Chapter 8 - Ikot ikot lang

31.1K 709 23
                                    

Pagkabagsak ko sa mga unan, bigla akong niyakap ni Sir Kyle para hindi makawala. Para tuloy akong isang prey na inikutan ng isang Reticulated Phyton. Hindi ako makagalaw dahil nakadagan yung buong bigat niya sa akin.

Ano ko memory foam pillow?

"Sir, hindi po magandang combination ang sobrang alak at swimming pool," bulong ko sa kanya habang nakasiksik yung mukha niya sa leeg ko.

Sa totoo lang, matagal ko na pinapangarap to. Ang makatabi si Sir Kyle na walang kahit anong traces ng damit. Pero bakit ngayong andito na ko sa scene na ito, todo ang kaba ko?

"Hug me. Ang lamig," bulong ni Sir Kyle na parang batang nakikiusap.

"Sir?"

"I said, hug me! Inuutusan kita, sundin mo ko," mahinang sabi ni Sir Kyle na nakapikit pa din.

Hug me daw? Nagmamakaawa na eh, tatanggihan ko pa ba?

"Sir, nakahubad ka po kasi kaya ka nilalamig. Kuha po muna kita damit sa kwarto ni Sir Harvey," sagot ko sa kanya, pero bago pa ko makatayo, mas lalong hinigpitan niya ang yakap sa akin.

"Dito ka lang. Sabi ko, hug me di ba?" sabi niya na medyo galit.

Wala na po ko nagawa at sinunod ko siya sa kanyang mga utos. Namalayan ko na dumampi ang mga labi niya sa labi ko at inangkin niya ko sa gabing yun.

Charot! Excited masyado sa love scenes. For inappropriate sexual contents, please turn to page...

Charot lang ulit! Walang ganung hanashi. Mga excited naman!

Niyakap ko lang din si Sir Kyle sa ilalim ng comforter dahil medyo nilalamig na nga siya. Hindi naman niya to maaalala bukas.

"Sir, tulog ka na ba?" tanong ko habang nakayakap sa kanya.

"Hmmmmm?" sagot niya lang habang nakapikit ang mga mata.

"Naririnig mo pa ba ko? Sa totoo lang chance ko na to para pagsamantalahan ka. Tapos magpapanggap akong buntis at pipikutin kita para pakasalan ako. Pero mukha naman akong kontrabida pag ginawa ko yun."

"Uhmmmmmm..." ungol na lang ang sagot niya. Siguro tulog na. Napagod siguro sa kakalaro at kakainom ng alak.

"Alam mo ba na mahal na mahal kita?" mahina kong sabi sa kanya habang hinahaplos ang buhok niya.

"Hmmmm?"

"Kaso, isa't kalahating manhid ka. Parang kang si Sarah G, ikot ikot lang. Sasabihin ko mahal kita tapos akala mo palagi kita binibiro, kala mo joke lang ang lahat. Paikot ikot na lang tayo sa ganung usapan. Di ba obvious na I care for you? Di ba obvious na concern ako?" bulong ko sa kanya.

"Uhmmm..."

"Hindi mo kasi ko pinapansin eh. Yung mga mata mo, palagi sa iba nakatingin. Try mo minsan mahalin din ako for a change," bulong ko sa kanya sa sabay halik sa noo niya.

My Boss is a HeartbreakerWhere stories live. Discover now