Chapter 34 - Give Up Forever

27.8K 573 21
                                    

Paglabas ko ng CR, wala na si Sir Kyle. Siguro iniwan ako or naturn off. Narealize niya siguro na kadiri ang kissing scene.

"Sir Kyle?" sigaw ko na umeecho sa kabahayan.

"Aya, andito ko!" sigaw niyang sagot sa akin. Nasa veranda pala siya at nakatanaw sa sunset.

Hay salamat, akala ko nilayasan na ko!

"Alam mo ba na lumaki kami ni Belle sa Italy? Kilala ang mga Villarosa dito. Kahit mafia, ginagalang ang pamilya namin. Gusto mo ba pumasyal bukas?" tanong niya nang makalapit na ko sa kanya.

"Go ako diyan. San tayo pupunta?"

"Basta ako bahala. Madami ako alam na pasyalan dito. Then, after ilang weeks, we will fly to Paris to meet the country manager."

"I am sure madami ka na naman magiging chicks dito. Wag ka mag alala, aayusin ko schedule mo para di sila magpang-abot," I said bitterly habang nakatanaw sa sunset.

"Nagseselos ka ba?" nakangiti na tanong niya pero nakatingin pa din sa sunset.

"Sir, di ka naman bobo. Bakit tinatanong mo pa yan?" mahina kong sagot.

Hanggang ngayon ba di pa siya aware na mahal ko siya? Iiwan ko ba ang lahat at sasama sa kanya kung di ko siya mahal?

Bakit ba nakapasa na architect to kung one plus one means I love you ay di pa niya alam?

Tapos sasabihin nila manhid mga babae? Kalokohan.

Etong lalaki nga sa tabi ko, kulang na lang ialay ko ang hubad kong katawan sa kanya, dahil walang kamalaymalay na mahal ko siya.

"Aya..."

"Sir, maiba ko. Yung nga pa lang bagong project sa Naples, napag-aralan ko na kahapon. For approval mo na lang kung pasado sayo..."

"Wala ako pakialam..." sabi ni sir Kyle sabay hawak sa mukha ko at angkin ng mga labi.

Pota ka author! Tagal ko hinintay to! After 33 chapters, ngayon lang ang kissing scene namin at di pa ko prepared?

Ilang libong beses ko inimagine ang moment na to. Gusto ko sa lake or sa cave. Tulad ng story ni Belle at Ross, pero di ko ineexpect na sa ang isang simpleng veranda na may sumisingit na sunset ang magiging unforgettable first kiss ko with Kyle.

Perfect ang scene. Pero kakaibang happiness ang nararamdaman ko sa mga oras na to. Parang tumigil ang mundo at kami lang ni Kyle nag-eexist.

Akala ko nahulog ako sa fifth floor nang biglang umangat ang mga paa ko. Hindi ko namalayan na binuhat at pinasok na pala ko ni Sir Kyle sa loob ng kwarto habang hindi pinapakawalan ang aking mga labi.

Part of me wants to stop him. Bakit?

Kasi makakalimutan din niya ko after nito. Kasi masasaktan lang ako kapag bumalik na naman siya sa piling ng mga chicks niya.

But I did not stop him. Why kamo?

Kasi mahal ko siya and of course, malandi ako.

Pawang katahimikan at ingay ng aircon ang naririnig ko. Di na ko aware sa mga nanyayari kasi the moment he kissed me, it was as if I was transported to a different realm. Sabi nga sa mga English romance stories, our bodies do all the talking.

Hindi ko napagilan nang mapahigpit ang kapit ko balikat ni Kyle when he tried to own me.

"Shit, I am your first?" bulong niya at biglang tumigil sa paghalik sa akin.

"I am going to hate you if you're going to stop now," mahina kong sagot.

"Who said I am planning to do that?" a devious smile appeared on his lips as he owned me.

Wala naman akong balak ibigay ang sarili ko sa iba, kay Sir Kyle lang. Siya lang, wala ng iba.

I will give up forever just to have this moment. Alam ko masasaktan ako sooner or later.

Pero ganun naman pag mahal mo di ba? 

Ready ka masaktan?

My Boss is a HeartbreakerWhere stories live. Discover now