Chapter 10 - Overprotective

32K 651 3
                                    

(POV Kyle)

Ilang minuto rin na iniinsist ni Harvey na siya na maghahatid kay Aya at hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa ginagawa ni Harvey. Pero di ako nagpatinag. Kilala ko tong kaibigan ko na to. Type niya si Aya. Type niya yung mga simple at mukhang virgin na babae.

"Bro, you are so overprotective of her. Baka mamaya, nagfafall ka na diyan sa secretary mo," mahinang sabi sa akin ni Harvey nang pumasok na sa loob ng sasakyan si Aya.

"Dude, you said it yourself. Secretary. Wala kong balak sirain ang professional relationship namin. And besides, Aya is also a friend, tiwala ako sa kanya," mahina kong paliwanag sa kanya

"Ayaw sirain ang relationship? Baka nga sinira mo na kagabi nung pinasok mo siya sa kwarto niya. Bro, bakit ka dinala ng mga paa mo sa kwarto ni Aya? Kasi? Kasi? Kasi type mo siya. Humingi ka ng tulong kay Ross. In denial din yun dati kay Belle, pero umamin din sa huli. Pero kung ayaw mo talaga kay Aya, ako na lang ang poporma sa kanya."

"Harvey, wala ko balak pormahan si Aya, pero wala din ako balak ibigay siya sayo!"

"Ang selfish mo, bro. Ang sabihin mo, gusto mo, sayo lang. Umamin ka, natetempt kang tikman no?"

"Tigilan mo ko, gago. Kung ganun ako, eh di ginawa ko na yun kagabi pa lang. Saka wag ka maingay, marinig ka ni Aya."

"Malay ko ba kung may nangyari sa inyo kagabi. Di ba mabilis ka sa ganyang mga the moves? Kaya nga yung sexy na pantulog ni Ate Helena ang pinahiram ko sa kanya," sabi ni Harvey sabay akbay sa akin at ngiti ng nakakaloko.

"Dude, ginagalang ko si Aya. Hindi siya laruan. Importante siya sakin."

"I know and this is the first time you acted this way towards a woman. Let me know kung tama ang mga theories ko in the future," tapik ni Harvey sa balikat ko.

Nagpaalam na ko kay Harvey bago pa lumala ang usapan namin. Si Aya naman ay tahimik na naghihintay sa loob ng kotse.

"Sorry, ang dami kasi kuda ni Harvey," sabi ko kay Aya pagkapasok ko sa kotse.

"Sure ka ba na kaya mo magdrive? Mukhang masama pa pakiramdam mo. Kung gusto mo, ako na lang magdridrive?"

"Marunong ka?" tanong ko kay Aya.

"Ha? Oo naman. Dahil ba wala ko sasakyan, di na ko marunong magdrive? Sige na, ako na lang. Banayad naman ako magmaneho."

Dahil masakit ang ulo ko, pumayag na din ako sa suggestion ni Aya at di ko namalayan na naka-idlip na pala ako. Nagising na lang ako nang malapit na kami sa condo ko.

My Boss is a HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon