Chapter 7 - Fluffy Carpet

31.7K 627 4
                                    

Nakatulog ako ng mahimbing dahil comfortable ang guest room. Nagising na lang ako nang biglang pumasok sa kwarto ko si Sir Kyle. Based sa hitsura niya, mukhang lasing. Napadami ata inuman nila ni Harvey.

"Aya..."

"Sir, ok ka lang ba?" sabay tayo ko sa kama at sinalubong ko siya. Baka bumagsak pa sa floor sa sobrang kalasingan.

"Aya..." bulong niya habang naka-akbay sa akin.

"Sir, bakit ka kasi nag lasing? Hindi kita mararape niyan pag lasing ka," sabi ko sa kanya sabay alalay sa kanya. Sa sobrang bigat niya, napahiga kami sa kama.

"Pwedeng pwede mo na ka gahasain, Aya. Papayag na ko sa mga gusto mo," bulong niya habang naka ngisi at slightly nakapikit. Siguro naghahalo ang pagka-lasing at saka antok.

Chance ko na to! Bwahaha!

Pero mahal ko Sir Kyle. Hindi ko siya pagsasamantalahan dahil vulnerable siya sa mga moment na to.

"Alam mo, Sir. Kahit gusto ko yan, di ko gagawin yun sayo lalo na at lasing ka. Hubarin mo nga yung damit mo. Bakit ka ba basang basa?"

"Gago si Harvey, tinulak ako sa pool. Aya, pinaghuhubad mo na ba ko? Ready ka na ba? Gusto mo ba makita yung katawan ko?" tanong niya na ang ngiti ay abot tenga.

"Opo, basa po kasi yung damit niyo. Well, saka gusto ko rin syempre makita yung abs mo."

Sinunod naman ako ni Sir Kyle na parang isang aso at hinubad ang kanyang medyo basang shirt. Kahit lampshade lang ang ilaw, di ko mapigilan ang mapasinghap ng makita ko almost naked niyang katawan.

Si Harvey siguro hot, pero bakit si Sir Kyle, mas sobrang hot? As in, biglang uminit ang paligid kahit nasa Tagaytay highlands kami. Ngayon naniniwala na ko sa Global Warming.

"Gusto mo ba hubarin ko yung shorts at brief ko?" tanong ni Sir Kyle na nakapikit na pero nakangisi pa din.

"Wait lang, Sir. Takpan muna kita kumot, baka di ko mapigilan ang sarili ko kapag nakahubad ka na," sabay kuha ng comforter at tinakip sa katawan niya.

Wala man lang pasabi, hinubad agad ni Sir Kyle yung shorts at briefs niya sabay hagis sa mukha ko. Maiinis sana ko kaso, binato niya yung mga unan sa carpeted floor at dahan dahan na bumangon. Wala man lang pakialam kahit wala siyang kahit anong saplot.

Ano ka model ng nude painting? At bakit may hubaran na nagaganap?

"Basa yung bed, sorry Aya. Dito tayo sa baba matulog," sabi ni Sir Kyle sabay hablot ng comforter sa kama.

"Sir, sabihin ko na lang kay Sir Harvey na lilipat kita sa isa pang guest room para comfortable ka matulog," sabi ko habang nakatalikod sa kanya.

Hindi ko siya magawang tignan. May part sa akin na kinikilig, may part din naman na natatakot.

"Tulog na si Harvey sa may living room floor. Hindi mo na magigising yun. Antok na ko, Aya, tulog na tayo," inaantok na sabi ni Sir Kyle sabay hila sa binti ko.

"Ay, kikeng malaki!" sigaw ko sa kanya.

Na out of balance ako sa gulat nang dumampi yung kamay ni Sir Kyle sa binti ko. Buti na lang at sa mga unan ako bumagsak. Buti na lang din at medyo fluffy yung carpet ni Harvey.

My Boss is a HeartbreakerWhere stories live. Discover now