Chapter 28 - The Approval

25.9K 509 3
                                    

Nagmabilis ako umalis sa bahay ng mga Villarosa para maabutan si mommy. Sinalubong agad ako ni Crowley pagpasok ko pa lang sa gate.

"Hi, fluffy baby. Missed na kita agad!" sabay yakay sa humongous Saint Bernard dog.

"Aya! Akala ko pumasok ka na? I am on my way na to the office. Gusto mo ba sumabay? Ibababa na lang kita malapit sa opisina mo," sabi ni mommy habang palabas ng pinto.

"Mommy, alam mo ba na magreresign si Kyle at magmomove na sa Italy?" tanong ko sa kanya sabay hila sa kamay niya paupo sa sofa set sa may garage.

"I heard the news yesterday. My colleagues decided that we will give him the European branch since he's really an asset. Of course, I am the one who pushed that idea."

"At di mo ko binalitaan? Walang text mommy? Alam mo ba na aalis na siya sa isang araw?" naiiyak kong tanong habang hinihimas ang fur ni Crowley.

"I know," she smiled at me.

"You know? Mommy naman! Anong sense na magpanggap ako secretary kung di din si Kyle ang boss ko? Susunod ako sa kanya sa Italy! Dun din ako magwowork! Uhmmm kung okay lang sana sayo?"

"I know you would say that as well. Your Ninong Ramoncito and I talked about this. If Kyle will be handling the European branch, it is better that you are also there."

"Really? I mean papayag ka?"

"Malaki ka na baby and I know naman na palagi mo ko bibisitahin."

"Dadalin ko din dun si Crowley ah?" birong kong tanong sa kanya.

"No, no, no. Iwan si Crowley dito. Iiwan mo na nga ko, pati yung aso dadalin mo," maktol ni mommy na parang bata.

"Alam ko naman na ayaw mo din mahiwalay sa aking little big brother. Don't worry Crowley, uuwi ako madalas dito. Mag-Skype tayong dalawa," sabi ko kay Crowley at nagtilt lang siya ng head as if naiintindihan niya yung sinabi ko.

"Doctor Buenaventura and I will visit you from time to time," mahinang sabi ni mommy na parang nahihiyang teenager.

"So? Kayo na ba? Yung totoo, mommy? Ayoko ng showbiz na sagot."

"Uhmmm, I think so."

"Ang landi mo, mommy. Bakit di mo sinabi sa akin? Dapat ako unang makakaalam niyan."

"Naging official lang kami yesterday."

"I am so happy for you mommy. Doc Gilbert is a good man and I know that he will be a good step dad to me," sabi ko kay mommy sabay yakap sa kanya. Si Crowley naman, sumampa sa binti ko at niyakap namin siya pareho ni mommy.

"Thank you baby. Pinaayos ko na din ang maleta mo papuntang Florence. All you need is Kyle's approval."

My Boss is a HeartbreakerWhere stories live. Discover now