Chapter 15 - Ireland

28.6K 581 3
                                    

Sinunod ko ang payo ni Kyle. Nagbago ang pananaw ko sa buhay dahil sa kanya.

Si mommy ay unti unting nakarecover sa depression. Nagtulungan kaming dalawa at malaki ang pasasalamat niya sa estranghero na nagligtas sa akin.

Naging inspirasyon ko si Kyle sa lahat ng bahay. Pinagbutihan ko ang pag-aaral ko dahil sa kanya. Nagbago na din ako ng looks, hindi na ko mukhang rakistang di naliligo.

"Aya, how about Ireland this coming semester break?" tanong ni mommy habang nagbrebreakfast kami.

"Ireland? Wow, sounds good!"

"I know baby and your grades are greatly improving. From 2.5 nung first year, your average now is around 1.25. You deserve this vacation," mom smiled at me.

After ng failed suicide attempt ko, nag indefinite leave si momny sa company nila para makapag bonding kami. We went to Japan, Singapore and South Korea. My mom's psychiatrist advised her na mag unwind and to take a break from work. Every summer at semester break, nag oout of the country trip kami.

"Nga pala mommy, alam ko na name nung poging stranger na nagligtas sa akin. Nasa dentist ako kahapon at nagbabasa ng kung ano anong magazine. Nakita ko si Kyle sa isang Interior Design magazine. Architect pala siya. Architect Kyle Villarosa," masaya kong sabi habang kumakain.

"Villarosa?" namutlang tanong ni mommy.

"Yes mommy. You know him?"

Dali daling binuksan ni mommy ang smartphone niya at nagsimulang magscroll ng pictures. Nang mahanap ang picture, pinakita niya sa akin ang picture ni Kyle.

"Eto ba siya?"

"Siya nga! Mommy kilala mo siya? Wow! Small world. Gusto ko uli siya makita."

"I know him. He is the architectural manager in one of our firms. That man is talented and has so much potential. That's why I promoted him kahit ilan years pa lang siya sa firm. But he's a known heartbreaker. So Aya, alam ko na nainlove ka na kay Kyle at matagal mo na siya hinahanap, pero be careful, ikaw lang masasaktan," malungkot na sabi ni mommy.

"Nasabi na naman ni Kyle sa akin na playboy siya. Pwede ko ba siya puntahan?" excited na tanong ko kay mommy.

"Alam mo naman siguro yung branch namin sa South. Dun sa building ng ninong mo. Andun siya madalas sa fifth floor. Hanapin mo lang siya. He knows me and I am sure papayag siya sa appointment request mo."

My Boss is a HeartbreakerWhere stories live. Discover now