Chapter 7

116 8 0
                                    

Chapter 7: The King Of Azian University

Aesha Point Of View
Pinapasok ako ni kuya sa School kahit ayaw ko mas gusto kong alagaan si mama.Kanina pa ko inaasar ni Jane pero wala akong oras sa kanya ngayon mas nag aalala ako kay mama.

"Hi Nerd"saad ng tao sa harapan ko.Pero mas mukha syang hayop.

"Anong kailangan mo?"

Splash....

Tinapunan lang naman nya ako ng juice sa mukha.

"Ano bang problema mo?!!"Sigaw ko sa kanya

"Wala naman ikaw na kasi yung napili namin...."Ano sinasabi nya? Anong napili....

"Anong napili?"Tanong ko sa kanya

"You are my NEW TOY!!" new toy?? ano ako laruan nababaliw na ba sila

"Nababaliw ka naba!!! Toy? Ano ako laruan..."Tumalikod na ako sa kanya dahil basang basa na ko dahil sa tinapon nyang juice sa akin.

"Don't turn you're back to me while i talking to you, you did'nt know me?"Bakit kailangan ko bang makikilala sya eh nakita ko lang sya doon sa bahay ng kuya ni Thunder may kasalanan pa nga sya sa akin.

"Bakit kailangan ko bang makilala kong sino ka eh parang walang kwenta ka namang tao."

"Gosh...sinagot lang nya ng ganyan si King Axel pero thanks to her maraming sinabi ngayon si Axel..."isa sa alipores ni Jane ang nag sabi nyan King? may kaharian ba dito baka naman naghahari harian lang ang mokong na to wag nya kong asarin nasa panganib ang mama ko.

"You didn't scared to me?"Ang kulit talaga nito.

"Bakit ako matatakot sa isang katulad mo na mokong isang lalakeng naghahari harian dito."

"Now..Matakot kana because i will make you're life like a living hell"Bakit nandito na ba ang impyerno? Daming kalokohan ng lalaking ito.

"Anong pake ko?"Tumalikod na ko at nagsimulang maglakad na pero napahinto ako ng magsalita sya.

"Matakot kana... Magsisimula na maging miserable ang buhay mo." Tinuloy ko maglakad dahil kailangan ko pumuntang hospital para bantayan si mama at kuya bakit ba kasi hindi pumayag si kuya na ako nalang ang mag donate ng atay kay mama.Nang makalabas ako ng University nakakita agad ako ng taxi agad kong pinara ang taxi

"Ma'am saan po kayo?"Tinanong ako ng driver pagkapasok ko sa likod ng kotse.

"Sa Saint Lucas Hospital po."Saad ko sa kanya.Tumango ang driver sa akin.Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa hospital binayaran ko ang taxi at agad pumasok ng hospital.Nang makarating ako sa room ni mama nakita ko na tulog si Tita May siguradong pagod na sya kakabantay kay mama.

"Tita uwi ka muna ako na muna ang magbabantay kay mama..."Saad ko habang niyuyugyog si Tita ng mahina.Nakita kong namulat si tita ng mata.

"Andito kana pala iha? May pagkain dyan kumain kana."

"Okay lang ako tita.Umuwi ka na po muna para makapagpahinga ako nalang po muna ang magbabantay kay mama at kuya nasa kabilang kwarto lang naman po sya."Ngumiti si tita sa akin kaya nginitian ko rin sya pabalik.

"Napakabait mo talagang bata Aesha..."Niyakap ako ni tita

"Mag ingat ka iha"Tumango at ngumiti ako kay tita habang palabas sya ng pinto ng kwarto ni mama.Umupo ako sa tabi ni mama at hinawakan ang kamay nya.

"Ma magiging successful ang operation wag ka mag alala."Kausap ko kay mama wala paring malay.May pumasok na nurse para icheck ang mama ko.Pinakiusapan ko sya kung pwedeng dalhan ng pag kain ang kuya ko.Mabuti nalang at napapayag ko sya.

************

Guys hope you like it.Dont forget to vote and comment. Thanks... Saranghae <3

The Lost Princess Of Hanazono(On-Going)Where stories live. Discover now