Chapter 40 - Jiovanni

28.4K 523 7
                                    

Kinabukasan, bumalik ako sa office. May dala ko mga documents na baka kailangan ni Sir Kyle. Pero siyempre, palusot ko lang yun. Namissed ko lang siya dahil di ko siya kasabay matulog kagabi.

"Sir? I am sure you don't want to see me. May mga reports pa kasi sa akin, baka lang kailangan mo," sabi ko kay Kyle nung nasa pintuan na ko ng office niya.

"Come in. Wag ka diyan sa pinto. Di naman ako nangangagat," sagot niya habang nakatutok sa laptop.

"Sir Kyle, eto na yung lahat ng documents na nasa akin. Saka mag reresign na sana ko. Alam ko galit ka sa akin and it is no use na mag stay pa ko."

"Sino may sabi na galit ako sayo?" tanong niya sabay tingin sa akin at hubad ng......

....eyeglasses niya.

Nasa office kami. Ano na naman ang gusto niyo hubarin ni Kyle? Bastus!

"Well, galit na galit ka kahapon sa akin. So yeah, I can assume that you hate me."

"Look, I am sorry, Aya. I don't mean to hurt you and I should have listen to our explanations. Sit!" utos niya sa akin.

"That is fine, Sir Kyle, I deserve it. Di ko agad nasabi sayo yung totoo. And now, it is too late, I betrayed your trust," sabi ko habang nakayuko.

"Anong trip mo? Magpapakamatay ka sa fly over dahil sa boyfriend mo dati?"

"Ha?"

"Yeah, my sister told me everything. Pumunta siya kagabi para ikwento kung bakit ka nag apply as my secretary. And also, para kunin yung ice cream sa fridge ko."

"Sorry, nabanggit ko kasi yung freezer mo madami ice cream. Di ko naman alam na pinaglilihian niya pala yung flavor na yun."

"Masiba kumain talaga yun kahit di pa buntis. Tanong ko lang, bakit ka sa office nagbrerebakfast at hindi sa bahay niyo? Palagi kita napapansin sa pantry na kumakain ng pandesal at nagkakape. Di ka naman pala mahirap."

"Baka kasi malate ako, kaya maaga ako pumapasok. Saka masarap ang pandesal sa office at yung 3in1 coffee. Libre pa."

"Wala siguro 3in1 coffee sa bahay niyo noh? Or PG ka lang talaga?" birong tanong ni Sir Kyle sabay smile sa akin.

"PG, pero slight lang. So, sir pinatatawad mo na ba ko? Bati na ba tayo?"

"Hindi pa, matagal ako magpatawad. You need to prove that I can trust you again."

"Walang problema. Basta wag mo lang ako iterminate as your secretary, masaya na ko," excited kong sabi.

"Sa bahay ka na mamaya umuwi. You are still my girlfriend. Saka medyo namissed din kita kagabi."

"Sir, medyo lang? Ako nga missed na missed na kita sobra!"

"Tumigil ka, Aya. Baka mamaya ilock ko yung pinto at ipakita ko sayo yung pagkamissed ko sayo. Kaso magtaka ang mga staffs natin."

"Uy, sir. Wag kang ganyan. Gusto ko yan. Pero thank you, Sir Kyle. Naintindihan mo kung bakit ako nagpanggap lang. Hindi ko naman gusto lokohin ka. Gusto ko lang maipakita na mahal kita."

"It is me who needs to thank you. You loved me kahit isang certified babaero ko. Tinanggap mo ko at pinagsilbihan."

"Utang ko sayo ang buhay ko. Malaki utang na loob ko sayo. Kaya nga labs na labs kita."

"Alam mo Aya, gusto kitang yakapin sa mga oras na to, kaso masama na ang tingin na sa atin si Jiovanni nung sinara mo yung pinto."

"Yung Italiano na graphics artist natin? Mabait yan, naging ka close ko na. Type ka nga daw niyan, Sir Kyle. Di kasi niya alam na sa akin ka na!"

"Gay? Wala sa hitsura ah, mas malaki pa sa akin ang katawan. Anyway, baka next week, matuloy na yung trip sa Paris. Kakausapin ko si Etienne Fontaine. Siya ang naghahandle ng France team natin. Gusto ko imeet lahat ng country managers."

"Ah kasi nga pala European branches na hawak mo. Bigtime ka na sir. Di ka na mareach. What time flight mo sa Paris?"

"Flight natin kasi kasama ka."

My Boss is a HeartbreakerWhere stories live. Discover now