Chapter 35 - Buboli Gardens

27.5K 517 13
                                    

Pag gising ko, nakayakap pa din si Kyle sa akin. Buti naman, at least di pala panaginip ang lahat.

Medyo maliwanag na at di ko alam kung ilan beses kami naglaro ng apoy kagabi. Laro ng apoy talaga?

Minaximize ko na ang moment. At least madami ko remembrance kung maghihiwalay kami. Dahan dahan ako bumangon at nagbihis. Pumunta ko sa kusina at nagprepare ng breakfast. Buti may laman na food ang fridge.

"Good morning," sabi ni Kyle sabay yakap sa likod at halik sa leeg ko habang nagluluto ako.

"Ay kike ng putakte," sigaw ko sa gulat. Muntik na tuloy mabagsak yung plate na hawak ko.

"Chill. Ako lang to. Ano niluto mo?" tanong niya habang tinitikman ako, este yung bacon sa lamesa.

"Sorry nakialam na ko ng kitchen mo. Gutom na kasi ako at ayaw kitang gisingin. Pancakes, bacon and eggs. May coffee na din dyan."

"Ready ka na ba?" tanong niya habang umiinom ng coffee.

"Haaa? Rrreeady ssaan?" tanong ko sa kanya na nauutal.

Grabe naman si Sir! Gusto na naman ba niya ng isa pang round?

Arte ko noh? Gusto ko naman!

"Di ba sabi ko papasyal tayo? Ano na naman pinag-iisip mo at namumula ka?"

"Wala po. Promise, di ako nagiisip ng bastos," sabi ko sa kanya habang kumakain ng breakfast.

Ah ready sa pasyal! Grabe, napaka assuming ko! Ganda ko eh noh!

Pagkatapos namin kumain, pinasyal ako ni Sir Kyle sa iba't ibang lugar sa Florence. Una namin pinuntahan ang Florence Cathedral na kilala sa kanyang red tiled dome. Parang masterpiece ang simbahan na to sa loob at labas.

Next namin pinuntahan ang arched river bridge ng Ponte Vecchio na nasa Arno River. Bumili kami ng madaming souvenirs. Papadalhan ko si Jill at yung ibang mga ka-officemates ko.

Bandang hapon na nang marating namin ang Boboli Gardens. Napakalawak na green garden na may Renaissance statues, small lake at fountains.

"Alam mo bang nakapunta na ko dito?" bigla ko nasabi kay Kyle habang nakaupo sa isa sa mga bench ng park.

Totoo na nakapasyal na kami ni mommy sa Florence pero nawala sa isip ko na hindi pa pala alam ni Kyle ang sikreto ko. Since may nangyari na sa amin, mas lalo ko natakot na magtapat sa kanya.

"Nakapunta ka na dito sa Florence?" gulat na tanong niya.

Akala siguro niya poor ako at can't afford ang European tour?

"Oo naman. I mean nung pinanuod ko yung Inferno movie ni Tom Hanks, para na din akong nakapunta dito," palusot ko sa kanya.

"I hope you will enjoy this date. Madami na tayong trabaho starting next week," sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

"Sir, officemates with benefits na ba tayo moving forward?" tanong ko sa kanya.

Gusto ko lang malaman kung ano ba talaga ko sa buhay niya after may mangyari sa amin.

Hanggang dun na lang ba yun? Sex partner habang wala pa siyang girlfriend dito sa Europe?

Pero imbes na sumagot, tumawa lang si Kyle. Ano nakakatawa? Seryosong usapan to!

"Aya, I want you to be my girl. Well, hindi ako sanay sa ganto. Lahat sa akin short time relationship, so please bear with me. Gusto ko iwork out kung anong meron tayo," sabi niya sabay halik sa kamay ko.

My Girl? Like girlfriend? Spell OMG!

"Sir, tama ba narinig ko? Gusto mo ko maging... girlfriend?" derecho kong tanong sa kanya.

"Kung gusto mo lang naman?"

"Gustong gusto, Sir! Pwede mo ba isulat sa papel na ikaw na ang boyfriend ko effective today?"

"Bakit isusulat ko pa?"

"Baka makalimutan mo eh. Saka para may proof ako na hindi to panaginip."

"Aya, hindi ko na kailangang isulat, dahil araw araw, gabi gabi, ipaparamdam ko sayo na ikaw na ang girl friend ko," sabi ni Sir Kyle sabay halik sa lips ko.

Isa to sa mga pinapangarap ko, ang maging boyfriend si Sir Kyle. Pero natatakot ako na mawala siya kapag nalaman niya kung sino ako.

Pero wait lang, mahal kaya niya ko? Bakit hindi niya sinasabi? Shy type ba siya?

My Boss is a HeartbreakerWhere stories live. Discover now