Chapter 16 - Little Black Dress

28.4K 563 9
                                    

First year college ako nung una at huli ko nakita si Kyle Villarosa at hindi ko alam kung makikilala pa niya ako sa ngayon.

Sobrang excited ko na makita uli si Kyle kaya sinuot ko ang favorite little black cocktail dress ko with wavy edge which emphasized my legs at pair of expensive pumps. Dress to impress lang ang peg.

Sabi nga niya noon, mukha akong rakistang di naliligo. But now, mukha na kong respectable na babae. I am certain that he will notice me with my outfit.

I will also be graduating in a few months with honors at siya ang dahilan ng aking tagumpay. I want to personally tell him my achievements. He will be delighted kapag nalaman niya na anak ng pinakamataas na boss niya ang niligtas niya noon.

I parked my car sa isang bakanteng parking lot. Sakto, lunch time. Yayain ko siya maglunch. Isang simpleng lunch ay kulang pa pambayad sa tulong na ginawa niya sa amin ni mommy.

Papasok pa lang ako sa building nila at yung ibang empleyado, palabas pa lang para siguro mag-lunch. Nilapitan ko agad ang receptionist, pero bago pa ako makapagtanong, natanaw ko agad si Kyle palabas ng elevator.

Is that Kyle? OMG! He looks so gorgeous and yummy! Bakit sobrang gwapo niya ngayon?

Para kong isang fanatic na gustong sumigaw ng - Kyle, I love you. Please marry me!

Pero habang nakatingin ako sa kanya, unti unting binalot ako ng takot at pangamba. Akala ko confident na ako sa looks ko, kahit sinong lalake mapapatingin sa akin. Pero the moment na nakita ko siya, biglang akong kinabahan. Kung may tite ako, malamang umurong na yun sa kaba.

Lalapitan ko sana siya, pero hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Para akong nagfroze sa kinatatayuan ko. Kung lalake ako, para kong natameme at natorpe sa harap ng crush niya.

Nang lumabas na si Kyle nang building, parang dun lang ako natauhan at hinabol ko siya. He was on his way to the parking lot. Sakto, walang masyadong tao at makakausap ko siya.

I was about to call him nung nasa parking lot na siya kaso, sinalubong siya ng isang sexy red haired woman. And within seconds, naganap na ang di ko inaasahan.

Kyle hugged and fiercely kissed the woman as if sila lang ang tao sa mundo. Though ilang metro ang layo ko sa kanila, alam ko na sa iba mauuwi ang mapupusok na halik na yun.

Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan sa mga oras na yun. Tumulo ang luha ko nang parang walang bukas.

I know I can meet Kyle some other time. We can be friends and we might even fuck, who knows. Pero after nun, makakasama lang ako sa mga listahan ng mga babae na pina-ibig at pinaluha niya.

My Boss is a HeartbreakerWhere stories live. Discover now