Chapter 24 - Doc Gilbert

28.2K 570 6
                                    

Malaki ang hospital room ni Sir Kyle. Parang hotel room, sosyal. May sofa pa at dun ako natutulog.

Wala pa kami isang oras sa kwarto at dumating na si Manang Susan, Nanay Felicia at Tatay Rudy. Sila ang mga kasambahay slash kapamilya ni Kyle. Nakiusap siya na wag muna sabihin sa parents niya ang nangyari.

Pagdating ng hapon, dumating ang ibang empleyado ng firm at si Mam Claire para dumalaw. Love na love talaga ni Sir Kyle ng mga tao sa office.

Kinabukasan, nagpaalam muna ako para umuwi para kumuha ng mga gamit. Saka eewness, di pa ko naliligo. Buti dala ko palagi toothbrush ko.

Nabanggit ko na din kay mommy ang nangyari and she asked me to join her for lunch bago ako bumalik sa hospital.

"I really hate Martina right now. Kyle is a good man. Why would she hurt him because of her jealousy? She is really crazy," galit na sabi ni mommy habang naglulunch kami sa isang Korean restaurant.

"Martina Martina Martina. Di ba, kontrabida na kontrabida? Buti mommy, magaling si Kyle at nadefend niya sarili niya."

"I am glad he is now safe. Take care of him. Nasabi mo na ba?"

"May dinner date at birthday sex sana kami later pero di naman pwede dahil baka next week pa daw siya makauwi from the hospital," sabay subo ng kimchi at tinitignan kung paano magrereact si mommy sa sinabi ko.

"Aya! Birthday sex?" gulat na tanong ni mommy sabay inom ng tubig. Muntik pa ata mabulunan sa sinabi ko.

"Chill mommy. Joke lang yun. Pero alam mo naman na malandi ang anak mo at di ko tatanggihan si Kyle."

"Ikaw lang iniisip ko. Baka masaktan ka. Heartbreaker yang boss mo."

"I love him. Masaktan man ako, I will still be thankful that i love someone like him. Deep ko mommy no?" sabay kain ng Bulgogi.

"Ang deep mo. Parang kang ocean. Pero pag nasaktan ka, andito lang may mommy mo, okay?"

"Teka mommy, maiba ako. Kamusta na kayo ni Doctor Gilbert Buenaventura? Yung matandang binatang psychiatrist mo dati. Nakakailang dates na din kayo. Sagutin mo na si Doc. Di ka na naman niya pasyente at bata ka pa."

"Gilbert is a good friend. I kinda like him pero I want to take everything slow. Nag-eenjoy pa kami bilang magkaibigan," sabi ni mommy na namumula ang mukha na parang yung kinakain niyang sashimi.

"May slow slow pang nalalaman. Achus!"

"Tigilan mo ko, Aya ha?"

"Mommy, you are blushing. You really like Doc Gilbert huh?"

"Well, yes. I really like him. Medyo torpe lang kasi kaya hinay hinay muna."

"Pero boto ko sa kanya. Boto din si daddy malamang sa kanya. Kung nasaan man siya, I know he wants you to be happy."

My Boss is a HeartbreakerWhere stories live. Discover now