo nagkakalayo ng edad."

"Sir Kyle, pogi si Ross pero ikaw ang mahal ko."

"Totoo? Promise?" nangingiting sabi niya habang nagdridrive.

"Uu, Sir. Kung iaask mo ko makipag-makelove dito sa kotse mo papayag ako."

"Ayan ka na naman. Umaandar na naman ang pagiging Anastasia Steele mo. Uwi muna tayo at ayusin mo yung mga gamit mo."

Pag dating ng hapon, umalis uli kami ni Sir Kyle. Pinadala na niya sa akin ang ibang mga gamit ko. Malamang nakakita na siya ng bahay na matitirahan namin. Medyo malayo kasi ang Villarosa mansion sa city.

Tumigil kami sa isang mataas na expensive looking building sa city. Di kumikibo si Sir Kyle pero sinundan ko lang siya. Sumakay kami sa elevator at bumaba sa fifth floor.

Isang modern at malaking room with several furniture at tumambad sa akin. May dalawang room din at ang veranda ay may overlooking view sa mga medieval buildings ng Florence.

"Malapit to sa office. Walking distance lang. What do you think?" tanong niya sa akin.

"Ang ganda, Sir! Dito ba tayo titira?" tanong ko kanya habang iniikot ang buong kabahayan. May several groceries na din at ilang gamit.

Eto na ba ang future house namin as husband and wife?

"I painted your room light pastel pink. Sa akin light teal, parehong pastel colors. Masyado kasi seryoso ang mga bahay dito sa Florence. Gusto ko itry yung light na interior."

Tumakbo ko sa kwarto at nakita ko ang cute ng design. Light pink na parang pambata. Kulang na lang si Hello Kitty. Yung kay Kyle din, parang pambata ang design pero panlalake.

"Lakas trip mo, Sir. Parang kids room pero super cutee. Thanks po. Babayaran kita ng rent pag naka-sweldo na ko."

"Ok na yung katawan mo pambayad mo sa akin," sabay lapit ni Sir Kyle sa akin at hinaplos uli yung buhok ko.

Di ko maintindihan kung bakit na naman ako kinakabahan. Kaming dalawa lang dito at kung gugustuhin ni Sir Kyle na angkinin ako, magagawa niya.

"Thank you, Aya. Alam ko na palagi mo sinasamahan si Belle at nakatulong yung presence mo para hindi siya malungkot," mahina niyang sabi habang hinahaplos pa din yung buhok.

Buti nag Creamsilk ako kaya silky smooth ang hair ko. Ganto siguro nararamdaman ni Crowley kapag hinahaplos ko yung fur niya.

"Mabait yung kapatid mo, hindi mahirap makasundo."

"Naririnig ko yung tawanan niyo pag gabi. Belle needs a friend. Salamat, Aya at andyan ka," sabay hawak sa magkabila kong pisngi.

Sir, kung hahalikan mo ko gawin mo na. Baka maihi pa ko sa kaba.

Aya, kung may mangyayari sa inyo ni Sir, kakalimutan na agad niya yun bukas. Katawan lang ang gusto niya sayo.

Ok lang, Sir. Love me love, just say that you love me.

Hindi ka nga mahal, lust lang yan. Ikaw lang masasaktan.

Nag-aaway na naman ang malandi at ang practical kong konsensya. Palagi na lang may gantong nagaganap noh?

"Wala yun... Sir... " nauutal kong sabi.

Bawat touch niya parang may electrical charge. Yung labi niya konting tumbling na lang at didikit na sa akin.

"Yung ibang mga gamit natin, bukas na lang natin kunin," bulong niya habang di pa rin binibitawan ang mukha ko.

"Sir Kyle..."

"Aya..."

Hahalikan na sana niya ako nang bigla ko siyang tinulak.

"Sir, wait lang po. Pawiwi muna. Ang dami ko nainom na kape kanina."

"Wiwi? Ahhhh. Dun sa gitna ng kwarto natin, may CR," sabi niya sabay kamot sa ulo.

Alam ko hahalikan na niya ko pero mas mabuting pigilan ko siya kaysa maihi pa ko sa panty. Mas nakakahiya yun.

My Boss is a HeartbreakerWhere stories live. Discover now