Chapter 27 - Felicia

26.9K 546 10
                                    

(POV Kyle)

"San pupunta si Aya at nagmamadaling umalis? Pinaiyak mo ba Kyle?" tanong ni Nanay Felicia.

"Ewan ko dun sa babaeng yun. Ang daming kinain na sausages. Ang tinde, naka lima ata. Pag naging asawa ko yun, maghihirap ata ako. Teka nay, ayos na ba mga gamit natin?"

"Ok na yung mga luggage, naayos ko na kagabi. Bakit hindi mo isama si Aya sa Italy?" tanong ni Nanay Felicia na umupo sa tabi ko sa dining room.

"Nay, pag sinama ko yun sa Italy, baka magkaapo agad si mommy at daddy," biro ko sa kanya.

"Mukha namang mabait na bata si Aya at mukhang willing ka mahalin kahit babaero ka. Speaking of babaero, kamusta na kaya si Ross at Belle? Bakit ba nagpapadalos dalos yung batang yun at nakipaghiwalay daw siya kay Ross."

"Well, speaking of Ross, I know you care for him, Nay."

Tinignan lang ako ni Nanay Felicia at tinatantsa kung ano alam ko.

*Drum roll*

Eto na ang buod ng kwento ng nanay ni Ross.

"Alam ko ang totoo, Nay. May mga kaibigan ako na tsismoso at marunong mag-investigate. Tinanong ko din si mommy at daddy. Don't worry. Your secret is safe with me," sabi ko sa kanya with assuring smile.

"Baka kamuhian ako ni Ross pag nalaman niya kung sino ko. Alam mo ba mahal na mahal ko ang daddy niya? Pero dahil katulong lang ako, hindi ako nararapat na maging parte ng pamilya nila. Pero di ako iniwan ni Lorenzo. Sinamahan niya ko hanggang maipanganak ko si Ross," naiiyak na paliwanag ni Nanay Felicia.

Oh, ayan na ah? Sinabi na kung sino ang totoong mudra ni Ross. Obvious naman sa Book 2 di ba?

"Hindi mo kasalanan na maaksidente at magkaroon ng selective amnesia. Kilala ko si Ross, hindi siya magagalit sayo."

"Wala akong maalala about kay Lorenzo pagkatapos ng accident. Bumalik lang ang alaala ko nung makita ko si Lorenzo sa graduation dinner ni Belle. Nung nalaman ko na nag-iisang anak niya si Ross, malakas ang kutob ko na siya ay anak ko. Kaya pala malapit ang loob ko sa kanya kapag pumupunta siya dito. Kaya pala familiar ang last name niya na Vargas," madramang paliwanag ni Nanay Felicia.

"Ross told me na yung real mom niya is dating maid. Na-inlove daw daddy niya dun at may balak din na pakasalan. Kaso bigla daw nawala after siya maipanganak. Hinanap nila pero di ka nila mahanap. Hinahanap nila si Rowena, hindi si Felicia. Bakit Felicia? Screen name? Taray! Artistahin!" pang-aasar ko kay Nanay Felicia.

"Ulila na ko Kyle at lumaki ko sa pamilya ng mga Vargas. Mahal ko si Lorenzo at mahal din niya ko. Alam mo yung kwentong parang teleserye na langit at lupa ang pagitan namin? Ganern, Kyle. Pag naging movie yung kwento namin ng daddy ni Ross, gusto ko si Vilma Santos at Christopher De Leon ang gaganap."

"Nay, spell Ambisyosa?"

"Okay fine, tuloy ko na kwento ko. Alam ko na ipaglalaban ako ni Lorenzo ngunit meron siyang baliw na ex-girlfriend na kinidnap ako sa hospital pagkapanganak ko. Yes, Martina lang ang peg. Dinala ko ng impaktitang yun isang malayong probinsya. Iniwan sa gilid ng daan na puno ng damuhan. Binantaan niya ko na buhay ko at buhay ng anak ko ang kapalit kapag di ko iniwan si Lorenzo."

"Wow, Martina na Martina ang dating. Psycho kontra-bida. Pero Nay, kapapanganak mo pa lang noon di ba? I can't imagine the pain that you had been through."

"Dinugo ako noon dahil sa byahe. Iniwan niya ko na walang malay sa gilid ng daan. Nung namulat ako, nasa confusion state ako at dun ako nabangga ng mommy at daddy mo nang di sinasadya. Well, kasalanan ko kasi bigla ako lumitaw sa daan. Simula noon, kinupkop nila ako."

"Destined ka talaga na maging part ng family namin, Nay. Dahil sa amin ni Belle, nakilala mo anak mo. Bakit Felicia ang tawag nila sayo?"

"Felicia ang name ng nanay ko at di ko maalala kung ano pangalan ko. Naaalala ko almost lahat pero wala akong alaala kay Lorenzo or kay Ross."

"Ross told me na may hinala na yung dad niya na kagagawan ni psycho ex-girlfriend ang pagkawala mo, pero wala silang proofs. Hanggang ngayon, umaasa si Ross na buhay ka. Alam niya na hindi mo kagustuhan na iwan siya."

"Salamat kay Lorenzo at Sophia, napalaki nilang mabuting bata si Ross, kahit heartbreaker tulad mo."

"Nay, sa tamang panahon sasabihin natin kay Ross ang lahat. Wag ka magalala, tutulungan ka namin makapiling ang anak mo."

My Boss is a HeartbreakerWhere stories live. Discover now