Chapter 19 - Kyle

27.4K 558 3
                                    

(POV Kyle)

*Some parts of this chapter are taken from Book 2 - The Heartbreaker is Mine

"Sir, good morning," bati ni Tope, isa sa mga security officer sa building namin.

"Good morning, Tope. Kamusta na si tatay mo?"

"Sir, ok na po. Malakas na ulit. Andyan na po, kakasundo lang kay Ma'am Claire."

"Sabihin mo kay Manong Julio, ingatan ang katawan. Uso trangkaso ngayon. May binili ko vitamins sa kanya, kunin niya kamo kay Aiza sa reception."

"Salamat uli, Sir."

Maliit lang ang architechtural firm namin. Occupied namin ang first five floors ng isang small building. Almost lahat ng employees, whether driver, cleaner or security guard ay magkakakilala.

Si Manong Julio ang tatay ni Tope, ang aming official driver. Mabait ang mag-ama at palagi ko sila tinutulungan dahil dalawa na lang sila magkasama. Namayapa na kasi ang ina ni Tope nung isang taon.

Bago magsara ang elevator, kumakaripas na nang takbo si Aya, my secretary na kakagraduate lang. Ewan ko ba sa babaeng to, napaka daming trabaho pede pasukan, mas gusto maging assistant ko, overqualified naman.

"Sir, sir, wait lang," hingal na sabi ni Aya pagkapasok sa elevator sabay taas ng kanyang makapal na eyeglasses.

"Ang aga aga pa, amoy araw ka na," pang-aasar ko kay Aya. Palagi ko siya inaasar sa lahat ng pagkakataon.

"Sir, naman. Naligo naman ako."

"Bakit di halata?"

"Ay grabe siya. Pawis lang dahil sa kakatakbo. Traffic kasi. Nagmarathon ako ng two blocks wag lang malate. Sorry na ha?"

"Susunduin na lang kita next time, sabay tayo pumasok."

"Sir, wag kang ganyan. Aasahan ko yan. Hindi ako tumatanggi sa grasya."

"Basta may kapalit, alam mo na? Haha!"

"Sir, yan ka na naman eh. Kung di pa kita kilala, iisipin ko type mo ko. Tigilan mo na yang biro mo. Baka lalo mahulog na ang puso ko sayo niyan."

"Natututo ka na din mang-asar ah?"

Madalas kami magbiruan. Minsan, yung mga birong below the belt. Pero kwela si Aya, you can talk to her about everything under the sun. That is why I trusted her because I can be one hundred one percent of myself in front her. Wala siya pakialam kahit babaero ako at hindi niya ko hinuhusgahan.

My Boss is a HeartbreakerWhere stories live. Discover now