Chapter 26 - European branch

27.5K 550 2
                                    

Weeks passed at nakalabas na ng hospital si Sir Kyle. So far, so good. Walang kahit sinong life threatening events na nangyari dahil na din sa security details na hinire ni Gabriel para protektahan si Kyle.

"Good morning po. Andyan po ba si Sir Kyle?" tanong ko kay Nanay Felicia habang nasa labas ng bahay ng mga Villarosa.

Bago kasi pumasok sa office, pinadaaan muna niya ko sa bahay nila. Isang simpleng two storey house ang bahay ng mga Villarosa, pero napakalawak ng garahe.

"Aya, tuloy ka. Nasa dining room si Kyle at nagbbreakfast. Saluhan mo siya," sagot ni Nanay Felicia habang binubuksan ang gate.

"Thanks, Nay."

"Alam mo ba na ikaw pa lang ang babaeng dinadala dito ni Kyle?" nangingiting sabi ni Nanay Felicia.

"Nay naman. Hindi naman ako counted dahil sekretarya lang ako. Ang alam ko kasi, sa condo niya dinadala mga chicks niya. Ay, sorry naman. Ang daldal ko."

"Alam ko naman yun. Kilala ko na yang bata na yan noon pa. Babaero pero pag nagmahal, loyal yan. Babaero din si Antonio, ang daddy niya, pero naging sobrang loyal ng makilala si Isabelle."

Ahhh! May pagmamanahan pala. Like father like son!

Pagpasok ko sa bahay, andun si Sir Kyle na bagong ligo, sobrang fresh. Kaso bakit naka pang bahay lang? Akala ko papasok na siya ngayon?

"Good morning po. Eto na po yung mga documents na pinapadala mo po. Hindi ka po ba papasok today?"

"Ang dami po, jejemon ka ba? Maupo ka muna, Aya. Samahan mo ko kumain."

"Ang seryoso naman ng mukha mo. Parang huling agahan na natin to ah?" biro ko sa kanya sabay upo sa tapat niya.

"I will be resigning effective tomorrow," mahina niyang sabi.

"What? Are you serious? Kyle, ikaw na ang pinakaboss sa firm natin. Bakit ka aalis?"

"My sister needs me. Nasa Italy siya ngayon kasama ang parents ko. Nag-usap na kami ni Claire at siya ang maghahandle ng firm. Nakausap ko na din yung nga big boss at hindi nila ko pinayagan magresign."

"Wheew! Ayun naman pala eh. Di ka naman pala pinayagan maresign," sabu ko saka palang ako nakakuha ng Hungarian sausage sa lamesa.

"That is why they want me to handle our European branches in Spain, Italy and France. They promoted me, but I will be resigning as your boss tomorrow."

Matagal na katahimikan bago ko nakasagot. Di ko alam kung dahil sa malaking sausage na kinakain ko o dahil iiwan na ko ni Kyle. Si Kyle ang reason ko kung bakit ako nagwork sa kanila. Anong sense na magwork ako sa firm nila kung wala siya?

"You will be reporting to Claire effective tomorrow. Hindi na ko magpapadespedida party pero dadaan ako mamaya sa office para personal na magpaalam sa mga tao natin."

"Kailan ka aalis?" mahina kong tanong habang kumakain naman ng Schublig sausage.

In fairness, ang sarap ng sausage ni Kyle. este yung sausages na niluto ni Manang Susan.

"The day after tomorrow. Kasama ko si Nanay Felicia papuntang Florence. Dun muna ko titira sa bahay namin at lilipat din ako pag nakabili na ko bago bahay."

"Anong nangyari kay Belle? Kamusta siya?"

"Nagresign agad kasabay ng medical leave ko at biglang umuwi sa Italy. Mag-uusap kaming pamilya pag dating ko. At as expected, alam na ni daddy na nabaril ako. I am sorry, Aya. Ayoko sana umalis. Nasanay na din ako na kasama ka, pero kailangan ako ng pamilya ko ngayon," malungkot niyang sabi.

"Sa Florence din ba ang branch natin?"

"Sa Italy, nasa Florence at Naples ang branch natin. May other two branches din sa France. May isa pa sa Spain at other European countries. Since I know how to speak Italian and French, inassign ako ng mga boss sa international branch instead of resigning. Win win for me."

"Paano naman ako? Iiwan mo na lang ako? Ganern na lang yun?" tampo kong tanong sabay tusok sa pang lima ko na sausage.

"Gusto man kita isama sa Italy, malabo na payagan ka ng mommy mo."

"Weh? Totoo Sir? Gusto mo ko isama? Like same house, same bed?"

"Same house siguro pero same bed? Hindi pwede, baka mabuntis kita ng wala sa oras," nakangiti niyang sabi.

"Sir, thank you sa sausage mo. I mean, sa breakfast. Wait mo ko ah? Aalis lang ako very very quick. Babalik ako after two hours siguro pero wag ka aalis dito ah?"

"San ka pupunta? Aya? Aya!"

Di ko na siya sinagot at mabilis akong tumakbo palabas ng bahay nila.

My Boss is a HeartbreakerWhere stories live. Discover now